Chapter 2: Friends or Lovers? (SAMPLE CHAPTER)

47.9K 787 256
                                    

Dahil di ako makatulog, napaupdate tuloy ako. Hahaha... Enjoy reading! Good night!

PS:

Parecommend po pala sa iba. If ok lang pacomment na din. hehehe... TY, mga dyosa at adonis kong mambabasa. LOL.

THE RULES OF HEART

©lady_phoenix16

CHAPTER 2: Friends or Lovers?

Si Declan ang natatakot para sa babaeng nakatapon ng cold coffee sa mamahaling damit ni Avril. Nakikinita na nya na masisigawan nito ang waitress na ang pangalan ay Sydney.

"Sorry po Ma'am! Hindi ko po sinasadya! Patawad!" Halatang kinakabahang paghingi ng tawad ni Sydney sabay kuha nito ng panyo at pilit pang pinupunas sa nabasang damit ni Avril.

Huminga ng malalim si Avril na matalim at nakasimangot ang mukha. At dun na napapikit si Declan at hinihintay ang nakakabinging reklamo ni Avril.

"Ok lang." Sagot nito.

Dun na napadilat si Declan! Nakangiti si Avril?! Himala ba itong nangyayari? Hindi ito nanampal o nanigaw pagkatapos na madumihan ang favorite dress nito! Alam nya na malagkit pa sa katawan iyon dahil kape ang tumapon rito pero ok lang para rito?

"Babayaran ko na lang po ang damit ninyo Ma'am. Sorry po talaga." Hindi pa rin makapali na sabi ni Sydney.

"Hindi. Ok lang. Di naman masyadong namantsahan e. Medyo malagkit lang talaga sa katawan." Nakangiti pa ding pag-iling ni Avril na para talagang anghel! Ngayon lang nya nakitang ganito kabait ang babae! Totoo nga ba talaga ang himala?

"Kung gusto nyo po, sasamahan ko na lang kayo sa CR. May extra t-shirt po akong dala ibibigay ko na lang po sa inyo." Magalang na sabi ni Sydney.

"Talaga? Sige! Tara na!" Biglang tayo ni Avril na parang excited na excited pa talaga. At kumapit pa talaga ito sa braso ni Sydney na para bang kinalimutan na nito na kasama pa sya.

Napailing na lang sya. Ano bang trip nitong mahal nya?

"Ano bang problema mo Sydney?! Pinag-OT kita para asikasuhin ng maayos sina Ms.Avril pagkatapos tinapunan mo pa ng kape? Anong gagawin mo kapag may pagsabihan syang iba sa nangyari sa kanya dito? Baka isipin pa ng mga tao na aanga-anga ang mga nagtatrabaho dito! Palpak ka talaga!" Galit na galit na sermon sa kanya ni Mrs. Josie na syang manager nila.

"Sorry po." Yukong yuko na sabi nya na pinipigilan na ang sariling mapaiyak. Nagbreak na nga sila ni Caleb at sa txt lang ito nakipaghiwalay pagkatapos ngayon minalas pa sya.

"Hoy panget na matanda, bakit mo pinagagalitan si Sydney ha!" Nakasimangot na tanong ng nasa likod na pala nilang si Ms. Avril. Suot-suot na nito ang plain pink t-shirt na binigay nya rito. Kahit na yalex lang ang tatak ng t-shirt na cheap para sa tulad nitong mayayaman ay bumagay pa rin iyon dito.

Cute pa rin itong tingnan kahit na anong isuot nito. Sabagay, kaya nga ito naging model e.

"Nandyan po pala kayo Ms.Avril. Pasensya na po kayo sa gulong nangyari." Paghingi ng paumanhin ni Mrs. Josie na di na pinansin ang panlalait ni Avril rito kanina.

Pero nakasimangot pa rin ang babae at sa gulat nya ay kumapit ito sa braso nya! Omo?

"Wag na wag mong aawayin si Sydney kung hindi ipagkakalat ko na ang panget-panget ng lasa ng kape sa shop na ito! Saka bakit ka ba nagagalit kay Sydney eh pinalitan naman nya ang dress ko?" Masungit na sabi ni Avril pero cute na cute pa din. Napakachildish ng boses nito kahit na galit na.

Natahimik lang ang lahat. Gulat ang mga ito maging sya dahil kung magsalita si Avril ay para bang close na sila. Saka bakit ito kumakapit sa braso nya? It feels so weird but she likes it. But why?

24. The Rules of Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon