[ 8:00 am at school ]
“Hi besty!”
Si Clarence yan, ang bestfriend ko. Classmate ko na ‘to mula pa nung grade school kami, at hanggang ngayong 4th year highschool na kami heto, walang sawaan at kasama at kaklase ko pa din. Hehe
“Oh, late ka na ah?” ngiti kong sabi.. “ Ililibre mo ko mamayang recess ah?!” sabay dila ko sa kanya
Paano, late na naman, buti nga at wala pa si Ma’am kundi nako, makakatanggap na naman ‘to ng late slip at mapupunta na naman sa guidance office nang wala sa oras.
“Hmp. Daya mo naman, pero sige. Haha. E kasi tong assignment sa trigo (trigonometry) eh. Di ko maintindihan. Napuyat ako kagabi kaiisip.” Nakasimangot niyang sabi
“ayan lang e! sus akin na nga” sabay hablot nung notebook niya “ganito kasi yan, cosine law lang gagamitin mo dyan eh. Nakita mo tong triangle?! Ibaligtad mo lang para makuha mo yung hinahanap”
“ganun lang yun?? Talaga besty?? Waaaa! Nakakainis! Dinibdib ko pag-iisip dyan ha?!”
“sus. Sana tumawag ka na lang sa bahay kagabi kung hindi mo naintindihan”
“hmp! E alam ko kasing busy ka---“
KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!
Naputol ang pagsasalita nya nang biglang nagbell yung ring, sign lang yun na magsstart na yung klase at parating na yung teacher namin.
“oh, parating na si ma’am. Turuan mo ko mamaya ah?!” ang sabi niya sakin, tumango lang ako bilang pag-oo at umayos naman ako ng upo.
“GOODMORNING CLASS.” bati sa amin ni ma’am nang nakangiti. Kami naman, agad ding bumati.
“GOODMORNIIIIIIIING MA’AM!”
Sya si Miss Anne, adviser namin. Values nga pala first subject namin ngayon. Bukod sa values, teacher din namin si Miss Anne sa Trigo, kaya favorite ko to si ma’am kasi ang galing magturo. Da best!
“ah class, sino assigned sa prayer ngayon? Pumunta na kayo dun sa prayer room”
Oo nga pala, may prayer room kami dito sa school, hindi naman Catholic School ‘to pero religious talaga principal namin dito pati na rin yung may-ari. Kasi every week, may nakaassign samin para mag-lead ng prayer, hindi lang naman kaming 4th year students, all levels yun. Pero ngayon, kami yung assigned kaya heto, 1 month kami nakatoka sa prayer ceremony
“ah ma’am” nagtaas ng kamay yung isa kong klasmeyt, “kami na po dun ngayon ni Aubrey, sige po pupunta na po kami”
“ok. Go now. Hinihintay na kayo ni Miss Minchin”
- Si Miss Minchin, sya yung coordinator dito, sya din yung assigned para magbantay sa prayer room, medyo masungit pero mabait naman.. (^.^)v
Lumipas na ang dalawang oras at natapos na ang klase namin, recess na ngayon at kasalukuyan kaming nasa tambayan namin - ang Botanical Garden..
“besty, alam mo ba may nagtext sakin kagabi” Clarence.
“oh, ano sabi?”
“ang ganda ko daw, pwede daw ba manligaw” natawa ko sa sinabi ni Clarence
“ha? hahaha e adik pala yan eh. Tinanong mo ba kung sino?”
“yep! Pero hindi na sya nagreply eh”
“nako bes, baka nanttrip lang yan”
“baka nga. Hmp! Hayaan na nga natin”
BINABASA MO ANG
The Third Party
Teen FictionThe story of being the third party in a relationship. Kung ikaw nasa katayuan nya? Anong mararamdaman mo?