Ms. Kikay & Mr. Asar (One Shot)

409 10 9
                                    

"Ms. Kikay" yan ang tawag nila sa akin sa campus. Isa ako sa mga popular. Kasalanan ko ba kung ipinanganak akong mayaman? I  have everything that I want. Expensive bags, shoes, jewelry, eveything. Kahit ganito ako, inaalagaan ko ang pangalan ko para sa parents ko. Sikat ang pamilya namin hindi lang dito sa Pilipinas, pati na sa ibang bansa. I don't want to dissappoint them. As for my lovelife? I've never been in a serious relationship today, because I was hurt before. 

Enough with that. Anyways, andito na ako sa campus. As usual, all eyes on me. Sanay na ako.

"Ma!"

Arrrrggg!!! Andito na naman siya.

"Ano ba? Hindi nga 'Ma' ang pangalan ko. Nanay mo ba ako? Denni ang pangalan ko."

Mr. Asar ang tawag ko sa kanya. Team captain siya ng basketball.  Lagi niya akong tinatawag na "Ma" nakakabwiset! Araw-araw nalang na makikita niya ako yun ang tinatawag niya. Iniisip nga ng mga tao dito na may relasyon kaming dalawa. Eeeww. 

"Eh yun ang gusto ko tawagin sayo, ayoko ng Ms. Kikay or Denni. Eeeww."

"Alam mo lagi mong sinisira araw ko dahil dyan!"

"Malalaman mo din kung bakit yan tawag ko sayo."  Tumakbo na siya papalayo.

Nakarating na ako ng classroom ko. 

"Alam ko na kung bakit ganyan ang itsura mo. Dahil na naman yan kay Christian a.k.a Mr. Asar mo. Hahaha" Isa pa 'tong bestfriend ko.

"Pwede ba Alexandra, mas lalong umiinit ang ulo ko. Isa ka pa."

"Goodmorning Class."

Buti nalang dumating na prof. namin, nagtuloy-tuloy lang ang klase namin hanggang mag lunch break. Dumiretso na kami ng canteen ni Alexandra.

"Tignan mo yun oh!"

Sabay turo sa isa mesa sa canteen.

"Oh ano naman ngayon?"

"Hindi ka ba nagseselos na may kasamang ibang babae si Mr. Asar?"

"At bakit naman ako magseselos? Like duhhh??"

"Hi Alex. Hi Ma." Andito na naman ang bwiset sa buhay ko!

"Hi Christian, wanna join us?" Sabi ni Alex. Napaka supportive talaga ng bestfriend ko! 

"Hindi na, may kasama na kasi ako. Nakita ko lang si Ma kaya lumapit ako. Sige balik na ako. Bye Ma. Enjoy your lunch."

"No thanks. Wala na akong gana kumain!" Umalis na siya. Araw-araw ganyan lagi ang ginagawa niya, ang mambwiset sa buhay ko.

"At ikaw naman! Napaka supportive mo talagang bestfriend. Thanks ah!: *sarcastic*

"Welcome. :))" 

Tssss. Sa bahay nalang ako kakain. Nakakawalang-gana. After kumain ni Alexandra tumuloy na kami sa next class namin. 

"Daan muna tayo sa locker." Sabi ko.

Pagbukas ko ng locker, may nalaglag na isang white rose. At ang nakalagay sa note: Gustong-gusto ko talaga pag naasar ka. :)

Alam ko na kung kanino galing 'to.

"Ano yan? Patingin nga." Tiningnan naman ni Alex ang note.

"Ayiiieee. Mukhang galing kay Mr. Asar yan ah."

Ms. Kikay & Mr. Asar (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon