Chapter 1: #FromThePast

43 1 0
                                    

Zed's POV

First monthsary namin ngayon! Ang sayaaaaa!

Akala niya ata wala akong surprise sa kanya, dahil buong araw napaka-busy namin. Eto nga at parang wala sa mood, akala niya ihahatid ko lang siya pauwi, ang di niya alam may surprise ako sa kanya sa park, madadaanan kasi namin yun. Ano kaya magiging reaksyon ng mahal ko.

Kinakabahan ako, malapit na kami sa park.

"Uhm. Zed?"

"Yes babe?"

Tumigil siya sa paglalakad, kaya napatigil din ako. Halos nasa tapat na kami ng park.

"Look at me." tumingin ako sa kanya na ngiting-ngiti, pero biglang nawala yun nung nakita ko yung pagka-seryoso niya.

"Oh, anong nangyari sayo babe? Okay ka lang?" biglang nag-iba yung dahilan ng kaba ko.

"Zed, ayoko na. I'm breaking up with you." putangina.

"Ano?!" fuck! Mali sana rinig ko!!

"Nakikipag-break na ako sayo. Ayoko na, di ko na kaya." tangina, gusto ko na mamatay.

"Ginawa ko naman lahat diba?! Wag naman ganito. Alice naman oh." bakit ngayon pa!

"Sorry Zed, sorry kung ginawa kitang panakipbutas. Ayaw ko na masaktan ka pa lalo. Di ko na kayang tiisin na makita kang nasasaktan for another month. Oo, ang tanga ko.. But Zed, you don't deserve me." parang dinudurog yung puso ko.

"Please, gagawin ko lahat para mahalin mo ako. Just please don't give up." ang tanga tanga ko.

"Zed ano ba!! Kahit ano pang pagmamaka-awa ang gawin mo dyan, sorry pero hanggang friends lang talaga! You don't deserve me! Pumayag ako na maging tayo nun, pero Zed alam mo na masyado lang akong depressed nun, tapos ikaw pumayag ka din kahit na panakip butas lang. Zed, tama na please. Katangahan na to."

"No, babe please." ayoko. Puta umiiyak pala ako. Sa lahat ng nagustuhan kong babae, siya lang yung minahal ko ng ganto, akala ko kasi siya na. Puta, hindi pala. Lagi akong narereject o niloloko ng mga babaeng nagugustuhan ko, pero di ko talaga alam kung bakit masyado ko siyang minahal.

"Wag mo akong tawaging babe! Pinapahirapan mo lang lalo sarili mo eh! Di kaba naaawa sa sarili mo ha?! Dederetsuhin na kita para matauhan ka talaga! Zyron Elliot Dominguez, ayoko na! Binabalikan na ako nang ex ko and i felt his sincerity, gusto niyang mag-simula kami ulit. Ginawa lang kitang panakip butas.. Im so sorry Zed, I love you but only as a friend. I have to do this, you can find someone whom you deserve." shit.

Napa-suntok ako sa puno na katabi ko at napa-upo ako sa sakit na nararamdaman ko, ng puso ko. Ang tanga mo talaga Zed!

Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Thankyou for loving me, and Im so sorry. Sorry nagpadala ako sa sakit na naramdaman ko nun. Sana mapatawad mo pa ako. You're once a friend to me at ayoko na saktan ka pa lalo. You dont deserve this, Im sorry. Im so sorry Zed."

Hinalikan niya ako sa pisngi at naglakad na siya palayo.

Napalingon ako sa park, sayang lang effort ko.

Pag tingin ko sa kabilang side, andun pala yung dalawa. Nakatingin lang sakin. Pinilit ko tumayo at lapitan sila.

"Wala na. Sayang yung pag-ppractice natin. Putangina. Ang sakit pala, mas masakit pa to kaysa sa nararamdaman ko dati pag nare-reject ako. Hahahaha. Puta, tol luha ba 'to?" ngayon lang ako umiyak sa harap ng mga kaibigan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The VocalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon