PROLOGUE

410 11 0
                                    

NiDora's POV

Fast Backward:

Naunang mag-kakilala si NiDora at Dodong.

Nag-kakilala sila sa Simbahan.

Kaka-tapos lang mag-simba ni NiDora at ang kanyang mga kaibigan. Palabas na sila ng simbahan ng aksidenteng mabunggo siya ng ng isang lalaki. Nabitawan niya ang kanyang dalang panyo. Dadamputin na sana niya ito pero lingid sa kaalaman niya dadamputin na din pala ito ng lalaking naka-bunggo sakanya.

Nang mag tama ang kanilang mata, na love at first sight na agad si NiDora sa lalaking may mapupungay na mga mata. Mapupulang labi. Mataas at may makisig na panga-ngatawan.

Matagal silang nagka-tititgan. Sobrang tagal na pag-titigan. Wala sakanila ang may gustong bumitaw. Wala sakanila ang nag-sasalita. Tanging ang mga mata lang nila ang nag-uusap.

Naputol lang ang pag-titigan nilang mag salita ang kaibigan ni NiDora upang ipakilala ang lalaking aksidenteng nabunggo siya. Dodong. Dodong ang pangalan ng lalaki.

Simula nun, nabuo na ang magandang samahan sa pagitan ni NiDora at Dodong.

Naging mag-kaibigan sila. Mabuting mag-kaibigan. Pero lingid sa kaalaman ni Dodong. Unti-unti na palang lumalalim ang pag-tingin ni NiDora para sa binata. Pero hindi ito maamin ni NiDora kay Dodong. Sa tuwing mag-kasama sila, ay pilit na itinatago ni NiDora ang kanyang nararamdaman. Natatakot kasi siya. Natatakot siya na baka makarating ito sa mga magulang niya. Na baka hindi ito matanggap ng kanyang mga magulang. Kase hindi nabibilang si Dodong sa Buena Familia. Natatakot siya na baka pag ipinaglaban niya ang nararamdaman niya para sa binata ay itakwil siya ng mga ito.

Kaya nilihim na lang niya ang nararamdaman para sa binata. Wala siyag pinag-sabihan nito kahit isa sa mga kaibigan niya. O kahit isa sa mga kapatid niya.

Nanatiling lihim ang pag-sinta ni NiDora kay Dodong, at sinunod ni NiDora ang gusto ng kanyang mga magulang na duon sa ibang bansa niya tapusin ang kanyang pag-aaral.

Dahil sa biglaang desisyon ng mga magulang ni NiDora hindi na niya nagawang mag paalam kay Dodong.

Madaming taon ang lumipas.

Nang maka-tapos na si NiDora sa pag-aaral niya sa ibang bansa. Agad niyang na pag desisyunan na bumalik sa Pilipinas. Upang sabihin kay Dodong ang nararamdaman. Wala na siyang pakielam, kung itakwil at magalit sakanya ang kanyang mga magulang. Dahil sa mga oras na ito, sarili at ang kanyang nararamdaman naman ang kanyang susunduin. Umaasa siya na sana hindi pa nga lang huli ang lahat para sakanilang dalawa.

Pag balik niya ng Pilipinas hindi niya inaasahan ang madadatnan niya sa kanilang mansyon.

Si Isadora umiiyak. Ang ama niya na nang-gagalaiti sa galit. Ang ina niya na umiiyak habang pinapakalma ang kanyang ama. Yan ang eksenang naabutan niya pag-pasok niya ng mansyon. Walang nakapansin na dumating siya kaya unti-unti siya lumapit sa kinaroroonan nila. Nag salita ang kanyang ina, na sa bahid ng boses nito na ito'y galit. Tinatanong ng ina niya kung sino ang ama ng pinag-bubuntis ni IsaDora. Hindi maka-sagot ang nakaba-batang niyang kapatid. Dahil sa kaka-iyak. Nilapitan ni NiDora ang bunso niyang kapatid at pinakalma ito. Duon lang may nakapansin sakanya. Nang kumalma na si IsaDora pinagtapat niya sa mga magulang at sa nakaka-tandang kapatid na si NiDora ang lahat. At kung sino ang ama ng pinag-bubuntis niya.

Nagulat si NiDora sa nalaman. Hindi siya makapaniwala sa narinig. O mas tamang sabihin na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng naka-babatang kapatid. Si Dodong na pinaka ma-mahal niya. Si Dodong na kahit na sa malayo siya, hindi nawaglit sa isip niya. Si Dodong na, una't-huling lalaking minahal niya. Si Dodong ang ama ng pinag-bubuntis ni IsaDora.

Na pag-desisyunan ng mga magulang nila, na duon muna si isaDora sa isla nila sa Cebu. Hanggang hindi ito nakaka-panganak. Malaking kahihiyan kase sa pangalan ng pamilya ang pag-dadalantao ni IsaDora ng hindi pa naman ito ikinakasal. Idagdag pa, ang katotohanan na hindi kabilang sa Buena Familia ang ama ng pinag-bubuntis ni IsaDora.

Nang malaman ni IsaDora ang desisyon ng mga magulang niya na ipadadala siya sa Cebu, nag makaawa siya na huwag silang pag-hiwalayin ni Dodong. Pero hindi nakinig sa mga pag-mamakakaawa niya ang kanyang mga magulang.

Humingi na ng tulong si IsaDora kay NiDora. Wala na kasi siyang ibang mahihingaan ng tulong. Wala sa Pilipinas ang dalawa niya pang nakata-tandang kapatid na si TiDora at TiNiDora. Kaya si NiDora na lang talaga ang pag-asa niya. Na sana kahit ibigay na lang ni NiDora ang sulat para kay Dodong. Kase ayaw siyang payagan ng mga magulang nila na makipag-kita kay Dodong para mag-paalam man lang. Pero hindi binigay ni NiDora ang sulat ni IsaDora kay Dodong.

Sikretong pumunta si NiDora at IsaDora sa isla sa Cebu, para iwas kahihiyan. Na ngako naman ang mga magulang nila na pag ka-panganak ni IsaDora pwede na siyang bumalik ulit sa mansyon.

Si NiDora ang inatasan ng mga magulang nila na ma-ngalaga kay IsaDora habang ito'y nag-dadalantao hanggang sa makapanganak ang bunso niyang kapatid.

Noon, mahal na mahal ni NiDora ang naka-babatang niya kapatid. Lagi silang nag-susulatan. Kinukumusta nila ang isa't-isa. At na ngako pa si IsaDora na dadalawin niya ang kanyang kapatid sa ibang bansa at duon din siya mag-tatapos ng pag-aaral pero hindi na ito mangyayari.

Bigla na lang nag-iba ang paki-tungo ni NiDora sa kapatid. Kung dati, lagi silang nag-uusap. Nag tatawanan. Pinag kwe-kwentuhan ang mga buhay nila. Pero ngayon, iniiwasan na ni NiDora ang kapatid. Ni hindi na nga nito kinakausap ang kapatid. Kung pwede nga lang a sana hindi siya ang kasama ni IsaDora dito sa Cebu. Pero walang ibang pwede kase na sa ibang bansa ang dalawa pa nilang kapatid.

Kaya isang araw sa isla, kinumpronta ni IsaDora ang kanyang naka-tatandang kapatid. Duon na naibulalas ni NiDora ang sama ng loob niya sa kapatid at kay Dodong. Inamin din niya sa unang pag-ka-kataon ang tunay na nararamdan niya para sa binata. Pati ang sama ng loob niya sa magulang, sinabi niya na din kay IsaDora. Na sana hindi siya pinag-aaral sa ibang bansa. Sama ng loob sa sarili niya. Na sana inamin niya ang nararamdaman niya kay Dodong. Na sana hindi siya umalis. Na sana hindi niya sinunod lahat ng gusto ng mga magulang niya. Na sana pinanindigan niya, yung nararamdaman niya para kay Dodong. Sana sila ngayon ang mag-kakatuluyan. At pinagsisisihan niya lahat ngayon. Kung sana, ganon siya katapang katulad ni IsaDora para ipaglaban ang pag-mamahal nito para kay Dodong. Pero hindi. Mahina siya! Wala siyang lakas para kalabanin ang mga magulang nila. Kaya nagging sunud-sunuran ito.

Mag-sa-salita n asana si IsaDora ng biglang sumakit ang tiyan nito. Senyales na manga-nganak na siya. Siya ang umalalay kay IsaDora upang makahiga ito ng maayos at siya na rin mismo ang nag-paanak sa kapatid.

Isinilang ni IsaDora ang isang malusog na sanggol na babae.

Bumalik si NiDora sa mansyon na kasama ang sanggol na babae na anak ni IsaDora.

Hinanap ng kanilang mga magulang kung nasaan ang naka-babatang niyang kapatid. Kaya sinabi niya na nawawala si IsaDora. Na isang araw, pag kabalik niya sa isla galing sa palengke wala na doon si IsaDora. Tanging ang sanggol at ang isang kasambahay na lang ang nandoon. Pinahanap niya ito, pero wala sakanila ang makapag-bigay ng impormasyon kung nasaan ang kanyang kapatid. Kaya napag-desisyunan niya na bumalik na sa mansyon.

Nang mamatay ang mga magulang nila. Inakala nila na magpapakita si IsaDora sa burol o kaya naman ay sa libing ng mga magulang nila pero nagkamali sila. Walang IsaDora na nagpakita.

Ng mailibing na ang kanilang mga magulang, bumalik na din si TiDora at TiniDora sa ibang bansa. Si NiDora na lang ang naiwan sa Pilipinas, ayaw niyang sumama sa kanyang mga kapatid dahil walang maiiwan sa mga negosyo nila ditto sa Pilipinas. At simula din non, si NiDora na ang tumayong mga magulang ng sanggol na anak ng lalaking una't-huling niyang minahal na si Dodong at ng naka-babata niyang kapatid na si IsaDora.

Pinangalanan niya ang sanggol na babae na Divina Ursula Bokbokova Smash a.k.a Yaya Dub.

--- 

Thanks for reading. :) xoxo


You're Worth, Fighting for.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon