The Faces Of Love

25 0 0
                                    

Ang sarap sa pakiramdam na pag gising mo sa umaga, muka agad ng babaeng pinakama-mahal mo ang makikita mo. 

Ang sarap titigan ng mala-anghel niyang mukha. Payapa. Napaka-inosente tignan. 

Hinalikan ko siya ng marahan sa noo bago bumangon at dumiretso sa banyo. Paglabas ko ng banyo mahimbing pa rin siyang natutulog. 

Napangiti ako. Alam ko na. Ipaghahanda ko siya ng breakfast. 

Lumabas na ko ng kwarto at dumiretso sa kusina. 

Ano bang magandang iluto? Pancakes na lang. Paborito niya yun kainin sa umaga. 

Habang hinahanda ko ang lamesa para mamaya, pumasok siya bigla sa kusina. 

"Goodmorning, my Angel." nakangiting bati ko sa kanya. 

Nginitian niya lang ako at naupo na sa katapat kong upuan. Tinabing ko ang ilang piraso ng buhok na nakaharang sa maganda niyang muka. Tumingin siya sakin kaya nginitian ko siya na ginawaran din niya ng isang matamis na ngiti. 

Hinding hindi talaga ako magsasawang titigan yung muka niya. Nakakawala ng pagod. 

"Ipinagluto kita ng paborito mong pancakes." nilagyan ko siya ng niluto ko sa plato niya. Nakatitig lang siya sakin. "Sige na, kain na." 

Nagsimula na kong kumain, pero napansin kong hindi niya ginagalaw yung pagkain niya. 

"M-may problema ba? May dumi ba ko sa muka?" bigla akong napahawak sa muka ko. Nakita ko siyang umiling at ngumiti. 

Hinawakan ko yung kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. "Ikaw talaga." natatawang sabi ko. 

Nakaupo kaming dalawa sa sala habang nanunood ng movie. Nakaakbay ako sa kanya at siya nakayakap sa bewang ko habang nakasandal ang ulo sa dibdib ko. 

Sana ganto na lang kami palagi. Ang sarap sa pakiramdam. 

"I love you so much." pagkasabi ko nun hinalikan ko siya sa ulo bago ituon sa pinapanood namin ang atensyon ko. 

- - - 

KRIIING~ KRING~ KRIIING~ 

"Hmm.." ungol ko dahil nagising ako sa tunog ng cellphone ko. 

Tinignan ko ang oras sa side table ng kama ko. 7:45 AM pa lang. Sino naman ang tatawag sakin ng gantong kaaga? Tsk. 

Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Tinignan ko yung pangalan ng tumatawag. 

Mommy Calling... 

I press the green botton. 

"Hey, Mom! Napatawag ka?" sabi ko nang naghihikab. 

"Hi, honey! Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong niya. Bakit naman kaya? 

"Ayos naman po. Why?" 

"Ahm, wala lang. Kinamusta lang kita. Dadalaw kami ng kapatid mo diyan mamaya, okay?" 

"Okay, mom! Bye!" 

"Bye! Iloveyou!" pagkasabi niya nun, agad ko nang inend ang call. 

Dumilat na ko at tinignan ang katabi ko. 

Wala? 

Baka nasa kusina, naghahanda ng breakfast. Napangiti ako. Ang sweet talaga niya. 

Bumangon na ko at dumiretso sa banyo. Pagkalabas ko agad akong dumiretso sa kusina, pero wala akong nadatnang Angel. 

Asan siya? Hinanap ko siya sa buong bahay. Pero wala siya. San siya pumunta? 

Tinawagan ko yung phone niya. Pero operator lang ang sumagot sakin. Nagsisimula na kong mag-panic. San ko siya hahanapin? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Faces Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon