Lyndsel's P.o.V
"Ako o si Jael?"tanong ko kay Jackson.
Umiwas lang siya ng tingin sa tanong ko. Iniwasan niya ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. Kanina ko pa gustong umiyak sa harapan niya ngunit pinipigilan ko. Ayokong maging mahina sa mata ng ibang tao maliban sa akin.
"Jackson sagutin mo ako."tanong ko ulit ngunit walang siyang imik. "Jackson..."
"Akala mo ba hindi ko alam?"sabi ni Jackson saka tumingin muli sa'kin. Hindi ko alam ang emosyon niya, magulo masiyado. "Akala mo hindi ko alam ang ginagawa niyo ni Zian kapag wala ako? Alam ko na lahat Lyndsel. Matagal na, Pero anak ng tangina, mahal pa din kita!"
Nagulat ako sa mga sinabi ni Jackson sa'kin. Ngayon... Ako naman ang walang masabi. Hindi makapag salita. Hindi ko alam ano ang itutugon ko sa kaniya.
"J-Jackson..."tawag ko sa kaniya. Nanginginig ko siyang hinawakan sa braso niya. "J-Jackson hindi ko naman sinasady---"
Naputol ang pag sasalita ko ng bigla niya akong tinalikuran at umalis ng hindi man lang ako pinakikinggan.
"J-Jacksoon!"
---
"Lyndsel? Lyndsel anong nangyayari sayo?"
Narinig kong boses ni Zian kaya unti-unti akong napadilat. Nakatulog pala ako.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Para kang binabangungot."tanong sa'kin ni Zian.
Bumangon ako at iginala ang aking mga mata. Nasa sasakyan pa din pala kami.
"Nasaan na ba tayo?"sabi ko sabay tingin sa may bintana.
Para itong bus ngunit mas mukha itong ten wheeler truck dahil sa itsura nito at laki nito. Pero ang loob parang isang kwarto sa isang hospital.
"Mapapalayo tayo dahil ibang daan ang tinahak natin. Yun ang sabi ni Jael."tugon ni Zian.
Jael... Oo nga pala, kasama na namin siya.
Sa pagod, kaming lahat ay nag pahinga at maging ako. Di na namalayang nakatulog.
"Bakit di ka natulog?"tanong ko kay Zian.
Ngumisi siya saka nag salita.
"Oh anong ibig sabihin niyang pag ngisi mo?"
"Wala lang. Hindi mo ba napapansin? Pa-excite ng pa-excite ang mga nangyayari dito."simple pero makahulugan na wika ni Zian.
Hindi na ako nag re-act. Hindi dahil sa ayoko, kundi mas gusto kong umiwas na lang.
"Shit!"
Napahawak ako sa gilid ng upuan ng biglang pumreno itong sasakyan. Dahilan noon ay nagising lahat at matapos noon ay nakarinig na kami ng isang malakas na sirena. Bigla akong kinabahan. Ganitong ganito yun, bago mag umpisang mag kagulo.
"Anong nangyayari?"tanong ni Misty.
Lahat kami ay walang ideya kaya walang sumagot sa tanong ni Misty. Ilang Segundo pa ay nawala din malakas na sirena na narinig namin.
"Saan ka pupunta?"tanong ni Nurse Jamie kay Ryohei ng tumayo ito at binuksan ang pintuan.
"Titingnan ko kung anong nangyari. Babalik din ako."sabi ni Ryohei saka tumalon para bumaba.
Ngayon ko lang din napansin na wala sina Bobby at Jackson dito.
"Nandun sila sa harapan. Wala na silang mapupwestuhan kaya doon sila sa tabi ni Jael naupo."biglaang wika ni Zian.
BINABASA MO ANG
Undead City
Mystery / Thriller-WATTPAD FEATURED STORY- Paano mabubuhay sa isang lugar na patay na? Paano mo magagawang patayin ang mahal mo sa buhay? Ang kaninang masayang lugar, sa isang segundo lang, lahat mababago. Gaano ka katapang? Gaano ka kalakas? Gaano ka Katalino? Kaya...