Psst... Mahal din kita! (One-shot)

114 6 0
                                    

"Kung importante ako sa iyo, bakit mo ako iniwan?" tanong ni Tina kay Randy.

"Gusto mo malaman ang dahilan ko? "

"Oo!" sagot naman ni Tina.

"Iniwan kita dahil ayaw kitang masaktan, iniwan kita kasi gusto kong malayo sa iyo. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang masaya kapag kasama mo si Mike. Nasasaktan ako dahil mahal kita. Mahal na mahal."-randy

"M-m-mahal mo ako?" tanong ni Tina.

"Oo, mahal na mahal kita Kristina Polina. Noon pa hanggang ngaun." sagot ni Randy.

"I'm sorry Randy..."

Pagkasabi ni Tina ng mga salitang yun ay agad siyang tumakbo palayo sa binata. Samantalang naiwang malungkot si Randy. Akala niya kasi kapag umamin na siya magiging masaya na sila ngunit nagkamali lang pala siya.

Isang linggo na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagkikita at nag-uusap si Randy at Tina. Nung mga araw na nakalipas naging busy si Randy sa kakalakad ng mga papeles niya patungong ibang bansa.

Kinabukasan napagdesisyunan ni Tina na kausapin si Randy para maging malinaw ang lahat. Ngunit pagpunta niya doon nagulat siya na tanging ang kapatid lang niya ang nandoon.

"Hi Ate Tina!", masayang bati sakanya ng nakababatang kapatid ni Randy.

"Hello Trisha, andiyan ba ang kuya mo?" tanong ni Tina sa bata.

"Si kuya po? Wala na po siya dito eh kakaalis lang po papuntang airport..."

Hindi na pinatapos ni Tina si Trisha sa pagsasalita dahil agad siyang tumakbo papuntang sasakyan niya. Habang nagmamaneho patungong airport panay ang tawag niya kay Randy pero palaging out-of-coverage. Nang makarating sa airport agad niyang hinanap si Randy at labis na ikinatuwa ng dalaga dahil nakita niya ito na nakatayo na tila may hinihintay.

"RANDY! RANDY!", sigaw ni Tina.

Nagulat si Randy dahil hindi niya inaasahan na ang taong hinihintay niya ay nasa harapan na niya ngaun at tila pagod na akala mo may hinahabol.

"Tina, anung ginagawa mo dito?" tanong ni Randy.

"Pinipigilan kang umalis", sagot naman ni Tina.

"Bakit mo naman ako pipigilan?" tanong ulit ni Randy.

"K-k-kasi..." pautal-utal na sagot ni Tina.

"Kasi? ano?" tanong ulit ni Randy.

"Kasi... kailangan kita bilang kaibigan ko at..."

Hindi na pinatapos ni Randy ang sasabihan ni Tina at tumalikod na siya dahil alam niyang masasaktan siya ulit dahil aasa na naman siya na mahal din siya. Pero nagulat siya sa isinigaw ni Tina.

"PSSSST... MARK RANDY TIMOG MAHAL NA MAHAL DIN KITA. NARINIG MO YUN MAHAL KITA KAYA KAPAG UMALIS KA PA HINDI MO NA AKO MAKIKITA ULIT." sigaw ni Tina.

Dahil sa ginawa ni Tina ay napatigil siya sa paglalakad at tumakbo palapit sa dalaga.

"Ano ulit sabi mo?" tanong ni Randy.

"Sabi ko mahal din kita kaya huwag mo ulit ako iiwanan dahil kapag ginawa mo yun hindi mo na ako ulit makikita pa."  sagot ni Tina.

Dahil sa sinabi ng dalaga hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito at halikan. Nagulat sila ng nakarinig sila ng nagpapalakpakan na mga tao at dahil sa nangyari nilisan na nila ang airport ng magkahawak kamay at masaya dahil alam nila na mahal na mahal nila ang isa't-isa.

-------------------  T H E   E N D ---------------------

Pasensya na po kayo kung pangit ang pagkagawa ko ng story na ito dahil first time ko po ito eh. Sana po magustuhan niyo kahit maikli lang ito. MagVOC(vote or comment) po kayo. Salamat. 

Salamat po sa mga nagbasa nito. Godbless. :) :*

Psst... Mahal din kita! (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon