Paalala: Ito po ay pawang kathang isip ko lamang.. At balagtasan po ito...
-------------------------------------------
Mayaman o Matalino..
LAKANDIWA (Pagbubukas)
Muli ang Balagtasan ay sumasahimpapawid
Kamag-aaral na minamahal, ilakas ang ating pandinig
Dalawang magaling na kamag aaral, Balagtasa'y ihahatid
Magandang hapon po muna sa lahat ang bati naming matamis.Kami po ay maghahandog sa inyo ng kasiyahan
Upang ang pagod ninyo sa eskwela ay maibsan
Ginaganap natin ito tuwing asignaturang pilipino
Ang tagisan ng katuwiran na kung tawagi'y balagtasan.Sa handang makinig sa amin, ang sukli ko ay salamat
Dalawang kamag aaral natin ang siya ngayong maghaharap
Ang tagisan ng talino ngayong araw ay magaganap
Pakinggan nating mabuti nang maunawaan nyong tiyak.Akin na pong ihahayag ang paksa ng balagtasan
Na ang tema'y sino nga ba ang mas sikat at higit na hahangaan?
Ang may angking likas na talino o ang isang mayaman?
Ating sasagutin ngayon nang malutas ang katanungan.MATALINO (Pagpupugay)
Ang likas na kakayahang taglay ay walang katumbas
Kaya sa matalino ang mariin kong sagot na ihahayag
Pero bago muna, hayaan nyo bati ko'y maigawad
Maligayang pakikinig, magandang hapon po sa lahat.LAKANDIWA
Taga-Abra de Ilog po ang matangkad na byuting paraluman
Likas sa dugo't lahi niya ang walang takot kung lumaban
Pakinggan naman natin ang makatang si Jamaica
Pumunta siya sa ating harapan para tayo'y matugunanTaga-Abra de Ilog din po ang haharap na makata
Siya ay susubok din sa ating balagtasan
Si Lexter Noriel po, guwapo na may itsura pa
Salubungin natin siya ng palakpakang masagana!MAYAMAN (Pagpupugay)
Salamat po, Lakandiwa at sa kaeskwelang nakikinig
Ako po ay bumabating buong galak, kinikilig!
Sa kalaban ko po namang madilim yaong kutis
Kung sya po'y sa matalino, sa mayaman ako'y bilib.LAKANDIWA
Sa pagpapakilala pa lang sa dalawang magpipingkian
Ay tila ba mainit na ang kanilang labanan
Para naman ang pananabik nyo ay hindi mabitin
Sila pong dalawa ay atin nang pagitnain.MATALINO (Unang tindig)
Musmos pa man tayong bata'y pangaral na ng magulang
Ang talino'y kabahagi sa magandang pamumuhay
Ito'y isang katangiang tataglayin habang buhay
Karunungan ay hagdanan sa pag-abot ng tagumpay.Ang bansa ay umuunlad kung dito'y nanunungkulan
Malawak ang nababatid, di kapos ang kaalaman
Ngunit kung ang namumuno'y masalapi ngunit mangmang
Magagapi ang pag-asa ng kanyang sinasakupan.Sa karandamang mapanganib, lalapitan ba ay sino?
Di ba dalubhasang duktor sa lunas ay sigurado?
At sa mga paaralan, nagsisilbi'y mga guro
Dunong nila ang sandata nang tayo ay mapanuto.Sariwain naman natin sa gunita ang lumipas
Sa dayuhang mananakop lumaya ang Pilipinas
Ito'y dahil sa utak ng isang henyo at pantas
Kay Gatpuno Jose Rizal na dunong ang itinumbas.Maliwanag ang sagot ko sa tanong na tinutugon
Ang marapat na hangaan ay yung mga marurunong
Kahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay mapurol
Kasikatan ay mailap, salapi man ay igugol.LAKANDIWA
Ang panig po ni Lexter ay narinig ninyo
Higit na sisikat at hahangaan ay itong matalino
Pakinggan naman po natin ang makatang si Jamica
Ihatid po natin siya ng palakpakang masigabo!
BINABASA MO ANG
Matalino O Mayaman?
RandomSino nga ba ang mas hahangaan? Ang likas na matalino o ang mayamang mamang?? Ito po ay isang balagtasan.. Pakibasa po.. Salamat! :)