Hinayaan kitang dumating sa buhay ko. Tahimik kang dumating kaya tahimik lang din ako. Hanggang sa dumating yung oras na sinasaktan mo na ako. Masakit, sobra! Pinilit kong tiisin pero hindi ko na kaya. Hanggang sa umalis ka, hinabol kita sa abot ng aking makakaya, gusto kitang saktan ngunit sa tuwing gagawin ko ito ay ako rin ang nasasaktan. At unti-unti kang lumayo at naglaho ka na lamang sa paningin ko. Namuo ang galit sa aking puso. Gusto kitang patayin. Inisip kong gantihan ka. Na sa muling pagkikita natin ay makikita kitang masasaktan. Dahil sa tuwing makikita ko ang bakas na iniwan mo ay naaalala ko lamang ang ginawa mo sa akin. At sinabi ko sa aking sarili "Humanda kang lamok ka! Makakaganti rin ako sa pagkagat mo sakin! Mapapatay rin kita!"
The End.