The Start

89 5 9
                                    

April 19, 2013

9:28pm

[Someone’s POV]

“Hey! ‘Wag mo nga akong hawakan! I told you naman na ayoko na diba?! Maghanap ka ng iba. Ayoko naman sayo eh. Si Alden ang gusto ko. Bakit ba hindi mo maintindihan yon?! Makapagpahangin nga muna! Kairita kang lalake ka eh. Psh.” Naiiritang pagkakasabi ko kay Brian. Well, nakakairita naman talaga siya. Hindi ko naman talaga siya gusto eh. Si Alden talaga ang gusto ko. Close kami ni Alden at gusto ko talaga siya. Hindi ko alam kung may gusto siya sakin pero I show my motives to him. Kaso mukhang hindi niya pinapansin.

Nandito ako ngayon sa rest house ng kaibigan ko para mag sleepover. Malayo kasi talaga ang bahay niya samin at bumalik siya sa rest house nila para magkita-kita ulit kami. Ang rest house niya naman kasi ay ‘di kalayuan samin. Nasa labas ako ngayon ng bahay nila sa may gilid sa may mga puno at halamanan. Meron itong bakod at malaki ang lugar nila dito.

Tumawag ako kay mama pero hindi pa niya ito nasasagot ay binaba ko na dahil may narinig akong kaluskos sa may bandang halamanan at mga puno sa gilid. Natatakot ako at nagtataka at the same time. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto kong lumapit pero natatakot ako. Naisipan ko nalang na ‘wag itong tingnan at bumalik nalang sa bahay. Nang tumalikod ako at naglakad na ay may biglang humablot sakin galing sa likod. Hindi na ko nakasigaw dahil tinakpan niya ang bibig ko ng panyo. Unti-unti akong nanghina at …

****************************************************************************************************************************

“Asan ako?” Biglang banggit ko pagkagising dahil sa pagtataka. Ang natatandaan ko lang ay may humablot sakin at nawalan na ko ng malay. Mukhang nasa isang maliit na bodega ako pero hindi sakin pamilyar ang itsura nito. Wala rin akong makitang bintana at nakatali ako sa isang table dito kung san ako nakahiga.

Maya-maya pa ay may pumasok na taong nakamaskara at naka-hood. “Gising ka na pala. Sakto lang pala ang pagdating ko.” Hindi ko ma-identify kung sino siya kahit sa boses dahil nakamask yung voice niya. Malaki at nakakatakot yung boses niya parang sa mga movies. Galing siya sa labas kaya I’m sure importante yung ginawa niya para iwan lang ako dito ng mag-isa. Kung nagising lang ako ng mas maaga baka nakatakas na ko.

May dala siyang mga gamit at inaayos na ito habang sumisipol siya. Siya yata yung nababalita na pumapatay ng babae na may brown na buhok. ‘Di ko na alam gagawin ko! Sana may pumunta dito at tulungan ako. Someone please help me!

“So you’re name’s Lily right?” Sabi niya in a creepy tone of voice. “Pano mo nalaman yung name ko?!” Balik na tanong ko naman sa kanya. “Syempre, kakilala kita. Ayos lang naman na malaman mo yun sa tingin ko na kilala kita. Isipin mo nalang na parting gift ko sayo ‘to dahil mawawala ka na rin naman sa mundong ‘to.” Saad niya sakin. Kinikilabutan na ko sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

“Alam mo .. Pare-parehas lang kayong mga babae na may brown na buhok. Maliban lang syempre sa mahal ko. Iba siya sa inyo. Kaya hayaan mong tanggalin ko yang brown na buhok mo.” Sabi niya sakin at nilagyan ng tape ang bibig ko. Inumpisahan niya na agad akong kalbuhin pagkatapos niyang tape-an ang bibig ko. Sumisipol pa siya habang kinakalbo ako. Sigurado na nga talaga ako. Siya nga yung pumapatay ng babaeng may brown na buhok. Ang balita kasi kinakalbo niya ‘to at nilalagyan ng maskara.

Kahit anong gawin kong pag resist hindi ko magawa dahil nakatali ako. Napaiyak nalang ako dahil wala akong kalaban-laban habang kinakalbo niya ko. “Mukhang katapusan ko na talaga ‘to.” Ang tanging tumatakbo nalamang sa isipan ko.

Matapos niya kong kalbuhin ay tinanggal niya na ang tape sa bibig ko. “Anong nangyari sayo? Nasaan na yung tapang mo kanina nung kausap mo yung lalake? Napapaiyak ka nalang ngayon.” Sambit niya at tumawa in a creepy way.

“ ‘Yan .. Tama yan .. Gusto kong makita na umiiyak ka ..” Tumayo ang mga balahibo ko sa mga sinabi niya. Kitang-kita ko sa mata niya .. Isang nakakatakot at nanlilisik na mga mata. Parang sabik pumatay ng isang tao na katulad ko. Tuwang-tuwa habang umiiyak ako at nahihirapan.

Kinuha niya ang gamit niya sa gilid pero hindi ko alam kung ano ‘yon. “Bagay ‘to sa mukha mo. Mas maganda kasi kung hindi na makikita ‘yang mukha mo.” Sambit niya at tumawa nanaman in a creepy way. Wala na kong nasabi pa at umiyak na lang talaga. “Plaster ‘to. Bakas na bakas kasi sa mukha mo na hindi mo alam kung ano ‘to. Ito lang naman ang papatay sayo. Effective ‘to ‘wag kang mag-alala. Oras na lagyan ko yung buong mukha mo nito hindi ka na makakahinga.” Then he laughs again in a really creepy way. Yung parang sa mga movies. Nakakapangilabot talaga siya. Lalo na yung mga tingin ng mata niya. Mukhang psycho nga talaga siya.

Sinimulan niya na kong pahiran ng plaster sa mukha pero hindi ako makapagsalita o makagalaw man lang. Yung titig ng mga mata niya sakin. Nakakapangilabot kaya wala akong magawa kundi manahimik nalang. Manahimik at tanggapin na wala na akong pag-asa na mabuhay pa. Manahimik .. Manahimik habang buhay.

- - - - - - - - - - - -

Dapat kasabay nito ang Day 1 na chapter kaso mamaya nalang xD

manunuod pa ko ng One Piece Film Z xD

Abangan niyo ang Day 1 dahil dun na magsisimula ang pagsunod ng istorya sa buhay ng tatlong magkakaibigan ^_^

Comment for feedback po para malaman ko kung ayos lang ba 'tong ginawa ko, wala akong self-confidence ee xD

Day 1 chapter of this story will start the real problem coming for the three friends kaya sana abangan niyo ^_^

Dedicated to xhinitoprinz dahil siya gumawa ng cover ng story na 'to ^_^

credits for cover is for xhinitoprinz :)

salamat dre sa cover ^_^

CRAZY Love [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon