Pag-ibig

19 0 0
                                    

Pag-ibig? Ano ba ito? Nakakain ba yan? Saan ba yan nakukuha? Pagibig? Kanino?

Ang pagibig ay pagmamahal, pagmamahal sa tao sa bagay sa hayop. Hindi ito nakakain(sadyang gutom ang author na gumawa nito). Hindi mo naman ito nakukuha eh. nararamdaman lang ito, kusang mararamdaman mo yung pagtibok ng puso mo para sa kanya o para dito.

Sa pamilya, pwede mo itong iparamdam sa kanila, sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila, minsan ayaw natin ang pinapagawa nila. Pero tandaan mo 'mother knows best' alam nila ang makakabuti sayo. siguro nga ayaw mo nun pero sa huli malalaman mo kung bakit kaya sundin mo sila ang ibigin sila mahal ka nila.

Sa kaibigan, pwede mo rin iparamdam sa kanila ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagiging totoo sa kanila, marami ngayong plastik minsan basura madalas tao, kaya mamili ka ng kakaibiganin mo, pero syempre di ka naman nila plaplastikin kung totoo ka sa kanila, pero mahal na mahal ka ng mga taong yan.

Sa karelasyon, pagibig malamang marami nang kabataan ang nagmamahal ngayon. minsan sa pagmamahal na yan ay nakakagawa na ng iba. hindi na mapigilang damdamin ba. Pero sana ang gantong bagay ay pagkatapos na lang magpakasal ng hindi maging bagito mahirap na magiging Batang Ama at Ina ka.

Sa idolo mo, ako may idolo ako ang kpop exo lang naman. Mahal na mahal ko yun. Ikaw ba may iniidolo ka ba.? Kung meron. Edi wow. Wag masyadong umasa ah. Kawawa ka.

Sa sarili mo, aba kung magmamahal ka dapat may itira ka para sa sarili mo hindi lang sila ang dapat mong ibigin syempre kailangan mo lumigaya bago sila di mo magagawa ang pagpapasaya sa iba kung hindi mo pinapasaya ang sarili mo.

At Syempre sa Diyos, una sa lahat ang diyos mahalin mo ito. Dahil sya nagtiis para satin. Bawat pukpok ng martilyo at pako sa kamay at tuhod nya ay para satin yun, bawat hampas sa kanya ay para mawalan ka ng sala. At yung buhay nya na nawala ay ikaw ang dahilan pero syempre anak siya ng diyos kaya ito ay nabuhay muli.

Ang pagibig ay nararamdaman yan sana iparamdam mo ito sa lahat. ANG PAG-IBIG. BOW Thank you for the love.

Ang PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon