Her side

28 2 0
                                    

SOFIA POV

  "Ringggg!!!!!" Susmaryosep! Umaga na pala, nagri-ring na ang alarm clock ko. Naging OA nanaman tuloy ako! Kung bakit ba naman kasi late na late na akong nakatulog kagabi samantalang alas otso pa lang eh nakahiga na ako sa kama.

ngayong araw na ito kasi aaminin kay Yves na crush ko siya,ayon araw na 'to. Tapos ngayong umaga na parang ayaw ko namang pumasok dahil inaantok pa ako! Hay naku! Buhay nga naman, nakakatuwa!
Pero kahit pano nagpasalamat na lang ako na nakarating ako sa school ng maaga-aga ng konti. At least hindi ako late sa unang araw ng klase. Pagkadaan ko sa guard napansin kong marami na ring mga estudyante sa campus.
Hinanap ko ang mga kaibigan ko, pero sa pinakamalas naman hindi ko sila makita. Feeling left out tuloy ako. Nakakahiya! Feeling ko lahat ng tao nakatingin sakin! Naglakad pa ako nang konti papasok sa loob ng campus. 'Di ko pa rin makita ni isa man sa mga kaibigan ko.

Sa isang side ng campus may nakita akong kumpulan ng mga babae. Tapos may biglang sumigaw! Nagulat pa ako, akala ko naman kung ano na. Napasigaw lang pala dahil dumaan yung crush niya. Ayan, meron nanamang isa! May second voice pa ha! Ano ba yan, bakit ba nagsisigawan ang mga girls dito? Bigla na lang may narinig akong kanta...

"Crush ng bayan, yan ang usap-usapan. Kay rami-raming nagpapapansin kung minsan!" Yuck! Ang baduy ha! Kelan pa nauso ulit ang kantang yan? Napaka-out of date na niyan ah!

Buti na lang nakita ko na ang mga kaibigan ko. Kahit paano nakalimutan ko ang nangyari ng umagang iyon.si pamie iyonnag ring na ang bell ibig sabihin time naa


Breaktime. Nagkukwentuhan kaming magkakaibigan tapos ewan ko kung paano nangyaring bigla na lang napasok sa usapan namin ang tungkol sa bago naming kaklase. At noon ko nalaman na siya pala ang pinagkakaguluhan ng mga tao ngayon! Tumahimik na lang ako. Wala naman akong pakealam dun eh. Sino ba naman siya para problemahin ko, diba?

Pero kung may nakakainis pa sa pinakanakakainis, eh yun na nga ang nangyari sakin. Sukat ba namang maging ka-partner ko pa yun sa isa naming project. Naging subject tuloy kami ng lokohan. And worst, feel na feel naman niya! Ang kapal talaga! Feeling guwapo!

Well, may karapatan nga naman siya! Guwapo naman talaga. Yan ang sinagot sa'kin ng mga kaibigan ko. Grabe, hindi ako makapaniwala na mas kampi pa ang mga 'to sa kumag na yun. Nang sandali ring iyon, ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko siya matatawag na guwapo. At hinding-hindi ko siya magugustuhan. As in never!

May heaven come to hell pero hinding-hindi ko iyon papayagang mangyari. Galit ako sa kanya. Ewan ko, basta galit ako sa kanya at ayoko sa kanya.

Mabilis na lumipas ang mga araw at bago ko pa nalaman, pasko na pala. At dahil dun prinopose ng teacher namin na magpresent kami ng isang Christmas special. Ang story ng play ay napagkasunduan na ng klase namin at nakagawa na rin ng script ang aming scriptwriter. Napagkasunduan naming gumawa ng isang modern version ng nobelang Romeo and Juliet. At ngayon ang kulang na lang ay ang mga gaganap sa dula.

Ewan ko ba kung anong nangyari basta ang alam ko may practice kami ngayon. At ngayon nga ay nagsasayaw ako... at kapartner ko siya. Ako nga ang naibotong maging Juliet... at siya, siya ang Romeo. Ngayon may dressed rehearsal kami at may dancing part pa. Ano ba tong napasukan ko? Nakakainis!

Bigla na lang napahinto ako sa ginagawa ko, napatingin ako sa stage. At nakita ko siya. Ginagampanan niya ang isang scene niya sa play. Ewan ko pero napatitig na lang basta ako sa kanya. Sa tagal ng mga practices namin naging malapit na ako sa kanya. At don nga nakilala ko siya ng lubusan. Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Hindi naman pala siya katulad ng akala ko noon.

Pagkakita ko sa kanya sa stage, kumaway pasiya sakin at ngumiti. Ngumiti rin ako at kumaway. Nang araw na yon parang lagi na lang akong tulala. Ewan ko nga ba kung bakit. Basta parang napakarami kong iniisip pero wala naman talaga. Napatingin ulit ako sa stage. Nandun pa rin siya. Parang bigla na lang nagbago ang tingin ko sa kanya. Parang sobrang guwapo niya nang mga oras na yon. Oo, naamin ko na yan sa sarili ko, guwapo talaga siya. Kahit pa isinumpa ko sa sarili ko noon na hinding-hindi ko siya tatawagin na guwapo. Pero iba talaga ngayon eh.

At don... don mismo sa oras na yon ay na-realize ko na mahal ko na nga siya. Napailing ako, sinabi ko sa sarili kong imposible yon. Pero bakit ganun? Feeling ko talaga mahal ko na siya! Sh*t! Hindi pwedeng mangyari yon!

Una, dahil hate ko siya; pangalawa, hindi ang katulad niya ang maaari kong mahalin; pangatlo, hindi kami pwede; at pang-apat hindi parin pwede. Hindi talaga pwede! Bakit ganun? Wala naman siguro akong nagawang masama para mangyari ito sa akin diba? Sa dinami-dami naman ng tao bakit sa akin pa? Wala na akong nagawa. Napaiyak na lang ako. Ewan ko pero umiyak lang ako nang umiyak nang gabing iyon at pang huli:si yves ang ang crush ko

Lumipas ang mga araw at napag-isip-isip kong kailangan ko na sigurong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano. Ang alam ko lang ay kailangan niyang malaman. At ngayon nga ay nasa harap ko na siya. Nagtataka at siguro natatawa na rin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko basta ito na lang ang lumabas sa mga labi kong nanginginig pa nang magsalita ako habang umiiyak na...

"... sorry ha. Hindi ko naman sinasadya eh. Wag ka sanang magagalit sakin dahil hindi ko naman 'to sinasadya. And it's not my fault that you have the cutest smile, the nicest pair of eyes, or the best knees-melting look on earth. God knows how I hate not hating you! Hindi ko alam kung anong nangyari, basta nagising na lang ako isang umaga na mahal na kita. I'm so sorry! Believe me when I say I love you. Napakahirap nang ganito, alam mo ba? Maybe harder than you thought, and all I can say for now is sorry. I'm so sorry for falling in love with someone I never meant to love from the start..."  

"Im sorry 'do i know you'?"
yan lang naman ang pagka sweetsweet niyang sagot sa aking pagkahaba habang drama!

ang tanga nito,naging cheap akong kumilos,binago ko ang lahat pati na ugali at pagdadamit ko pero bat ganun?parang wala kaming pinagsamahan at bigla nalang akong kakalimutanurgh basta bahala siya

"uhm nevermind.i need to go byee"
tumalikod na ako at bigla nalang siyang nagsalita

"ahhh?"

"what?"
nagtataka kung tanong

"Kate angeles is my girlfriend now,so pls stop crushing on me"
akala ko naalala na niya ako pero ganun na naman,bigla kumirot itong puso sobra akong nasasaktan sa pinaggagawa niya tangna!

"ahm,sorry din,nagkamali lang ako ng napagsabihan,kamukha mo kasi yung crush ko!"
at bigla nalang akong nagtatakbo,di alam kung saan ako pupunta ngayon,tatalon sa bangin?ang oa ko naman nito parang crush lang,maglaslas kaya?e di ko naman siya ex!langyaa nababaliw na ako

At dahil yan ang resulta ng pagsasabi ko ng totoo sa kanya ililihim ko nalang itong nararamdaman ko

ang harsssh!

Alam mo bang ang dami kong gustong sabihin sa iyo? At obviously, dahil secret crush kita, dito ko na lamang idadaan.Uumpisahan ko na ba?Maghanda ka ng tubig o strepsils dahil sigurado akong uubuhin ka habang sinusulat ko ang post na ito.

Ehem. Ehem.

Paano ko ba sisimulan? Naku, akala ko madali lang sumulat ng 'love letter' mensahe ng palihim gaya nito sa iyo pero mali ako. Mahirap rin pala.

Pero sige na nga. Sisimulan ko na.

Hmm.

Maaga ka na ngayon dumadating. Naninibago ako kasi dati rati lagi kang late. Good for you. Para hindi ka na lagging napapagalitan ni Sup. Lately rin, napapansin kong lagi kang naka-long sleeve. Alam mo bang bagay mo? Bagong gupit ka rin. Bagay mo rin!

Nung isang araw, may kinuha ka sa wallet mo, may nakita akong picture sa loob. Siya ba ang girlfriend mo... for two years? Uhm... okay. Maganda siya. Siya rin yung nakikita ko lagi na kasama mo sa ilang pictures/albums mo sa FB. Oo, lagi kong binibisita ang FB account mo.

Sa totoo lang, minsan nahihiya na akong kausapin ka. Hindi ko kasi ma-reach yung knowledge mo. Ang dami mong alam. Naiilang na rin akong magtanong sa iyo pag nalilito ako sa mga calls ko. Ayoko kasing magmukhang eng-eng sa harap mo. Pero I know, medyo ganun na nga ang dating ko at tingin mo sa akin. Alam ko. Nababasa ko sa mga mata mo sa tuwing nagtatanong ako. Pero nagpapasalamat ako sa mga naituro mong mga info na minsan hindi ko mahanap sa resources natin sa system. Pati na rin pala sa mga ninja moves at pampatay-boredom tricks during idle time.

Pero teka, bakit parang namamaalam ang flow ng lihim na liham kong ito? Hindi ko gustong mamaalam. Sadyang hindi ko lang kayang sabihin ang mga bagay na ito ng personal kahit pa magkatabi lang tayo at kahit 'medyo' close na tayo ngayon. Sana'y maintindihan mo. Ay. Paano mo nga pala magagawang intindihin kung in the first place, hindi mo naman ito mababasa.

Ewan lang.

O sige, itutuloy ko na.

Negative side naman tayo. Alam mo minsan, medyo napapaurong ako sa mga nasasabi mo. Hindi naman sa nayayabangan pero parang papunta na dun. Oo, marami kanga lam pero... hindi mo na kailangang iparamdam sa akin amin iyon. Alam kong hindi iyon ang intensiyon mo pero ganun yung nafi-feel ko from you. Kaya naman minsan natu-turn off ako sa iyo. Pero okay lang. crush pa rin kita.

'Ang landi ko noh?' Iyon lagi ang sinasabi/tinatanong ko kay Pammie sa tuwing nakukwento kita sa kanya. Alam ko kasing may girlfriend ka na at super taken na ang puso mo. Pero sana hayaan mo akong... mamalimos kumuha ng kaunting inspiration from you. Hayaan mong kahit patago at palihim...eh manatili kitang crush.

Kung sanang alam mo lang... na isa ka sa mga dahilan kung bakit ako ginaganahang pumasok sa trabaho.

Kung sanang napapansin mo lang kung gaano ako kadalas lumilingon sa direksyon mo para makakuha ng isang sulyap.

Kung sanang nababasa mo lang ito.




Playgirl meets the gangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon