#TeamSawi

53 3 4
                                    

Ngayon palang babatiin ko na kayo ng Good Day :)

Baka kasi masama nanaman ang timpla niyo dahil hindi kayo pinansin ng crush niyo...

Pero ang totoo feeling mo siguro para kang hangin no??? Ramdam nga di naman pinapansin...

Ganyan talaga ang life, pero alam mo, dapat mas magpasalamat ka kasi naging hangin ka pa, okay lang na hindi pansinin ang importante they can't survive without you...

Oh ayan nagkaroon na siya ng pag-asa...

Iniisip na may forever na sila ng gusto niya, hahaha huwag ka munang mag assume, kaya nasasaktan eh...

Tapos mamayang konti sasabihin mo na

" Ano ka ba PAST is PAST..."

Weeeeeeeh??? Bakit nga ba past is past???

Nakapag move on ka na nga ba talaga???

O ayaw mo lang ipahalata na siya parin talaga???

Ikaw lang makakasagot niyan kasi pag dineni mo pa, hindi na saakin ang probema, nasayo na...

Para mo rin lang kasing sinabi na

" Ayaw ko ng huminga.!"

O diba ang labo, parang ikaw na nalalabuan na sa sitwasyon ninyong dalawa. Pero dahil masyado mo syang mahal, ayan ka nanaman sa kaka emote mo na;

" Ano ka ba, ang pag-ibig pag-ibig parang maze lang yan, sa una magulo, malilito ka at mahihirapan pero kahit ganun meron paring ending... Hindi lang basta bastang ending kundi happy ending..."

Sige na nga pag bigyan na natin, parang maze na , mararating mo na ang ending, pero MAG-ISA...
So Happy nga talaga...

Tapos sa huli pag nasaktan ka ulit, tatawa ka nalang na parang kunyari walang nangyari...

Pero sa kaloob looban mo, durog na durog na ang buong puso mo, na parang makalibong beses na binasag at sinaksak ng selos, galit at panghihinayang... Diba ganyan kapag broken hearted, pati sarili mo pinaplastic mo na...

Oh ayan gabi na...
Matutulog na kayo, pero ikaw, ayan kunyaring inaantok pero gising na gising parin pala... Nag aantay lang ng tyempo na makatulog sila, tapos ikaw, ayan magsisimula palang karirin ang pagiging BEST ACTRESS, ay mali pagiging BROKEN HEARTED pala...
Hihiga ka tapos kunyari wala kang nararamdaman pipiliting pigilin ang luha... Yun oh matapang na sya, kung hindi lang sana tumulo yung luha...

Sayang...!

Relate much ka no???

Tapos ayan, feel na feel mo na nga yung sakit, mag tothrow back kapa... Titingin sa picture nya tapos sasabihin mo na " Ano pa ba ang kulang binigay at ginawa ko naman ang lahat ah."

Teka naaalala mo pa ba yung sinabi nya sayo noon nung nililigawan ka pa lang nya?
Na gagawin nya ang lahat para sayo...
Na kahit ibigay pa nya ang buong mundo...
Eh ikaw tao ka lang din naman na nakakaramdam at naghahanap ng pagmamahal...

Kaya ngayon pasan mo na ang mundo.!

Sabi niya naman sayo eh, na ibibigay niya ang mundo...

Eh yung panahong proud na proud kang isama yang mahal mo sa lakad ninyo ng mga kaibigan mo, pilit silang umaayaw pero ikaw pa yung may ganang magalit, ikaw pa yung may ganang magsabi na iiwan mo ang mga kaibigan mo para sa kanya...

Life LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon