The Wait (one shot)

12 0 0
                                    

Naranasan mo na ba?

Yung main-love ka sa taong hindi mo naman nakaka-usap,hindi ka naman kilala sa pangalan at higit sa lahat may mahal siyang iba?


Nakakabaliw hindi ba?Hindi mo alam kung paano ka nahulog sa kanya sa simpleng ngiti niya sa'yo tuwing makakasalubong mo siya.Sa boses niyang masarap sa tenga kapag inuutusan ka niya.Sa naiiwang mabango niyang amoy tuwing dadaan siya.


Madaming nagsasabing kaibigan ko na isa akong tanga,bobo,baliw.


Para ko daw nilapit ang sarili ko sa isang malalim na bangin at ako mismo ang tumulak sa sarili ko para mahulog doon.


Eh bakit ba? Feeling ko destinied talaga kaming dalawa.Kapag kasi nakikita ko siya parang humininto ang oras ko,at ang ngiti niya?Hayyy..iyon ang nakakabuo ng araw ko.

Ayokong mawala siya sa paningin ko pero ngayon?


Wala hindi ko na siya makikita at sa 100% na magkikita ulit kami siguro mga 1% lang ang pag-asa ko.

Bakit? Bumalik lang naman siya sa bansang pinanggalingan niya kung saan nandoon yung taong totoong nag-mamay ari sakanya.

Ang sakit isipin na wala naman akong karapatan na pag-bawalan siyang umalis,wala akong karapatan na pigilin siyang bumalik sa mahal niya,kaya heto ako ngayon ewan ko kung makaka-move on ako o kailangan ko pa bang mag-move on dahil sa totoo lang wala naman akong dahilan para mag move-on kasi nga hindi naman naging kami.

Hindi naman naging kami yun ang masakit!


Isa lang naman kasi akong hamak na voluteer nurse sa hospital na naka-assign sakanya bilang isang resident doctor,Isa lang akong simpleng volunteer nurse sa ward ng mga pasyente niya.


Hindi ko nalang napansin isang araw laging siya ang iniisip ko,anong oras kaya ang duty niya?May operation ba siya ngayon?Naka-off kaya siya?


Minsan nga kinulit ko ang isa niyang kasamahang resident doctor tungkol sa schedule nila at ayun nakuha ko naman at nag-palipat ako ng schedule na katulad niya kahit gabi o madaling araw pa yan basta lagi ko siyang nakikita.


Ilang buwan din kaming nag-kasama sa ward pero hindi kami masyadong close mailap kasi siya sa mga tao kakausapin ka lang niya kapag may tatanungin siya about sa pasyente niya.Minsan nakaka-kulitan ko siya at minsan nililibre niya ako ng lunch,pero ang totoo niyan buong staff ng ward nililibre niya siyempre kasama ako doon kaya iniisip ko nililibre din niya ako.

Nawalan ako ng time makasama siya ng nag-simula ako sa masterals degree ko,Hindi ko na siya masyadong nakikita at mailap ang tadhana namin kasi isang araw nalaman ko nalang na bumalik na siyang Malaysia.


Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman noon.

Nakakainis hindi pa man nag-umpisa ang lovestory namin,natapos na agad!

Ilang gabi din akong umiyak noon,gusto ko siyang sundan sa Malaysia pero wala akong nagawa kundi mag-hintay sakanya.Nag-babaka sakaling babalik siya makalipas lang ng ilang buwan.

Itinuloy ko ang pag-aaral ko ng masterals at aaminin ko siya pa rin ang gusto ko kahit ang daming nag-paparamdam sa akin ng damdamin nila.


The Wait (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon