Kung Ako ba Siya

782 29 36
                                    

Mabagal na naglalakad si Mimi sa hallway habang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone. Dahil tanghaling gumising ay um-absent na siya sa kanyang first subject. Hinihintay niya ang reply ng kanyang mga kaklase. Tinanong niya kasi ang mga ito kung wala na ba ang kanilang professor sa classroom. Madalas kasing overtime ang guro at natatakot siya na 'pag nakita siya nito ay mapagalitan siya. Absent na rin kasi siya last meeting sa subject na iyon.

"Hay, naku! Isa talaga akong larawan ng isang mabuting estudyante," sambit niya habang umiiling.

Sino ba naman kasing hindi mapupuyat kung magdamag na active ang kanyang stalker mode at nang-stalk sa facebook account ng kanyang Prince Charming?

Kainis naman! Bakit kasi ang gwapo niya? Napuyat tuloy ako kakatitig sa pictures niya!

"Michie May Librada!"

Agad na napalingon ang dalaga nang may sumigaw ng kanyang buong pangalan. Bumungad sa kanya ang dalawang babaeng kapatid niya sa ibang ina. Ang best friends niya.

"Hoy Miming tamad! Absent ka na naman!" Nakapamewang na sabi sa kanya ni Yhen.

Sinimangutan niya ito. "Good morning din, Yhen," aniya. Napakaganda nang bungad nito sa kanya. Hindi man lang siya nagawang batiin ng magandang umaga.

"Oo nga naman Mims! Magtino ka nga," segunda ni Toni habang natatawa.

"Pwede ba, mamaya niyo na lang ako sermunan? 8:25 na o, 8:30 start ng second subject natin," wika niya at ipinakita sa dalawa ang oras sa kanyang cellphone.

"May meeting lahat ng faculty members ng HRM department mamayang 9. Aabutin daw ata 'yon hanggang alas-dos," sabi ni Yhen.

"Ano?! Eh di wala na tayong klase?" tanong niya. Hanggang ala-una ng hapon lang naman kasi ang klase nila sa araw na iyon.

Tumango-tango sila Yhen at Toni bilang sagot.

Napakamot si Mimi sa kanyang ulo. "Ano ba 'yan? Pumasok-pasok pa 'ko eh! Sayang lang pamasahe."

"Sus! Pumapasok ka lang naman para makasilay kay Landrell," magkasabay na sabi ng dalawa.

And there, her girls had said the magic word. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti. Marinig pa lang kasi niya ang pangalang 'yon ay kinikilig na siya. Paano pa kaya kung makita niya ang taong nagmamay-ari ng pangalang iyon?

"Ay ang landi ni Madam! May pag-ngiting nalalaman! Ganyan ka ba talaga ka-obsessed kay Landrell?" pang-aasar sa kanya ni Toni at ngumiti ito nang nakakaloko.

Hihilahin na niya sana ang buhok nito ngunit nagsalita na si Yhen. "Hoy, nag-text na si Landrell. Asan na raw tayo. Hinihintay na nila tayo sa tambayan."

Bago pa man magsalita ang dalawa'y hinila na niya ang mga ito papunta sa kanilang tambayan.

Wait for me, my Prince Charming. Parating na ang prinsesa mo!

Pagkarating na pagkarating sa tambayan ay agad hinanap ng mga mata ni Mimi si Landrell. Nakita niya itong nakaupo sa nakalatag na blanket sa lupa. Naka-earphones ito at nakapikit. Katabi nito ang nakahigang boyfriend ni Yhen na si Brylle. Nanatili muna siya sa kanyang kinatatayuan at tinitigan ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso.

Ang ganda namang tanawin nitong lalaking ito! Ang gwapo!

Naramdaman siguro ng binata na may tumititig sa kanya kaya nagmulat ito ng mata. At bago pa man dumako ang mata ni Landrell sa kanya at makita nitong tinutunaw niya ito sa pamamagitan ng kanyang mga titig ay umiwas na siya ng tingin. Nagkunwari na lamang siyang may kinakalkal sa bag.

Kung Ako ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon