5am. 06/03/13
Maaga akong gumising dahil may pasok na ngayon. Haaay. Another useless day in my useless life.
Dumiretso na ako sa banyo at (malamang) naligo. Pagkatapos ay dumiretso ako sa dining area para kumain na. As usual, yaya ko lang ang kasama ko. Kung saan ang parents ko, wala na akong balak alamin pa. Palagi naman silang wala sa bahay eh. Tss
Pagkatapos ko naman kumain at gumawa ng iba't-ibang bagay ay dumiretso na ako sa school.
6:45am.
Dumating ako sa school at dumiretso na sa locker ko. Na-tour ko na kasi tong university noong enrollment. At ang laki ha -_-
Pagdating ko sa lockers area, maraming tao ang nakapalibot sa locker ko. At parang alam ko na bakit.
May pangalan kasi na naka-indicate sa bawat locker dito sa school.
Ang sa akin naman ay "Hayes, C."
Noong napansin nila na nandun ako sa mga likod nila, nag "make-way" sila para sa'kin.
"Siya ba talaga 'yun?"
"Bakit siya nandito?"
"Diba gangster siya?"
Hindi naman ako bingi, naririnig ko ang bulungan nila. Pero di ko na pinansin.
Binuksan ko na ang locker ko, and to my surprise, may note na nahulog:
" BEWARE " -written in red ink. Psh, so matatakot na ako nito? As if.
Tinapon ko lang yung note sa basurahan, wala namang kwenta eh. May ilang gamit lang ako na inilagay sa locker at dumiretso na sa room ko.
Eksaktong pagdating ko naman sa room, dumating ang adviser namin.
" Good Morning class, I am Ms. Lynsey. Your advider, and your Chemistry Teacher at the same time. Now, I also want everyone to introduce themselves. Let's start with the girl at the back."
Kung siniswerte nga naman, ako pa ang nasa likod at ako ang mauuna.
"Cassandra Hayes. 15" Tipid kong sabi. Pero sa utak ko, ang haba haba sana nang introduction. Tulad nang, "Hi Classmates, lumipat ako dito dahil sa isang pangyayaring ayaw ko nang matandaan kaaaaaaaahit kailan. Kaso lang bwisit tong buhay ko eh"
Uupo na sana ako nang may nagtanong.
"DIba ikaw si Sandra? Yung sikat na gangster?" -echoserang classmate
Sasagot na sana ako nang biglang--
"Hindi siya si Sandra. Siya si Cass, at hindi siya gangster. Btw, goodmorning classmates. I'm Mary Sanchez. And I'm sorry for being late. "
Yan, yan po ang best friend kong ang galing mag-tanggol pero laging late >_>
"It's ok, Mary. Come in so we can continue"
Umupo siya sa tabi ko at nag-sorry din dahil late siya.
"So, nagawa mo ba yung plano mo na makagawa ng maganndang first impression?" - Mary
"What's the point? Alam na naman nila eh. Tss" - Ako
Hindi na siya nagsalita at hindi na rin ako kumibo. Nagpatuloy naman ang introduction hanggang sa nakarating dun sa isang lalaki na nakakuha sa attention ni... Mary. LOL
"Ui Cass, tignan mo yung guy. Ang cute niya ano? :3" - Mary
Kahit kailan ka talaga Mary, malandi :P Pero may something naman kasi sa lalaking yun kaya nakinig ako sa introduction niya.
"Good Morning, I am Lex Villarino. 16 years young." Tinuro niya ang bandang likod nang classroom kung saan ako nakaupo. "Cass, diba?
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Nabasa mo naman siguro yung note ko? BEWARE"
~
A/N: Hi! Ms. A here :D Sorry kung medyo boring yung Ch. 1 :( Promise babawi ako sa susunod na chapters ;) Abangan ang susunod na mangyayari sa LFTG >:)
Thank you for reading! Don't forget to vote/comment :))
BINABASA MO ANG
Lesson from the Gangster
Teen Fiction[O N-H O L D] " Yung feeling na akala mo may mapupuntahan ang relasyon niyo pero nilaruan ka lang pala niya ... NAPAKASAKIT at gusto mong pumutok na lang sa sobrang sakit . " Are you feeling it ? If YES, makaka-relate talaga kayo dito ! If NO naman...