Sa Piling Mo

14 1 0
                                    

"Gusto ko akin ka lang."

"Lage mo nalang kase akong iniiwan."

"Nagmamakaawa na ko sayo pero ayaw mo parin makinig."

"Ngayon nasakin kana ulit."

"Bumalik ka sakin."

"Alam kong hindi mo ko iiwan."

"Katulad ng pangako mo sakin."

"Hindi kana hahanap pa nang iba."

"Hindi kana rin nila maagaw sakin. Tama ka hindi kana nila malalayo sa akin, Mahal."

"May forever na tayo. Sshh! Wag kanang magsalita. Alam kong masaya ka rin at magkasama na tayo."

Sabay haplos sa naaagnas na mukha ng kanyang kasintahan. Nabahiran pa ito ng putik na mula sa kanyang maruming kamay dahil sa paghuhukay.

Hinalikan niya ng mariin ang inuuod na labi ng kanyang kasintahan habang pumapatak ang luha sa kanyang mga mata.

"Sabi nila hindi kana daw babalik, hindi mo na daw ako babalikan. Pero nagkakamali sila dahil ngayon kasama na kita. Makakasama na kita habang buhay, Mahal."

Hinawakan niya ang kamay nito, may kaunting pagtunog nang iangat niya ito at dinampi sa kanyang pisngi. Napapikit siya, patuloy lamang sa pag-agos ang kanyang mga luha.

"Mahal na mahal kita, alam mo ba yun? Alam kong mahal mo rin ako, mahal na mahal."

Iniangat nito ang malamig na katawan at niyakap ng buong higpit. Sinuklay niya ang buhok nito at naiwan sa kanyang kamay ang mga hibla. Nakatitig lamang siya sa kawalan, umiiyak sa madilim niyang kwarto.

"Kung hindi ka tumakbo papalayo sakin ay sana hindi kita pinatay. Kung nanatili ka lamang sa tabi ay sana buhay ka pa."

Muli niyang hinalikan ang kasintahan. Nakatitig siya ngayon sa nakapikit nitong mga mata. Binuhat na niya ito at dinala sa kama, kama na punung-puno ng mga rosas. Humiga siya sa tabi nito at kaniyang niyakap.

"Mas magandang nandito ka sa piling ko kesa nakalibing ka. Mas maiingatan kita dito. Mahal na mahal kita, Raymond.

MSLUHA's Random StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon