▶Officially A College Student◀

102 23 15
                                    

Paki-basa ng author's note sa baba. Please. Hihihi! o∩_∩o

~~

Astrid's Pov:

Ayan na...Magki-kiss na kami ni DraveMyLoveSoSweet ko...Ohmygash! Baka kalbuhin ako ng DraLiana army?! Gosh! The hell I care! Maki-kiss ko na si Draven Laurel!!!

*sssssppppplllllaaaaassssshhhhh!!!!!*

"GOOD MOWNING SLEEPY HEEEEEAAAAADDDDD!!!"

Napa-upo ako sa higaan ko at madiin na pinikit ang mga mata ko

"JACE PALMAAAAA!!! PANIRA KA SA LAHAT NG UMAGA KO!! SA LAHAT NG PANAGINIP KO!!! EEEIII!!! NAKAKAINISSSS!!" sigaw ko

Narinig ko naman syang tumatawa sa labas kaya lumabas din ako at binato sa kanya ang basang unan na dala-dala ko pero tawa parin sya ng tawa

"Daddy oh! Si Jace Palma binasa na naman higaan ko! Pwede naman kasi na gisingin ako ng maayos! Kainis!" Sigaw ko kay daddy galing dito sa balcony sa loob ng bahay kasi nasa baba sina mommy at daddy

"Hahaha! Ayaw mo nun? Fresh ka na!" Tawa nya

Sinamaan ko sya ng tingin na ilang metro lang ang layo nya saakin

"Avory ng isang elepante" tawa na naman nya "Masungit na ang mga teachers sa college lalong-lalo na sa university mo" sabi nya

"Baket? Dun ka nag-aaral?" Sabi ko

"Baket? May sinabi ako?" ginaya nya ang pananalita ko "Experience is the best teacher sis!" dagdag nya

Inirapan ko lang sya at bumalik sa kwarto ko. Wala akong choice kundi dumiretso na lang sa c.r at maligo...Yun na yun eh! Maki-kiss ko na si Dravenmylovesosweet!! T^T

---

"Kuya, mahirap ba ang mga lessons sa college?" tanong ko

Papunta na kami sa SCU (Saint Celestine University), hinatid ako ng magaling kong kuya!

"Depende naman yan sis" sabi nya

He shot a glance on my way but diverted it to the road again

"Anong depende?" tanong ko

"Depende. Kung makikinig ka, maging madali lang ang mga lessons at kung hindi ka makikinig, syempre maging mahirap! Pero kung bopols ka na talaga, wala na akong magagawa dyan" tawa nya kaya sinuntok ko yung braso nya

"Psh! Nagsalita ang matalino!" Sabi ko, tumawa lang sya

"Oh, andito na tayo, baba ka na bopols!" Tawa nya kaya sinuntok ko ulit sya

Bumaba na ako tsaka lumiko sa driver's side malapit at tinignan ang napaka-laking gate ng SCU

"Kinakabahan ako kuya" sabi ko pero nanatili parin ang mata ko sa gate

"Tingin ka nga sa akin" tumingin ako sakanya na naka-tayo sa labas "You'll be fine, just minimize your clumsiness" ginulo nya ang buhok ko kaya inayos ko naman at ngumiti sakanya tsaka tumango "Pasok ka na bopols" mahina nya akong tinulak

"Wish me luck!" Sabi ko

He gave me his warmest smile then wished me luck. Tumingin ako sakanya then jumped backwards entering the campus.

"Syet! Official na ako!" Sabi ko

"Pose ka dali! Pi-picturan kita!" Sabi nya

Kaya nag-pout ako tsaka peace sign

My Boyfriend From The Future?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon