#WalangForever

22 2 0
                                    

#WalangForever

Sabi yan ng mga kapwa nating BITTER...

Oo, kung may forever man, hindi yun PERSON to PERSON...

Ganyan naman yang PAG-IBIG na yan eh!

Hindi mo alam kung kailan DARATING, hindi mo alam kung kailan ka IIWAN, hindi mo alam kung kailan ka PALULUHAIN at mas lalong hindi mo alam kung sino ang TAMA at ang Mali...

Tandaan mo malaki kana para umasa pa sa mga FAIRYTALES at HAPPY ENDING na yan...

Alam mo kung bakit???

Kasi sa mga STORIES at PELIKULA lang yan...
Huwag ka ng magpadala sa PANTASYA ng Pag-ibig kasi sa huli ikaw lang din ang MASASAKTAN...

Ikaw lang din ang luluha...

Tandaan mo,

You deserve to be HAPPY...

Minsan tayo din ang may kasalanan eh, Kasi masyado tayong umaasa sa mga bagay na wala naman talagang pag-asa...

Masyado tayong nagpapaniwala sa mga bagay na hindi naman natin nakikita at nararamdaman...

Patuloy tayong lumalaban kahit alam nating matatalo at talo na talaga tayo...

Eh wala eh, mahal mo eh, kaya TAKE THE RISK
Maging MALIGAYA ka lang...

Ngayon naman ay magsheshare ako sa inyo ng isang katotohanan na magsasabi sa inyong WALANG FOREVER...

Ang pag-ibig ay parang IBON,

Malaya nitong iwinawagaswas ang kanyang pakpak upang lumipad...

Upang maglakbay at upang maghanap ng makakaramay...

Nang hindi mo namamalayan, ang ibong ito ay dumapo sa iyong puso...

Hindi nagtagal, ito ay

Itinanim mo sa iyong isipan at nagbunga ng isang kaligayan at pagmamahalan na hindi mo malilimutan...

Ngunit sa kasukdulan ng iyong kaligayahan,

Ang ibong ito ay biglang lumipad ng mataas, lumipad papalayo sayo hanggang sa hindi mo na ito masilayan...

Lahat ng nabuo sa iyong puso at isipan ay bigla nalang nawasak at gumuho...

Kasi dapat noon palang,
Inihanda mo na iyong sarili na darating yung panahon na ang ibong iyan ay malayang ipapagaspas ang kaniyang mga pakpak at muling lilipad...

Siguro kung naging handa kalang ay hindi ka masyadong masasaktan...

Wala naman kasing nananatali habang buhay, lahat naglalaho at lahat nagwawakas...

Kung may panibagong ibon man na darating sa buhay mo, lagi mong ihanda ang sarili mo na kahit kailan maaari muli iyang lumipad papalayo sa iyo...

#WalangForever

Kaya huwag ng maging BITTER , Kasi hindi mo yan ika BEBETTER...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon