SEATMATE <3 [11]

45.5K 804 23
                                    

SEATMATE <3 

  ~ tiffanism

( weeeee. votes and comments ko?? hahah. GOD BLESS. :D

DOOJOON as Kuya Charles.)

SEATMATE <3  [11] 

Chelsea's POV:

Nagising ako ng mga 5:30 am. Monday ngayon kaya kailangang maaga ang gising, may pasok pa ako. Ang sakit nga ng ulo ko eh, tapos parang ang init-init ng pakiramdam ko. Oh well, makaligo na nga lang. Whoa. Ang lamig. Brrrr!!

Mga 20 minutes siguro bago ako natapos maligo. Nagpatuyo muna ako bago nagsimulang mag-ayos for school. Kasi kami ni Kuya, 6:30 palang, papunta na kami ng school. Ang pinakaayaw namin ni Kuya is ang malate.

Pagkatapos kung mag-ayos, kinuha ko agad yung bag ko at tumakbo pababa, papuntang kusina. Naabutan ko si Kuya na kumakain na. Ang takaw talaga, hindi man lang ako inantay. Si Mama at Papa mga 7 pa yun gigising. 

"Good Morning Kuya!!!" nakasmile kong bati sa kanya. 

"Ano namang maganda sa umaga?? Bilisan mo nga at 6:20 na. Ang bagal mo talaga kahit kailan." umiiling pa si Kuya nung sinabi yun.

"Kuya naman eh. Umagang-umaga ganyan ka kaagad. Kaya pala hanggang ngayon wala ka pang girlfriend." umupo ako sa harap nya pagkatapos kumuha ng plato. 

"Aba. Bakit ikaw, may boyfriend ka na ba?"

"Wala pa. Pero naman Kuya, highschool pa lang ako. Eh ikaw, college na.. wala pa ring--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi binatukan na ako ni Kuya. Tapos na agad syang kumain.

"Aray!! Ang sakit nun ah!!" hinimas-himas ko pa yung batok ko.

"Hihintayin kita sa sala. Bilisan mong kumain."

"Oo na, oo na."  Mga 10 minutes siguro, tapos na akong lumamon. Pumunta agad ako sa sala. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo ulit. Napahawak ako sa noo ko.

"Uy!! Okay ka lang? Masakit ba ulo mo?" lumapit agad sa akin si Kuya. Tinulungan nya akong umupo sa sofa.

"Ayos lang ako, Kuya. Medyo nahihilo." 

"Namumutla ka nga eh. Ano bang nagyari, okay ka naman kanina ah?"

"Siguro, dahil sa pambabatok mo sa akin Kuya." joke ko lang namn yun, kasi hindi ako sanay na umaakto si Kuya na worried sa akin. Nakakapanibago lang. Pero si Kuya, namutla agad.

Seatmate &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon