Enjoy reading. ^____^
-= THINK TWICE =-
Written by: Meyv
=^_^=^_^=^_^=^_^=^_^=^_^=
Sinong magsasabing nang dahil lang sa isang bagay ay nakilala ko ang tunay nyang pagkatao at ang kanyang pakay.
Hindi kagwapuhan pero habulin ng mga babae dahil na rin siguro sa taglay nyang katangian -- magaling magpatawa, masarap kasama, marunong makisama, masipag, mabait, mapagmahal, walang bisyo, hindi nagmumura, malinis sa katawan kahit na pawis e parang laging fresh, parang may maamong tupa pag kaharap si girlfriend, ika nga "boss" si gf.
Oha! Tama na, masyado ng marami ang katangian nya. Baka pati kayo mainlove na. Haha. Ay wait! May nakalimutan pa pala ako -- higit sa lahat ay ay hmm secret. :D. Maya ko nalang sabihin sayo. :D
Sino ba yang tinutukoy ko? Hmm yan lang naman ang pinaka ideal mate ko at sa tingin ko nahanap ko na. Hmm yes tama, yan ang boyfriend kong si Ariel. Oha! parang sabon panlaba lang. Haha.
Ako si Angel dela Peña, 17 years old, 14 pa lang ako boyfriend ko na yan si Ariel. Hanglande ko noh? Wala eh, biglang tumibok si heart, di na napigilan.:D. First boyfriend ko sya at sana sya na ang last. Haller.! Sa panahon ngayon, sa mga katangiang meron sya, siguro 20% nalang ang katulad nya. Hmm baka nga di pa 20 e, baka 10 lang. :D
Mahal na mahal ko si Babe hindi lang dahil sa mga katangian nyang yun kundi dahil mataas ang respeto nya sa mga babae, syempre lalong lalo na sa'kin. Umabot kami ng 3 years in a relationship. Maraming nag-iisip at nagsasabi na sa tagal daw namin e imposibleng walang nangyari sa'min. Alam mo na, yung ano, basta yung ano. You know what I mean, right? yeah dapat lang alam mo kung anu tinutukoy ko. Haha. But i'll tell you, IBANG-IBA KAMI. Hay nako.! Sa panahon kasi ngayon, uso paunahan.! hayzt
Pero syempre di talaga maiiwasan ang ganyang topic. Dati inaaya nya ko pero sabi ko hindi pa ko ready so sabi nya maghihintay daw sya hangga't ready na daw ako. Ang saya-saya ko nung sinabi nya yun kasi alam ko mahal nya talaga ako sa kung ano ako at hindi dahil sa may intensyon lang sya sa'kin. Sobrang mahal ko sya pero andun yung part ng pagdududa. Nandun yung mga tanong na totoo kaya yung sinasabi nyang maghihintay sya?. Nandun yung takot na baka dumating yung araw na pag nag-away kami e gawin nyang dahilan ang kung anu-ano like makikipagbreak sya sakin dahil nag-iba na ugali ko pero ang totoo e hindi siya makapaghintay at nagmamadali syang kunin ang aking pinakaiinga't ingatan. Simula nung tinanong nya iyon sa'kin, hmm siguro mga 8 months kami nun, ay inoobserbahan ko ang mga kilos nya kung may magbabago ba, and fortunately, wala naman. Natouch ako ng sobra2 kaya naman binigay ko lahat ng pagmamahal ko. Kung tutuusin nga parang mas mahal ko na sya kesa sa sarili ko. Hindi ko sya kayang mawala. Gusto ko araw2 kami nagkikita. Hmmm Obsessed?, tama, obsessed talaga ako sa kanya.
Super sweet namin sa isa't isa. Lagi nya kong vinivisit sa bahay namin but kasama ko mga brothers ko ha. Hindi ako pumupunta sa bahay nila except pag pinapapunta ako nila tito't tita (parents nya). Ayoko magsolo kami sa iisang kwarto. Mahirap na. Alam mo na baka yung mga passionately kiss namin e mapunta sa hindi dapat pupuntahan. Haha.
Nagcocomputer, nanunuod ng t.v, naghaharutan, nagtatawanan -- yan ang mga ginagawa namin. Minsan may pikunan pero lambing lang katapat ng bawat isa.
Hmm kala nyo puro saya lang kame noh? syempre hindi. Nag-aaway dn naman kami. Alam nyo kung anong dahilan??? ano pa nga ba? edi yung ano, kasi nga hanggang ngayon tinatanong pa din nya ko kung pwd na daw at kung ready na daw ba ako. Naiinis ako sa tuwing tinatanong nya iyon sa’kin.
Isang araw. Naghaharutan kami nun nang biglang may nakapa akong singsing sa daliri nya -- sa palasinsingan. Nagulat ako kasi bat sya may singsing e bawal yun sa trabaho nya, pinapatanggal. Hmm i feel like parang may hindi ako nalalaman. Pero ang weird din kasi parang wala din naman akong nararamdaman na may something. Ang gulo. Malaki tiwala ko sa kanya kaya alam kong mali lahat ng iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Think Twice [One Shot]
Non-FictionThis is dedicated to all teens especially for those who have boyfriend. Yieeeehhh. Hope you'll get lesson on it. Enjoy reading ^____^ salamat