NAPANSIN NI Jaypee na malayo ang tingin ng babaeng nakaupo sa harapan niya. Ipinaling niya ang ulo sa direksyon ng tingin nito. Napangiti siya nang mapait sabay iwas ng tingin nang mapansin niyang ang lalaki sa unahan ang tinitignan nito.
Ilang buwan na. Mukhang 'di ka pa rin talaga nakaka-move on. Hay nako, Mimi.
Napatigil siya sa pag-iisip tungkol sa bagay na iyon nang magsalita ang kanilang propesor. “Okay, class. Let's discuss your new project, but first, I want you to find a partner.”
Pagkasabi nito ng salitang partner ay nagkagulo na ang kanyang mga kaklase upang humanap nang makakapareha. Kinulbit naman niya agad si Mimi na nakaupo sa harapan niya.
“Tayo na,” sabi niya nang humarap ito sa kanya.
Nagulat ito. “Ha?”
“Sabi ko, tayo na.”
“Ha? Pero 'di pa kita sinasagot,” pahina nang pahina ang tinig nito sabay ang pamumula nang buong mukha. Tumawa siya at napayuko ito.
“Baliw!” Pabiro niyang binatukan ito habang tumatawa. “'Di ka ba nakikinig? Sabi ni Miss hanap daw ng partner para sa project. Kaya sabi ko tayo na.” Tingin ka kasi nang tingin do'n kay mokong eh.
“Ah. Heheheh.” Mimi laughed awkwardly while scratching her head. Lalong namula ang mukha nito. “'Di mo naman sinabi agad eh. Sige tayo na,” pagpayag nito.
“So, tayo na?” tanong niya uli.
Tumango ito. “Oo nga. Ulit ulit?”
“Eh di boyfriend mo na ko?” pilyong tanong niya habang pigil ang sariling ngumiti.
“Luko luko ka!” anito sabay hampas nang malakas sa kanyang braso.
Tumawa siya nang nakakaloko dahilan para irapan siya nito at talikuran siya. Kukulitin pa sana niyang muli ito ngunit nagsalita na ang kanilang guro.
“Do you already have your partners?”
“Yes, Miss,” the class said in unison.
“Okay, listen. Next week na ang Chrismas vacation, 'di ba? This project I want you to work on requires full attention, time, energy and I have to say, money... Landrell, are you listening?! Akin na 'yang cellphone mo! Kanina ka pa text nang text d'yan!”
Naputol ang pagpapaliwanag ng kanilang guro nang mapansing nag-te-text si Landrell habang nasa loob ng bag ang cellphone nito. Nakayukong inabot naman nito ang cellphone kay Miss Juno. Ilang beses na rin itong nahuling nagte-text sa klase.
“Girlfriend mo na naman 'tong ka-text mo,” ani ng kanilang guro sabay lagay ng cellpone sa shoulder bag na nasa ibabaw ng teacher's table.
Tinignan niya naman ang nakatalikod na pigura ni Mimi. Parang bumagsak ang mga balikat nito.
Nasasaktan ka na naman. Napabuntong hininga siya't nailing.
“Okay class, as I was saying, this project requires your full attention. You'll choose a local tourist destination and you'll visit it together with your partner. Gusto kong ipakita ninyo ang beauty nang napili niyong lugar. In what way? Kayo ang bahala roon. Documentary, travel guide, travel blog or anything. Be creative. At gusto ko kumpleto ng documentation, patunay na pumunta kayo at kayo ang gumawa ng project niyo. This will be your final project and if you got perfect score on this, you'll be exempted from the final exam.”
Naghiyawan ang mga kaklase niya. Maging siya'y napahiyaw ngunit hindi dahil sa exemption sa exam, kundi dahil makakasama niya si Mimi. Swerte niya at mukhang umaayon ang tadhana sa kagustuhan niyang makasama at masolo ito. Madalas kasi lagi nilang kadikit sila Yhen, Toni at Brylle. Si Landrell? Umiiwas dahil sa nangyari sa kanila ni Mimi.
“Any questions, clarifications?” tanong ni Ma'am Juno. Walang sumagot. “Mukha namang malinaw sa inyo ang gagawin ninyo. The deadline will be on January 8. Okay? So goodbye, class. Enjoy the holidays and also your trip,” sabi nito at lumubas na ng silid.
NAGLALAKAD NA silang magbabarkada palabas ng gate. At katulad ng dati, nagkumpulan na naman ang tatlong babae at kung anu-ano na naman ang pinag-uusapan ng mga ito. Ang pinagkaiba lang ay imbis na tatlo, dalawang lalaki na lang silang sabay na naglalakad.
“'Pee, si Mims ba ka-partner mo sa project?” tanong ni Brylle sa kanya.
Lumingon siya rito. “Oo. Ikaw ba? Si Yhen partner mo?”
Umiling ito. “Hindi. Magkaaway kami ng bruhang 'yon eh. Sila ni Toni. Wala pa nga kong partner. Si Landrell kaya?”
“Tanungin mo. Madalang na namang sumama sa atin 'yun eh,” aniya habang nakatutok ang mata sa daan.
“Ano'ng madalang? Halos hindi na nga nasama sa 'tin 'yun. Puro si Charlene ang kadikit. Baka magkapalit na nga ng mukha 'yung dalawang 'yun eh,” biro nito.
Ngumiti siya. “Si Mimi lang iniisip nun kaya ganun.”
“Hindi pa rin ba nakaka-move on si Mims? Ang hina mo naman kasi p’re. Gusto mo turuan kita ng mga da moves?” anito sabay akbay sa kanya.
Siniko niya ito sa tagiliran dahilan para umaray ito at tanggalin ang pagkakaakbay sa balikat niya. “'Di ko kelangan non. I'll make her fall in love with me, sa sarili kong paraan,” nakangiti niyang sabi at tinignan si Mimi habang nakikipagtawanan ito sa mga kasama. Napakaganda talaga nito lalo na 'pag tumatawa. “At makikita niyo na lang, ako na ang dahilan ng bawat pagtawa't pag-ngiti niya.”
“Naks, lover boy. Pwede mo nang palitan si Robin Padilla sa commercial niyang Liveraid,” tukso nito sa kanya. Binatukan pa siya sa nito sa ulo at nang akmang gagantahin niya ito ay tumatawang tumakbo ito palayo sa kanya.
“Bobo ka talaga Brylle! Liver lover naman yung sa commercial!” natatawang sigaw niya habang tumatakbong sumunod dito.
Ihanda mo na ang puso mo Michie May, dahil aangkinin ko na 'yan.
--------
A/N
Hello guys! This story was originally a one shot but I've decided to continue para mabigyan ng break si Jaypee. :)
Comment kayo, please? I want to hear your thoughts with this one. God bless!
BINABASA MO ANG
Kung Ako ba Siya
Historia CortaI love him. He loves her. It's a sad love story that's heard over and over.