Her LOVE.
"Sige! Tagay pa!" Ang saya ko. Napakasaya ko ng gabing iyon. Para banag wala akong problemang hinaharap. Para bang ako ang hari ng mundo. Para bang ako ang pinakamayamang tao sa mundo. Inom lang ako ng inom. Sige pa! Di pa nag-uumaga. Tuloy ang saya.
Hanggang sa nalasing ako, at nakatulog. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa amin. Hindi ko alam kung sino ang naghatid sa akin. "Ma, anong almusal?" Yan ang bungad ko paglabas ko ng kwarto ko. Nakasanayan na eh. Ang kaso walang sumasagot. Tinignan ko ang kusina. Wala sila, wala ring nakahain sa mesa. Nasaan siya? Baka nasa labas. Makatulog na nga lang ako.
Pero pagpasok ko sa kwarto ko, hindi ito yung kwarto ko. Napakadilim! Wala akong makita! Nakakatakot! Walang liwanang! Nasaan ako? Panaginip ba ito? MAMA! Nasaan ka ma!
Nang bigla na lang may tuldok akong nakita. Liwanag! Sinundan ko ito. Tinungo ang direksyon nito. Isang dalusan! Sa wakas, makakawala ako sa dilim na ito.
Nakabalik na ako sa bahay namin. Gising na ba ako? Nasa sala ako ng aming tahanan. Mayamaya, lumabas mula si Mama. Buntis siya? Ano ito? Kasunod nito si papa. Napakasaya nila.
"Ma! Pa!" sigaw ko, pero parang wala silang narinig. Tuloy lang ako s kakatawag sa kanila. Napakasaya nila, lalo na si mama habang hinahaplos ang tiyan niya.
Anong nangyayari sa akin? Nasaan ako?
Nagdesidyon akong lumabas ng kwarto, pero ibang deminsyon na naman ba ito? Nasa harap ko ay isang malaking bintana na gawa sa salamin, lumapit ako.
"AAAAAHHHH!!!" Sigaw ng isang babae. Nang tuluyan akong nakalapit, si mama iyon. Si mama nanganganak na!
"Ire pa misis."
"AAAAAHHHH!!" Bakas ang hirap sa mukha ni mama. Mama! Sinisigawan ko siya, "Kaya mo yan mama!" Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko alam kung kapatid ko ba yan o ano. Hindi ko alam! Ang alam ko lang gusto kong hawakan ang kamay ni mama. O mayakap man lang siya. Nahihirapan na si mama! hanggang sa ilabas ang isang bata. Natapos ang paghihirap niya.
Napapikit ako. Pero pagbukas ko ng aking mga mata ay ibang lugar na naman ako naroon. Sa isang nursery. Kalong ni mama ang bata habang nilalaro ito. Napakasaya ni mama. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya. kung sa bagay, kailan ba ako nangialam sa kaligyahan niya. nag importante sa akin ay masaya ako. Pero, masaya nga ba ako? Napakasaya ni mama.
Pinunasan ko ang luhang lumandas na pala sa aking mukha. Mayamaya, parang umikot ang mundo. Parang nakakahilo, bumibilis ang takbo ng buhay. Hanggang sa matigil iyon.
Nasa paaralan ako. Sa dati kong paaralan. At nakita ko ang sarili ko! Ako iyon! Ano ba ito? Bangungot na ito?
Naroon ako, kasama ang mga tropa ko habang itinataboy ko si mama na nagdala ng meryenda sa akin. Umalis ang batang ako. At naiwan si mama. Nakita ko ng magpunas siya ng luha niya. Bakit ma? Ma! Gusto ko siyang puntahan at yakapin. Pero nung sinubukan ko, tumagos lang ako at nadapa. Pagbangon ko, nasa isang club na ako. Tumatagay, umiinom, nagpapakasaya. Ito ang buhay na gusto ko. Kasiyahan lang.
Pero pagtingin ko sa stage, hindi isang performance ang nakikita ko. Parang isang sine kung saan si mama ang umaarte? nakahiga siya sa kanyang kama. Habang si papa ay may dalang bimpo. Inilagay niya iyon sa nuo ni mama. May sakit siya! MAy sakit si mama at hayun ako, nagpapakasaya habang hindi siya naaalagaan.
Ano bang ginawa ko sa buhay ko? Bakit ako nagkaganito? BakiT!
Kumulog, kumidlat, at nawalan ng ilaw.
Sa muling pagbukas ng ilaw,alam kong ibang deminsyon na naman ang pupuntahan ko. At tama ako. Nasa kwarto ko ako, habang nakaharap sa lasing na ako na nakahiga sa kama ko. At si mama, si mama matyagang hinihilamusan ako. Binabanyusan.
"Pwede ba! Layuan niyo ako! Wala akong pakialam sa inyo!"
"Anak, may problema ka ba?"
"Ikaw!" Dinuro ko siya. "Ikaw ang problema ko! Hindi mo ako hinahayaan na maging masaya. Puro na lang pangaral. Kesyo mag-aral mabuti. Kesyo ganito ganyan! Letse! Ano ba mapapala ko dyan! Kayo lang ang sasaya! Gusto kong gawin ang anumang gustuhin ko at kahit ina pa kita wala kang pakialam sa buhay na gusto at pipiliin ko!"
Tama na! Ayoko ng nakikitang umiiyak ang mama ko!
Ang tanga ko! Ang tangatanga ko! bakit ko nagawa iyon sa kanya? Bakit ko nasabi iyon? Ang tangatanga ko! Sinasaktan ko ang mama ko!
"TAMA NA!"
Napahagulgol ako. Napaluhod. Sa harap ni mama. Alam ko hindi niya ako nakikita. Alam ko hindi niya ako mahahawakan. Napayuko akong umiiyak.
Hanggang sa makarinig ako ng putok ng baril. Napaangat ako ng mukha, pero hindi si mama ang bumungad sa akin, kundi isang ataul?
Anong meron? Sinong nasa ataul na iyan?
Papalapit ako sa ataul. Walang ibang tao, nasaan sila? Malapit ko ng masilip ang kabaong ng may sumigaw na isng babae.
"ANAK KO!" Si mama!
"Anak ko! bakit mo ako iniwan?" Umiiyak si mama. Humahagulgol siya. "Sana ako na lang ang nawala. Anak ko, sana ako na lang. HIndi ko kakayanin ito. Anak ko? Bakit? Bakit ikaw pa? NApakabata mo pa? Madami pa tayong gagawin na magkasama." Patuloy lang siya sa pag-iyak.
"Hindi ba sabi mo, pupunta tayo sa ibang bansa para magbakasyon? hindi ba sabi mo, ako ang magsasabit ng medalya mo oras na makatapos ka. At hindi ba sabi mo, ako ang maghahatid sa iyo sa altar sa kasal mo? At hindi ba sabi mo rin noon, ako ang mag-aalaga sa magiging anak mo? Anak bumangon ka! Kailangan kita, anak ko!"
"Ma, buhay ako. Ma panaginip lang ito." Lumapit ako kay mama. Gusto ko siyang yakapin. Pero biglang nagkaron ng salamin na pumigil s akin. "MA!" hanggang doon lang ako, sinisigaw lang ang salitang 'mama'.
"Mahal na mahal kita anak ko, kahit na ano ka pa. kahit na anumang buhay ang piliin mo. nandito lang ako kapag kailangan mo ako. Kapag may problema ka, nandito ako. Sa bawat pag-alis mo sa bahay, nandoon lang ako naghihintay sa pagbabalik mo. Kahit ano ka pa, kahit na sa tingin mo ay sagabal kami sa iyong pangarap, mahal pa rin kita anak ko. Walang pagkakamali kang nagawa sa amin. Ikaw ang grasyang ibinigay sa akin ng MAykapal. Mahal na mahal kita anak ko." Hindi ko na kaya na makita siyang umiiyak.
"Ma, mahal na mahal kita. Ma, patawad, patawad sa lahat ng sakit na naibigay ko. Sa mga kapalkapakan ko. Sa mga panahong itinataboy kita. Ma, sana nasabi ko agad sa iyo. Sana naipakita ko. Sana, sana hindi pa huli ang lahat. Sana, masabi ko pa iyon sa iyo. Kaso, wala na. ano bang ginawa ko? Anong klaseng anak ako. Kung maibabalik ko lang ang lahat. gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. MAsyado kitang sinaktan. Hindi iyon ang dapat para sa iyo sa lahat ng sakripisyo mo. Dapat inaruga kita gaya ng pag-aaruga mo sa akin. PEro anong nangyari sa akin? Patawad mahal kong ina. Patawad."
Patuloy ako sa pag-iyak. Wala na bang isa pang pagkakataon para makabawi sa aking ina? Sa isang babaeng nagbigay ng lahat sa kanya maalagaan lang ako ng maayos. Sa babaeng nagsakripisyo ng lahat para sa akin. Sa babaeng hinayaang masaktan siya dahil sa pagmamahal sa akin.
Isa pang pagkakataon. Isang pagkakataon lang.
Napaluhod ako sa kakaiyak.
Huli na ang lahat, huli na.
Iyak lang ako ng iyak. Hindi na namalayang nakatulog na ako sa kakaiyak.
Nagising ako sa mahinang salaw sa aking tabi.
"Gumising ka na. Nandito na si mama. Please anak. NAndito lang ako para sa iyo."
Pagdilat ko ng mata ko, si mama ang una kong nakita. Isang luhaang ina pero bakas ang kasiyahan.
"Salamat at nagising ka na! Isang linggo kang tulog dahil sa aksidente na natamo mo. Anak ko, mabuti at nagising ka." Niyakap ako ni mama. At kahit na masakit ang lahat sa akin, niyakap ko rin siya. At kahit hirap akong magsalita ay kinaya kong sabihin ang mga salitang dapat ay matagal ko ng nasabi sa kanya.
"M-mahal n-na m-mahal kita Mama!"
BINABASA MO ANG
Her Love.
RomanceIsang pagmamahal na hindi mapapantayan ng kahit na ano o sino pa man. Ang pagmamahal niya, ay walang hanggan. Pero, hanggang kailan mo siya babalewalain? Kapag nawala na siya sa iyo o ikaw ang mawala sa kanya?