49 4 0
                                    

Napatayo ako sa pagkakaupo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang lasing na si kemwell. Mygod! Bakit siya nagkakaganito!? He look so wasted!

"Kem, ano bang nangyayari sa'yo? Ba't ka ba nagkakaganyan?" I worriedly asked him.
Tumingin naman siya sa gawi ko at nagtama ang mga mata namin. His eyes, it's full of sadness, regret, and hatred.

"Diba sabi ko sa'yo umalis ka na!?" He asked. Kahit lasing siya ay nagagawa parin niyang magsalita ng maayos. Maayos at napakasakit.

"Alam mo namang hindi ko kaya yun kem." Naiiyak na ako. Hindi naman kami ganito dati ah.

Naalala ko pa nung mga bata pa kami, kagaya ng ibang magkasintahan, nagsimula muna kami sa simpleng asaran nung Elementary days namin.

Mortal na magkaaway kami hanggang high school. isa siyang Bully at isa naman akong prone to bullying. Walang araw na hindi niya ako binibwisit.

Until one day, Niligtas niya ako kay Veronica. the queen of bullying. Sinabi niya sakin na simula sa araw na 'yon, poprotektahan na niya ako at hindi hahayaang saktan ng iba.

But I never dreamed na siya mismo ang mananakit sa akin. Not physically. But emotionally.

Hes so cold, ni hindi nga siya ngpapahawak, ni hindi niya nga ako halos tignan.

"Pwes ako, kaya ko." He said plainly bago lumabas ng kwarto. Napantig ang tenga ko sa sinabi niya. Teka, saan na naman ba siya pupunta?

After I asked myself, tumakbo na ako at sinundan siya palabas. Bagsak ang balikat ko nang wala akong naabutan pagdating dito.

I was about to walk back into the house nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan.

Its feels so nostalgic. Napapikit ako at bahagyang inalaala ang mga bagay na nangyari dati..

We've dated that time. Galing kami sa Tagaytay nun gamit ang kotse niya. Gabi na at malakas ang ulan nang bumyahe kami pauwi.

Nagtaka ako nang bigla nalang huminto ang sasakyan sa gitna ng madilim na kalsada.

He cursed out off his breath, and look at me apologetically.

"I'm sorry, we ran out of Gas. He-he" pagak na tawa niya kaya napailing na lamang ako.

Hindi na kami lumabas sa kotse dahil sa malakas ang ulan, at isa pa, umaasa kaming baka may dumaan at matulungan kami.

Hours have past pero wala parin. Tumingin ako sa bintana at napansin na tumila na pala ang ulan, bukod don, may naaaninag akong bahay. And it's creepy.

"Anong tinitignan mo jan?" He said and also gaze to that creepy house. "Gusto mo punta tayo dun?" He asked playfully.

"Gago ka ba? Nakakatakot kaya! Tsaka ano namang gagawin na'tin don? Maggoghost hunting?" I asked at tumango tango naman siya.

"Ewan ko sayo." Sabi ko tsaka umirap at isinandal ang ulo ko sa bintana.

"Sab, maniniwala ka bang nakakakita ako ng multo?" Napatingin agad ako sa kanya. "At maniniwala ka bang, may isang lalaking, nasa labas ng bintana na sinasandalan mo?"

Naramdaman kong nagsitayuan ang balahibo ko sa takot pero sadyang may utai yata ang leeg ko at bahagya akong napalingon sa labas.

And i saw a man, smiling at me.

Agad naman akong napatili at nagwala sa loob ng kotse dahil sa sobrang takot.

--
"Pambihira, ganon nalang ba kapangit ang tingin mo sakin sab?" Paul asked me after kong mahimasmasan sa nangyari.

Let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon