Mister Yoso

50 0 0
                                    

PROLOGUE

Usap-usapan sa lugar ang nangyaring masaccre sa isang pamilya kung saan balitang balita na namatay ang mag-asawa kabilang na ang nag-iisa nilang anak na lalaki. Pero paano kung pagkalipas ng ilang linggo'y magpakilala mismo kay Eme ang lalaking anak ng mag asawa? Paano kung malaman niya na si Rico ang anak ng mag-asawa na ayon sa nakararami'y namatay rin sa massacre na iyon??? Saan hahantong ang namumuong pag-iibigan nila??
Basahing mabuti ang kuwento at intindihan. Sana magustuhan ninyo.
-Sarj.Ram'z

Part 1

Halos maligo na si Rico ng dugo mula sa kanyang ina na wala ng buhay ngunit nakayakap parin sa kanya habang natatamaan sila ng bala na tumatagos mula sa bawat dingding ng kanilang bahay. Kitang kita ni Rico kung paano huminga ang kanyang ama na wari'y pinagkakaitan ito na makalanghap ng hangin. Maya maya ay tumigil na ang mga putok, kasabay ng pagkaantala at tuluyang pagtigil ng pintig ng puso ng kanyang ama na gumagapang sana papunta sa kanila ng kanyang ina. Habang tumatagal ay mas lalong lumalabo ang paningin ni Rico. Gustuhin man niyang gumalaw at lumabas ng bahay upang makahingi ng tulong ay hindi niya magawa, hindi lang dahil sa takot kundi dahil narin sa iniinda niyang sakit mula sa kanyang tagiliran na may dalawang tama ng bala. Tuluyan ng nawalan ng malay si Rico at kusa nang bumitaw ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak niya sa palad ng kanyang ina. Nang dumating na ang mga pulis ay malamig at maputlang maputla na ang buong katawan ni Rico.

Kinabukasan ay maagang nagising si Eme dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintana ng kanyang kwarto. Bago siya magligpit ng higaan ay pinagmasdan muna niya ang mga naglalanguyan na isda sa maliit niyang aquarium at pagkatapos ay pumasok na sa banyo para makapasok na sa eskuwelahan. No'ng pababa na siya sa kusina upang kumain ng agahan ay nakarinig siya ng usapan mula sa mga kasambahay at hardinerong si Mang Ben nang hindi inaasahan.

"Kawawa nga ehh. Ayon pa sa mga kapitbahay natin, idiniklarang dead on the spot ang mag-asawa habang yung anak naman nila ay nadatnan ng mga pulis na malamig na at maputlang maputla na nasa tabi ng kanyang inang duguan." kuwento ng hardinero sa mga kasambahay.

"Ano po bang pangalan nung bata? at anong itsura? baka nakita ko na yan noon." pag-uusisa ng isa pang kasambahay.

"ahmm.oo baka nakita mo ang batang iyon..Rico ang pangalan..Maputi...matangos ang ilong...may maliit na nunal sa kilay...medyo matangkad pa kay ma'am Eme."

"Malapit lang dito ang bahay na pinangyarihan diba?"

"Oo....bagong lipat daw doon yung pamilya" pagkarinig ni Eme kabuoang sabi ng hardinero ay pumanaog na siya papunta sa kusina. Nagpatuloy paring ang pagkukwento ni Mang Ben sa iba pang mga kasambahay pero hindi na nakinig si Eme kahit na nakaramdam din siya ng pagkahabag dahil sa nangyari sa pamilya. Nangilabot si Eme sa naisip na pwedeng mangyari kapag maghiganti ang kaluluwa ng mga patay.

PAGDATING ni Eme sa eskwelahan.

"Kasing-edad lang daw natin yung anak ng mag-asawang pinatay kagabi." sabi ng isang estudyante sa kanyang kaklase.

"ahmm..Hindi kaya, sabi din kasi nila 16 na daw yun ehh." pagtatama ng isang estudyante sa nasabi ng isa.

Bakit ba sila nakikipag-usyuso sa nangyari sa pamilya? ang tanong ni Eme sa kanyang sarili habang papasok pa siya sa silid nila.

"Napakabait daw ng mag-asawang iyon ehh. Hayyss bakit ba maagang binabawian ng buhay ang mga mababait?" tanong ng isang kaklase ni Eme sa kanyang kaibigan.

Hanggang dito ba naman? nasabi ni Eme nang mahina pagkarinig ng usapan sa loob ng silid.

"Huwag nga kayong magkuwentuhan sa pamilya na yan, hindi niyo naman alam ang kabuoang nangyari ehh...at baka mali rin ang nakukuwento ng iba sa inyo at ikinukuwento niyo." saway ng ka klase ni Eme na ang pangalan ay Zack at kagaya ni Eme ay naiingayan na rin. Naisip ni Eme na tama rin ang sinabi ni Zack.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mister YosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon