Prologue

255 2 0
                                    

Sa barkada, ako yung mahinhin. Dalagang Pilipina kumbaga. Lumaki akong tinuruan ng mga magulang ng tamang asal. They're both professionals kaya di alinlangan na sobra silang mahigpit sa akin. Madaming rules ang mga magulang ko. Pero lima lang ang ibibigay ko sa inyo.

1. Di ako pwedeng tumawa ng malakas. Kailangan pang nakatakip ang bibig sa tuwing ako ay tatawa.

2. Dapat palaging pormal ang damit na isusuot. I'm not allowed to wear revealing clothes. Pero di naman ako nagmumukhang manang. Nakakasabay pa naman ako sa uso.

3. Act formal. May pinag-aralan naman daw ako kaya dapat lang na pormal ako kung kumilos.

4. Pumili ng mga kakaibiganin. Strikto talaga sila sa mga kakaibiganin ko. Pag di approve sa standards nila kailangan ko nang iwasan. Dapat good influence daw sila sa akin.

And lastly, ang pinaka sa lahat

5. Never chase a man. Dapat sila daw ang maghahabol sa akin. Sila daw kasi ang lalaki at hindi ako. Ang pangit daw tignan na babae ang naghahabol sa lalaki. Nagmumukhang desperada daw kasi ang babae kung sya ang naghahabol. Kaya big NO sa kanila yun.

Ang hirap ng sitwasyon ko. Lahat ng kilos ko monitored. Updated sila masyado sa mga nangyayari sa akin. Well, I can't blame them. I'm an only child kaya naman lahat ng atensyon nila na sa akin.

Hindi pa pala ako nakakapagpakilala.

I'm Keria Ariyanne Velasco Pascual. NBSB kung maituturing. Never been touched, never been kissed. A total virgin and innocent. Hindi naman sa walang nanliligaw sa akin, hindi lang talaga approve yung mga magulang ko. My parents are both doctor. We own a hospital and medical school. BUT I'm not a medical student nor a graduate of medicine. I chose to be an engineer para maiba naman. Graduate na ako and ngayon katatanggap ko lang ng license ko.

At dahil sa profession ko nakilala ko ang boss kong sobra sa kalandian. Daig pa mga babae sa landing taglay nito. Gwapo, macho, mayaman at matalino. Chick magnet.

Ano kaya ang mangyayari sa amin? Mahuhulog ba ako sa kanya? O sya ang mahuhulog sa akin? O baka naman sabay kaming mahulog sa isa't isa.

****

My Seductive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon