***
Fast forward.
Magandang Ericka's POV
Nandito ako ngayon sa DQ, nag aantay kay Kiko at kay Hiro.
Kulit ng kulit kasi si Hiro saakin na mag date kami, pero hindi ako pumayag, e si Kiko naman pinilit din ako na pumuyag para maka sama daw siya.
E malakas tama ko sa baklang yun, edi pumayag nalang ako.
May pang Diyosang Plano daw kasi siya.
Tss, if I know, pipilitin nanaman niya akong umuwi at hayaan ko siyang manyakin si Hiro. Tss. Landi talaga! Mas malandi pa sakin.
"You Look gorgeous"napa talon ako sa inuupuan ko, si Hiro pala, ngumiti nalang ako ng pilit
"Ah, thanks"sabi ko
"Tara, I can't wait e, excited na ako, you know? Hindi ko kasing aakalain na papayag ka, hehe"sabi niya na nahihiya, wiw! Haha ang cute niyang mahiya, nag blu-blush pa ang pisngi niya.
Ngumiti nalang ako.
"Sorry, I talk too much. So tara?"sabi niya pero pinigilan ko siya
"Wait, may hinihintay pa ako"
"Sino naman----"
"I'm here!! So tara na!"masayang sabi ni Kiko, iling iling naman ako, si Hiro naman parang pinag sakluban ng langit at lupa.
Mag re-react pa sana si hiro pero Hinila na kami ni Kiko, kaya ang resulta nasa gitna siya naming dalawa ni Hiro.
"So saan tayo pupunta? Ah! i know! Mag sine tayo! May bagong palabas! Hihihi unfriended ata yun e"masayang sabi ni kiko habang naka pulupot ang kamay niya saakin at kay Hiro
Nang naka rating na kami sa cinema, inutusan ako ni Kiko na ako na daw bumili ng ticket, para may bonding daw sila ni Hiro
"Samahan na kita Ericka"pag aya ni Hiro
"Wag na Hiro my babes, mahaba ang pila oh, si Ericka nalang, kaya niya yan, diba Ericka??"tapos pinandilatan niya ako ng mata, napa irap naman ako.
Err, bakla talaga siya, walang duda.
Habang pumipila ako, napa tingin ako kay Hiro at Kiko.
Natatawa akk na ewan, haha e kasi nandidiri na talaga si Hiro, atska alam kong hindi naman ako nag seselos, edi sana babae yan para pag selosan ko.
"Na bili ko na ang tickets, tara bili na tayo ng popcorn"sabi ko
"Ay Ikaw nalang Sis"sabi ni Kiko, sinamaan ko namna siya ng tingin! E bwesit! Kahit mahal ko siya, nakaka pagod kayang pumila
"Sasamahan nalang kita Ericka"sabi ni Hiro sabay hawak sa wrist ko
"No, hayaan mo nalang siya----"
"Ano ba?! Date namin to, kaya wag ka ngang umastang gf kita! Sabit ka lang dito eh"inis na sabi ni Hiro, nabigla naman ako, si Kiko din nabigla.
"Tara."madiin na sabi ni Hiro
"Dapat di mo yun ginawa, pusong mamon yun e"sabi ko
"No offense ah? Pero ang kulit e. Gusto ko na siyang sapakin pero alam kong best friend mo siya. Sorry"sincere niyang sabi.
"Okay lang,nakaka irita talaga yung baklaitang yum, pero mahal ko yun"sabi ko habang nag babayad sa popcorn namin.
"E ako mahal mo ba ako?"napa tigil namn ako sa sinabi ni Hiro
"Ah---"
"Tara na! I'm sooo excited!"singit ni Kiko sabay hila sa aming dalaw ni Hiro papasok sa loob.
