Diary #5

21 4 1
                                    

Diary,
09/28/15

$hit!ansaket lang.kanina kasi eh,nakita ko yung malapit kong kaibigan,tapos crush nya rin pala si kokonat!aww lang.pero may mas malala pa don :'( sabi nya"alam mo ba tinanong ako ni *toot*,sabi nya'ilan na naging bf mo?'sabi ko naman 3,tas sabi nya kamo'ahhh!ako na pang apat'wahhh!kinilig ako"Taena lang,ansakit lang kasi!tas sabi pa nya"tapos nandon kami sa corridor nakatingin siya sa langit tapos sabi ko,anong tinitingnan mo jan?sabi naman nya 'tignan mo,may nakikita kaba?'sabi ko wala,sabi naman nya'ah,ganun ba?ako kasi nakikita ko na yung future natin eh'grabe nangamatis ako non fudge"angsaket!ansarap manapak!pero hindi sa fudge ko.wala naman siyang kasalanan eh,kung alam nya nga lang siguro na crush ko din yung crush niya,iiwasan nya yan eh!kilala ko na kasi si fudge,nagtuturingan na kaming magkapatid.pero ayoko nang sabihin sa fudge ko,mamaya layuan nya pa crush nya eh.

Pero ang saket lang talaga eh,sila M.U na pero ako?kamusta naman kaya ako?!first time ko to maramdaman eh.pag nagkaka crush kasi ako sa isang tao parang wala lang,di ako halata,parang ganun.pero ngayon?iba eh,first time kong tumili dahil sa kilig,first time kong mabulunan kapag napapadaan siya tapos nag ka eye contact kami,first time kong,first time kong makapag sinungaling,first time kong umuwi ng gabi dahil hihintay ko siya dahil may tutor siya,first time kong maging stalker,basta andami ko pang first time sakanya!pero nasayang lang pala lahat dahil lang sa sinabi ng bestfriend/schoolmate/batchmate/sister ko.

tapos kanina hinintay ko siya ng matagal sa labas,dahil gusto ko sanang itanong kung may gusto ba siya sa fudge ko?!wala na akong pake kung desperada ako,kakapalan ko na ang mukha ko.kahit hindi naman talaga kami mag kakilala,kahit na hindi naman talaga kami nag uusap o nag papansinan man lang.pero sa loob ng paghihintay ko ng ilang oras/minuto,di ko namalayan,wala na palang tao sa school.hinintay ko pa siya ng unti,hindi ko alam kung anong oras siya uuwi,bawal naman kasing pumasok pa sa loob kapag nakalabas na,bawal din akong mag tagal kasi hindi ako nag paalam kay mama.pag uwi ko wala palang tao samin.

tinignan ko ang ulam dahil gutom na talaga ako,habang hinahanda ko ang pagkain ko napaiyak nalang ako bigla,ansakit kasi talaga,first time ko maramdaman yung ganito.habang naghihiwa ako ng kalamansi para sa patis ay na hiwa ko na pala ang daliri ko,di ko man lang alam,naging manhid ako.nung bumalik ako sa katinuan dun ko nalang nalaman na nasugatan na pala ako,gusto kong sumigaw sa sobrang sakit,masyado kasing napalalim ang hiwa sa daliri ko,ang daming dugo.kumuha ako ng betadine at bandaid at nilagay ito sa kamay ko,ang hapdi.habang nilalagyan ko ang kamay ko ng betadine napaisip ako dapat ko na ba siyang kalimutan na parang may nangyaring relasyon samin.

ito na nga bang sinasabi ko eh,kaya ayoko mag assume o mag feeling eh,sa huli ako din lang ang masasaktan.

ito ako ngayon na kahit gabi na sumusulat ng saloobin ko sayo diary,umiiyak habang nag t-type dito sa mini laptop ko.wala akong masabihan ng nangyari kanina eh,nag kaaway kasi kami ng isa kong kaibigan,yung iba ko namang kaibigan di ko matawagan dahil busy sila sa kung paano nila aayusin ang mga pamilya nila.pero kahit ganon naiintindihan ko naman sila.

pero please?kailangan ko lang talaga ng kaibigan ngayon.ng masasandalan.ng maiiyakan.

kailangan ko lang talaga ng payo,kung anong gagawin ko.dapat ko na ba siya bitawan?o dapat ko pa siyang ipag laban?please diary?!tulungan mo ko?ansakit na eh.

tulungan niyo ako?!

~shnookums :'((( kath </3

Diary❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon