Hi Guys! First Tagalog Story ko po ito hahaha sana magustuhan nyo po:)))).
************************************************************************************************************
"Huwahhh!" pahikab na sabi ni Firion habang tumatayo sa kanyang pagkakahiga. Kinukusot kusot pa niya ang kanyang mata, pakita na siya ay inaantok pa at bumaba siya sa kanyang kwarto.
"Ma Good morning!" nakangiting sinabi ni Firion sa kanyang nanay na nagluluto ng kanilang agahan. Dahan dahan siyang umupo sa upuan.
"Firion!" Pasigaw na sabi sa kanya ng kanyang nanay. "Where the hell have you baeen last night!? Ive been waiting for you all night!"
"Sorry Mom. Hindi napo mauulit, galing lang po ako kahapon sa tambayan ng aking mga katropa."
"Ilan beses ko bang sasabihin sayo wag kang makipagkaibigan sa mga taong yun! Alam mo bang drug addicts yung mga yun!"
Hindi umimik si Firion imbis ay tumango lang siya.
"Opo Ma"
"Oh sya, kumain kana baka magutom kapa" sabi ng ina habang nag hahain siya sa lamesa
Kumain silang dalwa, pagkatapos ay lumabas ulit si Firion para gawin ang kanyang nakaugalian gawin.
"Hoy Bastardong Firion!" sabi ng isa sa mga tambay sa may tindahan at pinalibutan si Firion ng mga ito. "Saan sa tingin mo ikaw pupunta!?". Tumungin si Firion sa kanya "Bakit kailangan ko pang sabihin sa inyo kung saan ako pupunta mga basura.".
"Sumusobra ka na" Pagalit na sinabi ng isa at tinangkang sugudin si Firion pero pinigilan ito ng isa sa mga kasamahan nito na may malaking pilat sa mukha. "Chill lang kaibigan" at sinapok nito ang isa. "Ha-ha-ha Firion kilala mo pa ba ako?". nakangiting sabi.
"Sino ka nga? " sabi ni Firion.
"Ako si Gardo! Ako yung binigyan mo ng malaking pilat na ito sa mukha." galit na sabi nito sa kanya.
"Ah ikaw nga pala yung kinaladkad ko, sorry Gardo hindi ko kasi tinatandaan yung mga Ilog-Basurang nakikilala ko." Nakangising sabi nito kay Gardo. Napikon ang tambay at inutusan nitong bugbugin si Firion. Saby na tumakbo ang mga grupo nito sa kanya para tapusin siya, may mga dala itong tubo, maso at kutsilyo.
"Hidi talaga kayo nadadala." pangiting sinabi nito sa kanila. Hinawakan nya ang isa sa mga ito at hinampas sa lupa. May nag tangkang hampasin siya ng tubo pero nakapitan niya ang tubo at sinuntok ito sa mukha. "Tapos ka na" sasaksakin nito si Firion. Umilag ang binatilyo at binigyan ng matinding uppercut ito at pagkatapos pinatulog ang iba.
"Mukang ikaw nalang ang natitira...Gardo." sabi nito kay Gardo habang palapit sa kanya.
Nagatog ang binti ng barumbado habang palapit ng palapit si Firion sa kanya. Nag tulo ang buong pawis nito sa kanyang katawan. "Pagbibigyan kita, hindi kita bubugbugin kapalit ay wag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan." habang hawak si Gardo sa balikat. Tumakbo ito palayo at sinigaw "Pag sisihan mo itong ginawa mo sakin ngayon." at nawala.
Maraming tao ang nakita sa kanyang ginawa, ang iba ay pinagtsitsismisan siya pero hindi nito pinansin sila.. Sa mga taong iyon ay may isang matandang nakatingin sa kanya napatingin si Firion sa kanya pero biglang naglaho ang matanda na parang bula. "Sino kaya yun?" nagtatakang sabi ni Firion at nag patuloy siya pumunta sa kanyang lakad. Maraming tao ang lumalayo sa kanya habang nag lalakad sapagkat natatakot sila dito. "Firion" sigaw ng isang babae sa may kalsada napalingon si Frion sa kanya.
"Rose" pangiting sabi ng binata.
Si Rose ang tanging kaibigan ni Firion sa kanilang barangay simula pa nang kanilang pag kabata. Ito lamang ang tanging dumaramay sa kanya tuwing malungkot siya at may problema. Parang mag kapatid na ang turingan nila sa isat isa.