"Pumayag ka na kasi!"
"Ayoko nga! Namimilit ka na naninigaw pa!"
"Eh bat di ka nalang kasi pumayag! Gusto mo din naman!"
"Aba! Ang kapal mo lang talaga ha?"
Pagkasabi ko nun, nagwalk out nalang ako sa classroom. Kaming dalawa lang saka yung ibang cleaners of the day ang nandun kaya ok lang magsisigaw.
"Hoy! San ka pupunta?!" Pahabol pa niya ng sigaw nang makalabas nako ng classroom.
"Paki mo ba?!" Sagot ko sa kaniya sabay karipas ng takbo papalayo.
Bat nga ba kami nagsisigawan?
Next week na kasi ang prom. At syempre, kailangan lang naman niya ng date.
At ako naman ang napili niya.
Amp lang eh.
Hindi kasi siya yung gusto kong maging date. Pero hindi naman sa panget siya.
Gwapo nga siya eh.
Matangkad.
Matalino.
Maputi.
Magaling sa sports.
Crush ng bayan.
Kaso di ko siya type.
Pano ba eh: (1) ang yabang yabang, (2) ang sungit sungit, (3) ang bossy bossy.
Wala kasing pagkabahid man lang ng pagiging gentleman.
Yung mga may crush sa kaniya sinusungitan lang niya, pero kahit ganun gusto parin siya.
Pinagtataka ko lang talaga na sa dinami-dami ng may gusto sa kaniya, yung may ayaw pa sa kaniya pinili niya.
Nagring cellphone ko kaya sinagot ko.
"Hello?"
(Hana! Oooi! Niyayaya kadaw ni Nico??? Totoo ba tong balitang to???!!)
Itong kaibigan ko kasing ito isa sa mga die hard fan ng Nico nayun. Ewan ko ba bat patay na patay sila dun. =_=
"Wow, nakarating agad sayo?"
(Ako pa! So totoo nga???)
Sigh. "Oo."
Bigla ko nilayo sa tenga ko cellphone ko. Bigla ba naman nagtititili sa kabilang linya yung bruha.
(Ang swerte mo naman!!!!)
"Hindi no. Gusto mo sayo nalang?"
(O?! Talaga?! Yes! Yes! --- ay, wait. Ayaw mo sa kaniya???)
"Alam mo naman yun."
(Ehhh lahat kaya ng babaeng nangyaya sa kaniya tinanggihan niya! Ikaw nga lang kaisa isang niyaya niyaaaa!)
"Eh, ayaw ko naman sa kaniya."
Bago pa siya makasagot, napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si yabang.
"HOY! KANINA PA KITA HINAHANAP!"
Makasigaw naman to. =____=
"Pwede ba, tantanan mo na ko. Saka wag kang magwala sa campus." Sabi ko.
"Kasi naman---!!"
"Hindi padin ako payag." Dali kong sabi.
"HA?!"
"Bahala kang magsisigaw dyan. Uwi nako." Tumalikod nako at umuwi.
Pagdating ko sa bahay, sa landline naman tumawag si Kacey, yung kausap ko kaninang adik kay Nico.
BINABASA MO ANG
Be My Date, PLEASE?
Teen Fictiona short story about a girl and a boy and an upcoming prom :) THIS IS WRITTEN IN TAGALOG/FILIPINO