Clarizze's
Nasa tapat kami ngayon ng venue na pagdadausan ng batch party namin. Kasama ko si Jamaima at Jarius sa sasakyan. Si Jarius bestfriend ko din siya, siya ang kasama kong pumunta sa Canada. He stayed their for me, siya ang karamay ko don sa mahabang panahon. Hindi kasi ako magawang puntahan ni Jamaima dahil ibinigay na agad sakanya ang tungkuling imanage ang kumpanya nila dito. Kaya si Jarius ang sumama at naging kasangga ko sa lahat ng sakit at pait ng nakaraan ko.
Jarius stepped outside the car and started to open the door.
"Ladies, lets go. I could hear the party is starting" with matching his unique smile inabot niya ang kamay ko para tulungang bumaba sa sasakyan. Ganon din ang ginawa niya kay Jamaima.
Nang makababa si Jamaima, agad namang pumagitna samin si Jarius and offered his arms. Hmm, mukang siya ang kadate namin ng bestfriend ko ah? :)
Pagpasok namin, Jarius was right the party is starting. Partyman kasi tong si Ja *Nickname for Jarius* , nung nasa Canada palang kami hindi mo siya makikitang pumirmi sa condo namin tuwing grabe. And yes you read it right magkasama kami sa iisang condo pero magkahiwalay ng room. Pero we never did "it" ha? Mabait at marespeto si Jarius sakin haha naguuwi din kasi yan ng babae sa condo kaya di mo masasabing may respeto siya sa lahat ng babae.
Medyo matagal na kami sa loob, madami na akong nakilala ulit at masasabi kong madami ang nagbago. Some are really profesional already pero meron padin ang tambay sa buhay.
"So nakita mo na siya?" Mai *Nickname for Jamaima* whispered.
"Jeez, hindi ko naman siya iniintay ee." angil ko.
Totoo naman ee, bat ko iintaying makita ung gagong yon? Like hello? Kapal ha. Pero napaisip din ako kung bakit hindi ko pa siya nakikita.
Kanina pa ako nakaupo sa table namin, manhid na ung paa ko kakalakad at kakatayo para lang chumismis sa buhay ng mga kabatchmates ko. Si Jarius naman nasa isang table kasama mga babae niya, si Jamaima naman nasa kabilang table nila Jarius kasama boyfriend niya.
Pupunta na muna ako sa cr, tutal mukha na akong haggard dito. Tsaka medyo mainit na din, I need fresh air.
Kaso napahinto ako nung marinig ko ang nagsalita sa mic.
"Yeaaaaaaaah, having fun guys?!" sigaw ng emcee.
Lahat ng tao tumigil sa pakikipagkwentuhan.
"Bago pa matapos ang gabing to, gusto kong mabigyan ng chance to perform ang favorite band ko nung college! Medyo, mahirap kumbinsihin pero heeeeeeey bitches andito na silaaaaaa!"
sino bang favorite band niya? Ha?
"Let us welcome, THE EXTRAVAGANTE!"
And that's the cue para tumigil ang tibok ng puso ko. Ghad.
Habang nilalabas nila ang mga intruments na gagamitin nila bumibilis ang tibok ng puso ko, here it is. Ang hinihintay ko kanina pa. Ang pinaghandaan ko ng napakatagal para lang maghiganti. Its now or never.
Biglang naghiyawan ang mga kabatchmates ko.
dahil lumalabas na sila.
Napahawak ako ng mariin sa table habang nakatayo padin.
Ghad, Clarizze mag ccr ka! Ano pa bang iniintay mo?
Hindi ako makakilos.
Lumabas na si Charlie siya ang playboy at romantic gwapito sa grupo. Sunod si Chuck na seryoso pero malakas ang appeal. Sabay namang lumabas ang kambal na si Chester at Cholo malakas ang naging hiyawan sa kanila dahil silang kambal ang pinakagwapo ngunit babaero.