|JD's POV|
Ipinarada ko yung motorsiklo ko sa harap ng bahay nila Alice.
Bakit ako pumunta dito??
Wala lang XD.Kikidnapin ko lang uli si Ah-ah :)).
Nag-door bell na ako sa gate nila.
Makalipas ng ilang sandali,nakita kong lumabas na ng bahay nila si Jesse.Habang papunta siya sa gate eh nakita ko sa mga mukha niya ang malaking pagtataka kung bakit ako nasa kanila ngayon.
Binuksan nito yung gate at pumasok na ako.
"Pare,wag mong sabihin na nakalimutan mo??".Tanong ko sa kanya.
Lalong kumunot yung noo niya at mayamaya ay nawala at napangiti ng maalala."Oo nga pala.".Natatawang sabi nito saka kami pumasok sa loob ng bahay nila.
Umupo ako sa pang-isahan na sofa.Umupo naman si Jesse sa sahig.
Kunot-noo akong napatingin sa kanya saka ko itnuon yung mga mata ko sa tv nila.
Ayun pala.Nanunuod ng Naruto Shippuuden.
"Movie yan pre?".Tanong ko dahil adik din kaya ako dun.
"Oo.Yung Blood Prison??".Sagot nito na hindi inaalis yung mga mata sa tv.
"Wow!Sige pahiram ako mamaya ah?".Sabi ko.
"Sige pero huwag ka lang mag-iingay kay Ah-ah na pinapanuod ko na ito.Isa ring adik yon sa Naruto eh.".Sabi nito habang nagkakamot sa ulo.
Natawa ako.So,adik din pala yon sa Naruto??:D.
"Oo nga pala,nasaan si Tita?".Tanong ko.
"Wala siya ngayon eh baka sa tuesday pa balik non.Nasa Batangas sila ni Tita.".
"Ahh..".Tumango ako."Eh si Alice??".
"Nandoon sa kwarto niya.Mamaya pa gising nun!".Sagot nito.
Napatingin ako sa orasan nila.Nanlaki yung mga mata ko.
Bakit??
Eh mag-aala-una ng hapon hindi pa rin nagigising??Ang tibay talaga noon pagdating sa tulugan.Hindi naman tumataba o tumatangkad man lang XD.
"Sige,hihintayin ko na lang siya magising.".Sabi ko.
Tumawa ito.
"Bakit?".
"Eh kasi para mo na ring sinabi na hihintayin mong pumuti ang uwak.".Natatawa pa ring sabi nito."Grabe talaga matulog yon.Kaya sige na at gisingin mo na yon para na rin makapunta pa kayo sa pupuntahan niyo at maaga kayong makakapunta mamaya.".
Ganun ba talaga matulog yung babaeng yon??
"Sige pre.".Sabi ko saka ako tumayo at pumunta na sa kwarto niya sa second floor.
Natawa ako ng mahina ng maalala ko yung binuhat ko si Ah-ah at binato siya sa pool para lang magising siya.
Kung ulitin ko kaya yon?? >:))).
Binuksan ko yung pintuan.Napa-iling na lang ako dahil hindi talaga ito marunong mag-lock ng kwarto nito.Paano na lang kung pasukin ito ng may masasamang-loob??
Asus!Concern!.Sigaw nung utak ko.
Napangiti na lang ako.
Nakita ko si Ah-ah na nakahiga sa kama niya.
Natawa ako ng mahina.
Bakit??
Yung buong katawan niya eh nakatagilid paharap sa bintana nito.Nakakumot pero nasa bewang lang niya.Nakayakap sa hotdog pillow niya,yung isang paa nakalabas na sa kumot.Mahimbing na natutulog na bahagyang nakaawang yung bibig.May tatlong medium size na Domo teddy bear sa gilid niya,pero yung isa nakasalampak sa kanang paa niya.