Paunang salita
Ang Alamat ay isang uri ng panitikan na tumatalakay o nagkukwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Mga kwento ng mga mahihiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao kung kaya't walang nagmamay-ari o masasabing tunay na may akda sa mga ito.
Ang Alamat ay kwentong kathang isip lamang na kinasasangkutan ng mga kababalaghan o mga hindi pangkariniwang pangyayari na naganap nuong unang panahon.
Mga bata pa lang tayo ay narinig na natin ang iba't-ibang mukha ng mga Alamat sa kwento ng ating lola, nanay at mga guro.
At talaga namang aliw na aliw tayong makinig.
Ngayong malaki na tayo, tayo naman ang magkukwento.
Kung kaya naisip ng inyong lingkod na lagyan ng ibang bersyon ang mga Alamat na alam na natin, para maiba naman. *^o^*
Ang masubukang pagalawin ang imahinasyon ng mambabasang ang hilig na ay katatakutan, na noong batang maliit pa lang ay kinatatakutan.
Sana ay maibigan mo ang mga kwentong katatakutan sa likod ng bawat alamat, na ibabahagi ng iyong ajeomma na siyang maibabahagi mo naman sa mga bata ng makabagong panahon.
To God be the Glory!
MARAMING SALAMAT!
- ajeomma
Pahabol sulat...
Antabayanan mo lang muna ang kwentong ito ha. Pansamantala ay hindi ko pa ito magagawan ng update, pero asahan mong hindi naman magtatagal.
Nais ko lang sanang maipaalam agad sa iyo na mayroon akong bagong kwentong naka linya kasama ng iba pa at mapakiusapan ka na rin, na sana ay maisama mo ito sa mga inaabangan mo pa na ibang kwento.
Maraming salamat uli, beh! (*^__^*)
Lovelots,
ajeomma
BINABASA MO ANG
Katatakutan sa likod ng bawat Alamat
HorrorMahilig ka ba sa Alamat? May paborito ka ba sa mga Alamat na narinig o nabasa mo na? Paano kung may iba pang kwento sa Alamat na noong bata ka ay gustong-gusto mo na? Kuwentong kababalaghan at lagim ang dala? Magugustuhan mo pa kaya? Halika na at t...