Hay.. Ang bilis ng oras.. Dati di naman kami close ni Kiefer.. Tapos nung sinabi ko nagbago na lahat.. Tuwing hapon magkasabay kami ..
Ang sarap ng feeling kapag kasama ko sya.. Kahit tahimik lang kami.. Ang sarap pa rin sa pakiramdam..
Mga isang linggo na din nya akong sinasabayan tuwing hapon..at lunes na naman.. I will start my day right.. Papasok pa lang ako ng skul ngaun mga 6:30 ng umaga.. Naalala ko tinanong ako ni Kiefer noon..kung anong oras daw ba ako napasok.. Sabi ko mga ganong oras kaya nagtaka ako.. Kung bakit nya tinanong.. Pero may nase sense ako .. Feeling ko baka sasabayan nya ako ng umaga.. Haha pero feeling lang.. Naglalakad ako malapit sa may tindahan nang...
O_O
Si..
Si
Si Kiefer ba yun ???
Anong gngwa nya dun sa may tindahan.. Bakit andun sya ???
Nag pretend ako na di ko sya nun nakita .. Dire diresto lang ako..
Nung malapit na ko sa kanya.. Ayun .. Lumapit sya sakin..
"Anong gngwa mo dito ?? "" sasabayan lang kita.. " sagot nya..
Ang bilis ko sigurong maglakad nun.. Nauuna ako sa kanya ehh
"May ibibigay nga pala ako sayo" sabi nya..
As usual.. Tahimik lang ako nun..
Inabot nya sakin yung mga tinapay.. " ah.. Hindi okay lang.. Sayo nalang .." Sabi ko..
Hindi sya nun umiimik.. Na feel ko lang na nilalagay nya yung pagkain sa bag ko..
" Kiefer.. Wag na nga .. Ok lang .. Tnx but no tnx.. "
" tanggapin mo na kasi.. "
Wala naman kasi akong pinatago sa kanyang pagkain para bigyan nya ako..
Pero sa huli tinanggap ko na din..
Nakarating kami sa skul na pinagtitinginan ng mga kaklase namin.. May isa pa ngang babae na laging tumatawag sa kanya .. Naiinis nga ako minsan eh .. May gusto nga daw yun kay Kiefer sabi nung kaibigan nya , si Jeff..
![](https://img.wattpad.com/cover/48967968-288-kbb74f2.jpg)
BINABASA MO ANG
THE STORY OF US
Romancea forbidden love story and a promise of two hearts.. will they end up to be together or to be apart ?