Chapter Three

31 2 0
                                    

#ForAChange

Cherry's POV

I AM SO STRESSED! Well hindi sa pagtuturo kay Kharis dahil ito talaga ang perfect sample ng Fast Learner---I wonder if ganun lahat ng amnesia patient, since they lost their mem'ries. STRESS ako sa kaka luto! Grabeh, kung ga'no karami ang natutunan agad nito, ganun din karami ang kinakain nito which is not good dahil tataba ito.

Ano bang gagawin ko rit---yeah! Alam ko na!


"Cherry, ang sarap mo'ng magluto.." sabi nito pagka hain ko sa pagkain.

"Thank you.." I smiled. Mukhang simula nang mag stay si Kharis rito, panay smile na'ko. Pa'nong hindi, eh sobrang sweet ng babaeng 'to. Oo nga't medyo hindi siya magaling sa expression---siguro ganun lang talaga siya, mukhang cold---pero nafi-feel ko na sincere siya sa lahat ng sinasabi niya.

"No, thank you for feeding me." she smiled.

See?
Ang ganda niya at ang sweet pa! Kaya naman di ko magawang mainis sa kanya eh. Ang bait bait niya din.

"Kharis.."

"Yeah? Kakain na?"

"Hmm.. yep. Pero isa sa mga ituturo ko ngayon is the way you eat. Bilang isang babae, you should eat like one. I'll show you.." at dinala ko muna siya sa sala.

In-on ko na yung TV tapos ipinasok sa player yung DVD na binili ko the other day para sa kanya.

"Wag kang mag alala, hindi magtatagal yan.."

So ayun, nanuod na muna kami. Itinuturo dun yung lahat ng pwede niyang matutunan sa pagkain, kung pa'no gumamit ng kutsara at tinidor, ang iba't ibang uri ng kutsilyo sa tabi nito, pagkain ng karne at kung anu-ano pa.



Bilib din ako rito eh no? Talagang pag may pag aaralan, focus na focus ito. Parang kahit bombahan ito at the moment hindi ito titinag.
Seryosong seryoso eh. Kaya siguro ang dali nitong matuto. Sobrang focus.

Ano kaya ang nangyari dito kaya nagka amnesia?? Kawawa naman..






***

Scion's POV

Weird.

Isang araw palang na wala si Kharis-the-Doll, parang may kulang agad. ANG WEIRD WEIRD DIBA?

Parang katulad dito sa katabi ko sa Park na matandang lalake, salita ng salita. Ewan kung sino ang kausap. Sino ba kasi ang mahiwagang taong sasaktan daw?

Aah! Ewan, maka alis na nga.


"HIJO MAKINIG KA!" eeeh?? Hijo me? Ako?

"Ako po ba?" tanong ko pero....




*PAK!







ARAY!
Tae na 'to?! Ba't 'to nananapok?!

"Ano ba Tatang?! Masakit yun ah??"

"Hindi ka kasi nakikinig! Kanina pa'ko salita ng salita dito di ka pala nakikinig?!"

"Pasensya naman ho. Malay ko bang ako ang kinakausap niyo?"

"Mga tao talaga.." eeh? Bakit hindi ba siya tao? Si Tatang talaga.

"Ano ho ba yun Tatang? Nagmamadali ho kasi ako eh."

"Ang sinasabi ko, wag mong sasaktan ang mahiwagang tao da---"

"Ano ho bang mahiwagang tao? Hindi ko alam ang sinasabi niyo."








His Doll GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon