9 Years.

28 2 2
                                    

All rights reserved © 2015

"9 years"

***

9 years. Nine years kaming magkasama.

Sa kabaliwan, iyakan, problema, kalokohan, at marami pang pangyayare na hindi ko makakalimutan

9 years. Nine years ko ng tinatago ang nararamdaman ko sakanya.

In short. May hidden desire ako sa bestfriend ko.

Hindi ko alam kung bakit.
Kung kaylan nag umpisa, pero nakikita ko nalang ang sarili kong nahuhulog sa taong walang ka alam alam na may isang babaeng umaasa sakanya.

"Huy Kiko! Please? Pahingi number mo"rinig kong sabi ng isang freshmen.

"Hahahaha naker! Ang bata bata mo pa ah! Pero gwapo din hanap ko eh Sorry"sagot ni Kiko. BESTFRIEND ko.

"Hindi ako naniniwala, sa gwapo mong yan? Palusot.com!"sabi nung freshmen, nakita ko naman ang mukha ni Kiko, medyo na iirita na siya.

"Hay naku! Ericka! Tara lets na! I'm so bored"mataray na sabi ni Kiko.

Beki. Oo, beki ang bestfriend ko. Isang Beki ang taong minahal kong patago sa loob ng 9 years.

Kakatawa nuh? Kasi alam kong hindi magiging kami.

Lalo na kung ang taong mahal mo ay sumasalampalataya kay sanrio.

At gwapong boylet din ang tipo.

"Ugh! Medyo kaderder yun ah! Kakalerki si ati! Sana naman sinabi niyang ang ganda ganda ko! Edi pak pak! Bonga! Eh tinawag pa akong gwapo! Ewy!"maarte niyang sabi, kaya natawa ako

"Hahaha! Sus! Eh gwapo ka naman ah? Kung maging lalake ka nalang kaya?"natatawang kong sabi, kaya nasira ang mukha niya

"Kyaah! kilabutan nga yang body mo! It's so ewy! Si Dyosang Kikay? Gwapo? OMG!"

"Hay naku Kiko! Ruler nalang talaga ang straight!"sabi ko

"Don't tawag tawag me Kiko! I'm Kikay! Dyosa ng kagandahan! Pak! Pak! Ganern! Hahaha"tuwa niyang sabi, kaya tumawa naman ako.

Hindi ko lubos ma isip.
May gusto ba talaga ako sa baklaitang to? San banda sa Divisoria siya nag pa gayuma sakin? Saang kasuloksukan ng quiapo siya nag hanap ng anting anting na may kapangyarihang mag pa inlove ng babae?
Napaka effective eh!

"Omg! Ericka my beshy!! Look oh! Si papa Hiroooo!"malandi niyang sabi, napa lingun naman ako kay Hiro, ang lalakeng patay na patay saakin.

"Hi Ericka"mapang akit na sabi ni Hiro, pero inirapan ko lang siya, tse! Si Kiko gusto ko! Tahaha

"Psh, you're so snob! ... Uhm Hi Hiro! Hihihihi"malandi na sabi ni Kiko, jusko! Kung si Hiro patay na patay sakin, si Kiko naman patay na patay kay Hiro

"Tss, si Ericka ang kausap ko, tabi nga diyan Kiko" masungit na sabi ni Hiro, kaya napa simangot naman si Kiko

"Ako nalang Hiro, ako nalang!"arte ni kiko, yung kay Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, haha gaga talaga!

"Hahaha dude! Patay na patay talaga si Kiko-- Este Kikay sayo! Mwahhahaha!"pang aasar ng barkada ni Hiro

"Shut up! Mandiri nga kayo, ... Uhm Ericka? Free ka ba bukas? Tara. Gala tayo"sabi ni Hiro sakin, well Gwapo naman talaga si Hiro, bball player, tapos model pa! Edi pak na pak!

"May lakad kami ni Kiko eh, ay I mean Kikay"sabi ko

"No! Wala tayong lakad! Kung ayaw mo Ericka my Besh, tayo nalang Hiro my Babes!! Hihihihi edi perfect!"masigla niyang sabi

"Pweh! Nakakadiri ka! Maka alis na nga!"sigaw ni Hiro at umalis, tss. Porke bakla ginaganyan na. Naku naku! Gwapo nga, wala namang respeto! Edi major turn off!

"Hay nako! Paano ko kaya makukuha ang hotdog ni Hiro my babes?"sabay pout

"Ew! Landi nito! Atsaka bakit hotdog? Footlong kamo!"natatawa kong sabi tapos tumawa naman siya.

Minsan sinasabayan ko nalang ang kabaliwan niya, alam ko naman kasing wala talaga eh. Walang spark na mangyayare sa aming dalawa, eh parehas kaming Footlong ang hanap eh!

Nine yearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon