THROWBACK

104 5 3
                                    

Title: THROWBACK

By: MysteriousScribbler

Author's Note: I have posted this earlier sa nauna kong account (PsycheSoul) kaya sa ibang nakabasa na po nito ay wag na po kayong magtaka kung bakit pakalat-kalat yung mga gawa ko :> This is a one-shot story!

Vote, comment, and be a fan.

Thankyou!

__________________________

- Unang Silip -

Pasing's Point of View

Kopyahan

Batuhan

Hiraman ng pulbo at suklay

Asaran

Tuksuhan ng mga crushes

Slumnotes

Love letters

Gumala at tumambay

Nanligaw

Nagpaligaw

Inuman

First love

Kodigo

Sumipsip sa teacher

Naghanap ng Bestfriends

Nag-abang ng mga gwapo't magagandang transferees

Phytagorean Theorem

Economics

HIGHSCHOOL?

Hindi ako sikat, hindi rin ako pinagtitinginan at mas lalong hindi rin ako pansinin pero maganda ako.

Hindi ko alam kung anong problema sakin pero hindi ako naging ligawin noon. Magkaganun man ay hindi ko pa rin naman ipagpapalit ang mga bagay sa mundo na nung highschool ko lang unang naranasan.

Oops, meron pala. Kung sakali mang may talent scout at makakadiscover ng beauty ko aba'y di na ko magd-dalawang isip at mag s-showbiz nalang ako kesa sa mag-aral no! Aminado naman akong hindi ako matalino, maganda lang.

Lahat naman siguro tayo naging makulay at makabuluhan ang pag-aaral ng tumuntong tayo ng highschool. Nagfeeling dalaga't mga binata tayo agad kahit na ang totoo eh nagsisimula pa lang tayo sa puberty stage at hindi pa tinutubuan ng boobs at adam's apple.

Natuto rin tayong lumandi at mag boyfriend o mag girlfriend ng patago, makipag textmate at makipag barkada.

Aminin niyo, tama ako diba? Kuu, wag na tayong mag malinis dahil pare-pareho lang tayo.

Nakarelate kaba sa intro ko? Aba'y kung hindi eh mawalang galang na pero lumayas ka rito at wag ng ipagpatuloy ang pagbabasa. Hindi ko gustong ishare ang highschool life ko sa kagaya mong mahina ang pick-up at hindi makarelate.

On the second thought, baka naman dito ka nakarelate:

Napadrop o na kick out

Suki ng guidance office

Nabasted ng kaklase

Nakipag tarayan sa mga estudyante ng Private school o ng public school

Napalabas ng Classroom

Nahuling nangodigo

Pinatayo dahil di nakapag recite

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ThrowbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon