1

95 6 10
                                    

EEEEEEEEEE!!!!!!

Ganun na lang ang pagkagulantang ng lahat nang bigla na lamang tumili si Anne pagkarating na pagkarating niya sa lounge ng It's Showtime. Malaki ang ngiti niyang tiningnan ang lahat ng naroon. Nang masigurong wala ang hinahanap niya muli siyang tumili.

AAAAAAHHHHHHHH!!!!

"Huy! Ano ba'ng problema mo? Kanina ka pa tili ng tili!" tanong ni Vhong na nalilito na sa inaarte ni Anne.

"Guys! Karylle is back!" sigaw ni Anne.

"Ha? Kailan pa? Where is she?" excited na tanong ni Billy na napatayo pa at lumapit kay Anne.

"Guys, relax lang," ani Anne.

"Relax? Kanina ka pa tili ng tili dyan tapos relax?" may halong inis na tugon ni Teddy.

"She's not here. But she's back in IG at nag-post siya ng video ni Princess! Oh my God! She's so cute!" kilig na nilig na sabi ni Anne.

Daglian namang kinuha ng mga hosts ang kani-kanilang mga cellphone at nagbukas ng Instagram para i-check yung sinabi ni Anne. At doon nga nakita nila ang instavid ni Karylle, posted 10 minutes ago, isang 7 month old baby na nakaupo sa play mat na nakalatag sa sahig. She has chubby cheeks, curly hair, wearing a yellow, floral top, star stud earrings at may hawak na laruan. Sa background maririnig mo ang pamilyar na tinig ng isang babae na kinakausap ang baby.

Karylle: Hello my Princess. Say "mama." Come on.

Princess: Mama. Hihi.

Karylle: Do you love mama?

Princess: Mama.

Karylle: *dumapa sa kanang tabi ni Princess habang hawak pa rin ang cam na nakaharap sa kanila* Kiss mama baby.

Nag-lean naman si Princess at idinikit ang bibig sa pisngi ni Karylle para sa isang kiss at saka tumawa. Pakatapos ay si Karylle naman ang nagbigay ng malutong na smack sa matabang pisngi ng anak.

Karylle: Say babye na. Byeeee (while waving to the camera)

Tumawa lang si Princess at binigay ang laruan sa nanay niya upang hikayatin itong makipaglaro.

Ang caption -

@anakarylle My Princess can say "mama" na. Hihi. I'll teach her how to rap next time. :) #Princesskissmamaplease #walakayosababyko

It's been more than a year since Karylle left the show and the country para manatili na sa America. Nung una tanging ang pamilya at ilang mga malalapit na mga kaibigan lamang ang nakakaalam ng kanyang sitwasyon at kinaroroonan. Nang malagay siya sa isang maselang kalagayan ay saka lamang niya naipaalam sa mga kaibigan niya sa It's Showtime ang kanyang kondisyon. Mula noon ay naging bukas na ang kanilang komunikasyon. Lahat ay nakakausap niya maliban sa dalawa, na ang isa pa ay sobrang malapit sa kanyang puso.

Although nagkakausap pa rin naman silang magkakaibigan through phone, Skype, Facetime at emails, iba pa rin talaga kung kasama mo yung tao. Si Karylle lang kasi ang nahiwalay sa kanila. Since she left Karylle has stopped making public posts in her social media accounts. Tuwing gusto niyang mag-comment sa mga posts ng mga kapamilya at kaibigan ay dini-DM na lang niya ang mga ito. She didn't deactivate her accounts to still be updated with her friends pero hindi na siya nagpo-post...until now.

"Ang cute ni Princess! Ang laki na niya. Ang sarap kurutin ng pisngi. Ang tambok! Aww." bulalas ni Coleen nang mapanood ang video ni Karylle.

"Karylle na Karylle lang," nakangiting sambit ni Billy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon