Hostage (One-Shot)

29 0 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED 2012

©Amihan Magsaysay

SAEKI'S POV

"Lalalala~", pagkanta ni Reigh, ang aking nakababatang kapatid, habang hawak-hawak niya ang payong sabay ikot.

"Oi Reigh, tumigil ka na nga pagkanta mo at lalong lumalakas ang ulan." pagbibiro ko sa kanya. Sa ngayon, nandito kami sa labas ng aming bahay.

"Hmp! Inggit ka lang sa akin ate kasi maganda boses ko! Hahaha." Pasalamat itong batang ito at kapatid ko siya kundi kanina ko pa siya na itapon sa kanal sa kayabangan niya.

"Opo, kayo na po ang MAGALING kumanta at ako ang SINTUNADO sa pag-kanta!" talagang in-emphasize ko pa yung MAGALING AT SINTUNADO, kasi sa totoo lang si Reigh ang sintunado at kaming dalawa naman ni Meigh ang magaling kumanta.

"Buti naman ate at naintindihan mo. Akala ko gusto mo pa ng sample para maniwala kang ako'y magaling kumanta." nakangising sabi ni Reigh habang patuloy sa pag-ikot habang hawak-hawak pa rin ung payong.

"Ay! Hindi nyo na po kailangan kumanta, kasi alam ko naman po na MAGALING kayo sa pagkanta." Naku! Huwag na huwag mong papakantahin si Reigh kung ayaw mong mabingi.

"Sige na nga!" Sumimangot lang si Reigh tapos umikot-ikot lang siya habang hawak-hawak niya ang payong. Nagbuntunghininga na lang ako.

Pinagmasdan ko na lang ang pagbagsak ng ulan. Sa totoo lang, napakagandang pagmasdan ang bawat pagbagsak ng ulan. Pero kahit gaano pa ito kaganda, para sa iba, isa itong bagay na nagpaparamdam ng kalungkutan.

Pinagpatuloy ko lang ang pagmamasid sa ulan ng may naramdaman akong parang may likidong pumapatak sa ulo ko. Sa una, hindi ko na pinansin ito kasi alam kong tubig galing ulan ang pumapatak sa ulo ko, kasi may malaking butas ang payong ko, pero tinakluban ko na ang butas gamit ang papel. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi na lang ako bumili ng bagong payong, simple lang kasi KURIPOT AKO. Nagpatuloy lang ang pagpatak ng tubig ulan sa ulo ko, pero habang tumtagal parang bumibilis ang pagpaptak kaya sa inis ko naibaba ko ung payong ko at kasabay ng malakas na pag-ulan BOOM! Nakaligo ako ng wala sa oras sa ulan!

"Anong nangyari sa iyo ate? Bakit ka naliligo sa ulan? Di ba, aalis pa tayo, bakit ka ate naliligo sa ulan?" inosenteng tanong ni Reigh.

"Che!" iyon na lang ang nasabi ko kasi naiinis ako, dahil hindi pa nga kami nakakaalis sa bahay, basa na kaagad ang damit ko. Take note, BUONG DAMIT ang nabasa sa akin. Ang galing galing kasing tumiming ng ulan.

"Sungit mo naman ate!Bleh" sabay simangot ni Reigh.

"Ikaw kaya ang mabasa, tignan natin kung hindi ka magsusungit!" banat ko.

"Oo na po! Magpalit ka na po at aalis pa po tayo." iniinis pa ata ako ng batang eto.

"Che!" Iyon na lang ang sinabi ko tapos pumasok na ako sa loob ng bahay para makapagpalit na ako ng damit pero may pahabol pa itong si Reigh Kulit.

"Ate! Tanong mo kay Meigh kung tapos na siyang tawagan ng kalikasan! Hahaha"pahabol niya.

"Loka ka talagang bata ka!" sigaw ko.

ʕʔʕʔʕʔʕʔʕʔʕʔʕʔʕʔʕʔʕʔʕʔʕʔʕʔ

Hostage (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon