Chapter1

26 0 0
                                    

Maganda's POV. (on the multimedia)
Gumising akong maaga (5:30) kasi, mag jo-jogging ako :D may 2 days pa ko para magpapayat :3 Sabi kasi sakin ni kuya pin kagabi, ang Taba taba ko na daw. Kaya heto, Jogging ang tema.

Tumigil ako saglit kasi nauuhaw na ko. May nakita ako, Lalaki. Nag ja-jogging din siya at papalapit na siya pwesto ko. Aha. kekeke

"Kuya Sintas niyo po!" sigaw ko.

Yumuko siya at Itatali niya na sana yung sintas niya nang na realize niya na wala pala siyang sintas. Tiningan niya ako nang nanliliit mata niya. i just shrugged Saka nag jog pabalik sa pinanggalingan ko.

narinig ko pa yung sinigaw niya

"Siraulo!" papatalo ba ko?

"Gago!"

6:30 na. uuwi na ko. Pagdating ko sa bahay, gising na si mama. naka handa na din ang hapagkainan.

"Andito ka na pala Sia. San ka galing?"-Tanong ni mama habang naglalagay ng gatas sa baso namin ng mga kapatid ko. 4 kami at ako lang ang babae.

"Nag jogging lang po ma."--sagot ko at saktong bumaba naman si kuya Pin topless pa-_-. "Ayan ma! sabi niya ang tababtaba ko na daw.Hindi naman ma diba?"

"Taba mo na kaya"-giit pa ni kuya pin saka umupo sa isang upuan around the table..

"Nagsalita ang puro buto. Magdamit ka nga kuya, baka mahiya yang mga Ribs mo sa abs ni kuya Peyton at kuya Pyle."-Pang aasar ko.

Ako nga pala si Prixie Siara Tan. 16 years old. Pinanganak ako noong October 20 1999. Pang-apat na anak nina Princes Sheena Cortez Tan at ni Prince Andrei Lucas Tan. May tatlo akong kuya. Sina Kuya Pin Sandy Tan (3rd son), Peyton Tan (2nd son) at Pyle Angelo Tan (1st son). Nakapagtapos na ng pag aaaral sina kuya Pyle at Kuya peyton. si kuya Pin naman, BSIT 3-4. Ako, Mag e-education ako kasi pangarap ko yun matagal na. buti na nga lang hindi tutol si mama at papa. My mother is a great educator. Si papa, seaman siya. si kuya pyle nag seaman din. si kuya Peyton engineering at ayun nga, IT ang kuya kong Mapangasar pero pinakamamahal ko sa lahat ng kuya ko.

"Ma, Bakit Hindi nalang mag HRM yang si bunso para matuto magluto?"-Nang aasar nanaman si kuya pin.

"Matututo ako magluto kahit Education ang kurso ko kuya."-Pagpipilit ko.

"Eh sa yun ang gusto ng kapatid mo eh. Hayaan mo na."

"Kaya nga :"

"Asuus. Sigurado ka jan aah"Ito talagang si kuya. Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang. Ganun din naman sila.

"Nakabili ka na ba ng mga gamit mo Sia?"-Tanong sakin ni Kuya Pyle.

"Hindi pa kuya. Baka mamaya po o bukas. Nakakatamad pa po kasi eh. hehe"-Sagot ko naman habang Nililigpit ang mga pinagkainan.

"Ako na dito. Gumayak gayak ka na. Bumili ka na ng gamit mo. Peyton, samahan mo si bunso. "

"Ah sige bro. Bilisan mo sia ah, ayoko ng pabagal bagal."-Sabi ni kuya peyyon saka umakyat ng kwarto niya.

After 1 hour, I'm all done and were off to go. sa MOA lang kami. Nagmotor lang kami ni kuya para hindi maipit sa traffic.

3 hours na kami dito at naka bili na din ako ng mga gamit ko. Naglalakad kami magkatabi pero walang imikan. napaka seryoso kasi ng kuya kong ito.Maya maya nag ring ang phone ni kuya. sabi niya nandito daw yung kaibigan niya. magkikita daw sila sa jollibee kaya sabi ko sa ice cream parlor muna ako. pumayag naman siya. Pero hindi talaga ako nagpunta dun umupo lang ako sa waiting area.

Teka, si March ba yun?

"March!"pagta tawag ko sa pinsan ko. luminga linga naman siya, kumaway ako pata makita niya ko at lumapit siya saakin.

"Siara? Kumusta ka na?"

"Hmm. okay lang, medyo pagod lang. Ikaw? si tita at tito?"

"Okay lang naman. Nga pala, may gift na ako para sayo. para sa birthday mo ☺ Sino kasama mo?"

"Hahaha ano ba. 4 months pa kaya bago ako magbirthday. si kuya peyton. may pinuntahan lang"

"Ah basta, *tingin sa watch* , i have to go. Bibili pa kasi ako ng ingredients ni mama para sa meryenda time. pano, una na ko ah. Ingat"

"Ingat din march" Pagkaalis ni march, tinawagan ko si kuya. sabi niya, medyo matatagalan pa daw siya. Kaya, mauuna na ko umuwi. sa bahay na lang ako kakain.

Gwapo's POV
"But mom, i want to take the course BSIT and this time, i am sure with it."

(No son, You will take Bachelor in Secondary Education. Your father and i talked about it already- Eh diba nga ito naman talaga ang pangarap mo noon pa man?)

"You've talked about it Without me?.. mom, people change. and so ambitions too."

(and Memories dont yan nanaman ang sasabihin mo . Son it's been 1 year. Just let it with the past. Hindi porket nalaman mo sa kapatid niya na BSIT ang kukunin niya eh susundan mo siya dun. Anak naman.)

"Mom please. Just don't... *deep sigh*

(No son. You'll be taking BSE wether you like it or not. and That's final. I'll go ahead my class will start 3 minutes from now. I'll talk to you later. I love you)

*Silence*

"Son. I said i love you."

"I love you too mom"

*Toot toot toot*

Pagkatapos ng tawag tumayo ako at lumapit sa side table malapit sa kama ko. Tiningnan ko ang picture frame sa ibabaw nito at kinuha ang Picture mula sa frame saka binasa ang naka sulat sa likod na siya mismo ang nagsulat.

"April Ciara Perez Loves you Lourd Andrei Padilla"

Umakyat ako sa atic at nilagay ito sa baul. Tiningnan ko ang iba pang gamit na nasa loob ng baul. Yung mga sulat niya, gifts, atsaka mga picture namin together nandito lahat.

"Mahal pa kita sa ngayon, antay ka lang matatauhan din ako" at isinara ko nang tuluyan ang baul. Pati ang feelings ko sakanya. kakalimutan ko na siya. Tumayo ako at naligo. magpapahangin ako.

Pagdating ko sa mall, nagpunta akong NBS. Bibili ako ng Korean-English dictionary. Naglakad lakad ako sa mall hanggang sa mapagod ako at umupo sa waiting area. sa di kalayuan, may nakita akong parang mag jowa pero hindi sila nagpapansinan. maya maya may tumawag sa cellphone ng lalaki. kinausap niya yung babae atsaka iniwan niya. Naglakad lakad yung babae at maya maya Umupo yung babae sa tapat ko. Hmm, infairnes maganda siya. pero ano daw? SIARA? tinawag ba siyang siara ng kausap niya? Haaays. Uuwi na ko. Matutulog nalang ako.

First Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon