Words I Can't Dare To Say

98 5 2
                                    

Na-inspire ako dun sa ginawa mo lola eh. XD Kaya eto. ANG VERSION KO! MWAHAHA.

/ Oh shit. Ang lande neto. pramis. XD /

----------

First time I met you.

Magkaklase tayo. Randomized ang seating arrangement. At nagkataong ikaw ang naging seatmate ko.

Loner ako sa classroom. Natural yun, dahil mahiyain nga ako. Palagi mo akong makikitang mag-isa sa recess, lunch, uwian, activities etc. Sinusubukan mo akong kausapin, pero nga eto ako. Dinadala talaga ng hiya.

Kala ko nga susuko ka na eh. Kahit anong gawin mo, di mo parin ako mapalabas sa "shell" ko. 

Lumipas ang isang quarter. Mag-iiba na ng seating arrangement. Nasa row 1 ako, samantalang ikaw nasa row 3.

Nasa isip ko.. "Eto. Sure akong titigil ka na"

Wala ka na namang rason para lapitan ako eh. Di na tayo seatmate. Pero.. mapilit ka talaga.

Sinusubukan mo pa ring makipag-close sakin. Nung medyo mawala na tong pisteng hiya ko, you took the opportunity. 

Dahil dun, ikaw ang naging unang kaibigan ko sa schoolyear na yun.

Oo. Unang kaibigan. Ikaw lang talaga ang nag-tyaga sakin eh. Kaya nagpapasalamat ako sayo. Medyo kaya ko nang makisama sa iba dahil sa ginawa mo.

Mahilig kang mang-asar, at the same time mabait. You like to make fun of people, pero alam mo kung kelan titigil.

Isa ako sa mahilig mong asarin. Pero okay lang. Natatawa nga ako sa panggagalaw mo eh.

I treat you like a bestfriend.

Pero di ko alam kung bestfriend ba rin ang turing mo sakin. Ako kasi, oo.

Nung ma-bully ako dahil di ako nagpatulad ng assignment/quiz, ikaw yung tumulong sakin. 

At di ko alam na dahil dun.. nagkaroon na ako ng "crush" sayo.

Pwede bang magka-crush sa sarili mong bestfriend?

Siguro pwede. Crush lang naman diba?  Di pa yan love. So di ako natakot na baka madevelop yun. Dahil mahirap na kung madevelop man. 

You were playing the same game I'm playing

Nalaman kong naglalaro ka rin pala ng Ragnarok Online.

Isipin mo nalang kung gano ako kasaya nun. 

May kakilala na ako. May kasama na ako tumambay. Di na ako magiging loner.

Pero.

BAKIT BA ANG SWEET MO IN-GAME? BAKIT? 

Delikado ako sa sitwasyon. 

Di mo ba alam na unti-unting akong NA-FAFALL SAYO?

O baka naman SINASADYA MO?

Nalaman mo bang may crush ako sayo kaya naisipan mong MANTRIP SA LOOB NG LARO?

Pero alam kong di ka naman ganun. Baka ganyan ka lang talaga dito sa RO. Sabi nga ng mga tropa mo, malambing ka lang talaga.

Pero kahit na. Alam mo namang gullible ako diba? Di mo alam dahil jan sa mga gestures mo...

Boom.

Wala na.

Isama mo na ang pagiging sweet IRL.

Words I Can't Dare To SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon