Chapter 4

7 0 0
                                    

Andito ako ngayon sa isang bar tumakas pa nga ako sa bahay dahil hindi ako papayagan ni Nanay Celly

umorder ako ng shake dahil hindi naman ako umiinom pero ngayon ko lang napansin mukha akong abnormal pumunta ako ng bar para uminom ng shake ang lakas ng tama ko

Habang umiinom ako ng shake may lalaking umupo sa tabi ko

Umorder din siya ng maiinom hindi ko alam kung anong tawag dun

"Hi miss" pakikilala sakin ng lalaking nasa tabi ko hinahawakan niya rin ang balikat ko kaya pinag pawisan ako ng malamig aba first time ko sa ganitong lugar tapos may lalaking hahawak sa balikat ko aba sinong hindi kakabahan at bakit ba ako nandito sa bat aishh

"He-hello" humarap ako sa lalaki at laking gulat ko ng makilala ko siya

"Oh my gush Mikael Santos" nagtatakang tanong ko sakanya

Tinitigan niya lang ako at nung mag sink in narin siguro sakanya kung sino ako

"Jha-Jhana Del Vega ikaw na ba yan "

"How come? Wow nag bago ka na Mik Mik gwapo ka na anong nangyari" nagtatakang tanong ko sakanya

Matangkad,matangos ang ilong, pink na lips medyo kulot na buhok at chinito

"Long story Jha Jha namiss kita hindi kita nakita ng ilang taon ah" sabay akbay niya sakin syempre ako naman kinilig aba ikaw ba naman akbayan ng pogi diba

Itong na sa tabi ko ay Mik Mik ang patay na patay kay Dianne pero itong si Dianne nga naging sila na ni Hans kaya parehas kaming broken hearted

Habang nagkekwentuhan kami napansin ko na maraming nagbago sakanya nawala na yung salamin niyang sobrang kapal at nawala na ang inosenteng si Mikael Santos na may makapal na salamin at braces na laging may hawak na makapal na libro at ang tambayan ay ang library siya ang dakilang weirdo sa batch namin

Nagulat din ako na marunong narin siyang uminom na dati nga hindi mo pa siya mapahawak ng alak

"You changed Mik Mik marunong ka ng uminom at bad boy look ka na nasan na si Mik Mik na inosente san mo siya dinala" natatawang sabi ko sakanya

"Wala na siya winarak kasi siya kaya naisipan niyang bumangon at maging malakas"

Tagos yung sinabi niya sakin kaya napatahimik ako

"Love changed you Mik Mik masyado kang nasaktan kay Dianne kaya ka nag iba ng anyo at piniling maging malakas"

"Same lang tayo Jhana alam kong may binabalak ka kaya bumalik ka dito"

"Ewan ko kung itutuloy ko pa ba ito o pababayaan ko nalang sila gusto ko din kasi maramdaman nila kung gaano kasakit ang naramdaman ko kung paano agawin ng isang mahalagang tao ang pinahahalagahan kong bagay para nila akong sinaksak patalikod" habang inaalala ko yung mga ginawa nila parang gusto ko silang pag untugin

"Aishh ang drama natin tara cheers na nga lang dyan" anyaya sakin ni Mikael

Nagcheers kami medyo naweirdohan nga siya sa order ko ehh

"Jhana ang lakas ng loob mong pumunta sa bar shake lang pala oorderin mo haha"
Aba tong lalaking to makatawa

"Hindi ako marunong uminom eh magagawa mo bakit alak lang ba ang pwedeng iorder dito huh" kunwaring naiinis kong sabi sakanya

Pagkatapos naming mag inuman estw siya lang pala uminom dahil shake lang akin

nakarating narin kami sa parking at papunta na sana ako sa kotse ko ng bigla siyang nagsalita

"Jhana pwede mo namang makuha si Hans" nabigla aKo sa sinabi niya kaya napaharap ako sakanya

"Basta mapupunta sakin si Dianne deal" sabay lahad niya sakin ng kamay niya

Nagdadalawang isip pa sana ako ng biglang kumilos mag isa ang kamay ko

"Deal"

The Crying GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon