"Sa Wednesday, magcecelebrate tayo ng buwan ng wika! Magsuot kayo ng barong mga boys, malay niyo maimpress niyo crush niyo!" Sabi ni Sir Adriano. "Mga girls naman, magfilipiñana kayo ahh! Tapos akitin natin mga boys," malanding dagdag ni Sir. So now you know, bakla ang class adviser namin.Nagbell na, tapos na ang first period. Naglakad palabas si Sir Adriano pero hindi pa niya naisasara ang pinto, may pahabol pa siya.
"Girls, mag make up kayo. Pag hindi kayo marunong, just approach me ha?" Aniya, hindi pa naririnig sagot namin ay isinara na ang pinto. So dapat may magapproach talaga sa kanya.
Hay nako. As a normal student, ayoko ng mga ganun kasi baka macompare pa ako sa iba.
'Ayaw mo talaga? Ayaw mo iimpress si crush?' Singit ng malanding bahagi ng utak ko.
Napaisip naman ako, may sense rin naman si landi..
"Jein, may filipiñana ka na ba?" Tanong ng best friend kong si Faye.
"Wala pa eh.. Parang ayaw ko sumuot na parang gusto rin," nagugulohan pa isip ko. Hindi pa nagboboto lahat ng brain cells ko.
"Okie lang Jein! May extra filipiñana ako!" Nakangiti ng makahulugan si Faye habang nakatingin sa akin.
With that, I shall wear filipiñana.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wednesday
Dingdooooonggg...!!!
Nagising ako dahil sa malakas na door bell. Bwisit! Aga aga ohh...
Tulog pa yung kapatid at pinsan ko, tita ko naman nasa labas ng kwarto. Kaya si tita ang nagbukas ng pinto sabay sigaw "Jein, andyan na kaibigan mo!!!"
Wait, may sinabi silang pupunta?
Nagsipilyo ako then nagbihis ng tshirt at pajama(mahirap na, ang revealing kasi ng pantulog ko).
Paglabas ko ng kwarto..
"Anson? Ikaw pala? Kala ko si Faye.." At oo nakabarong na siya.
Tiningnan ko ang orasan. 6:30am palang! Aga neto, 8:00 pa naman ang pasok.
"Pupunta rin si Faye. Sabi niya," wika ni Anson.
"Ohhh.. Bat di niyo sinabi sakin? Punta kayo ng punta eh paano kung-"
"Kasi close tayo," pinutol niya ang sasabihin ko.
"Tse!"
Nagroll eyes ako. Close prens nga naman kami.
Ako, Anson at Faye ay super close friends. Turingan nga namin kapatid, si Faye pinakamatanda, sumunod ako at ang pinakabata ay ang only boy na si Anson.
Habang nagluluto pa ng breakfast si tita, nilabas ko ang aking chess board at nilagay iyon sa gitna namin ni Anson.
"Laban," challenge ko.
Tumango siya at nagsimula na ang labanan. Akin black kaya siya nauna.
Siguro mga ilang minuto kami naglaban bago sinerve ni tita ang umagahan ko.
"Anson gusto mo ng noodles?" Tanong ni tita.
"Hindi na, kumain na po ako."
Okay, bahala siya. Iinggitin ko nga.
Malakas na hinigop ko ang noodles at napapikit pa, "ang sarap naman ng luto mo tita!" Puri ko.
Tumawa si Anson sabay labas ng fresh milk sa kanyang bag. MILK!!!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionA bus love story written by Chiaki_Yamamoto. This story is about a girl who got a sore eye so she stopped going to school for a week. Then she decided to go back to her province because of her father's command. Find out what will happen next. Enjoy...