Three

58 1 0
                                    

Nakarating kami sa party on time. There were a lot of people, mostly businessmen. Some were celebrities and socialites. I've seen few familiar faces. Mom and Dad's associates. Speaking of my parents, I miss them a lot.

We went inside the function hall. Dumiretso kami sa upuang itinuro samin ng mga ushers. Tahimik lang akong nakaupo dun habang si Calvin ay nakikipag-usap sa mga kasama namin sa mesa. Nalaman kong mag-asawa pala sila at may-ari ng isang telecommunication company. May dalawa silang anak, isang babae at isang lalaki. Hindi naman ako masyadong chismosa, 'no? Well nakikinig naman talaga ako sa kanila habang naglalaro ng Piano Tiles sa phone ko. Boring kaya, tsaka wala naman akong sasabihin kaya mas mabuting manahimik nalang at makinig sa pinag-uusapan nila.

"Kia?" Isang boses ng lalaki ang biglang nagsalita sa harap ko. Itinaas ko ang ulo ko para makita kung sino yung lalaking nagsalita.

"Uhm yes?" The room was a bit dark kaya hindi ko mamukhaan yung lalaki. But his voice is familiar. Nahalata niya siguro na hindi ko siya makilala kaya nagpakilala nalang siya.

Brian Catilogo my ex-crush. Heartthrob siya sa unibersidad na pinasukan ko. Matalino. Varsity Player. Gentleman. Siya yung maituturing kong guy bestfriend dati. But when he found out about my feelings towards him, bigla siyang lumayo. Ayaw daw niya akong saktan at hanggang friends lang daw kami. Edi wow! Hindi ko naman sinabing ligawan niya ako. I was just admiring him. At isa pa, hindi ako in love sa kanya. Mygosh! Galit na galit ako nang sabihin niya sa akin iyon. Simula nun di ko na siya pinansin sa school. #FriendshipOver


Nag-usap lang kami saglit. I didn't notice na wala na pala si Calvin sa tabi ko. Nung tinanong ko yung katabi niya, kanina pa daw umalis si Calvin. Tumayo ako agad para hanapin siya. Syempre nagexcuse muna ako sa mga kasama namin sa table, manners ba. I searched the room but no sign of him. Lumabas ako hoping to see him with one of his business partners pero wala pa rin. May nakita akong lalaking nakatalikod sa medyo kalayuan. Sa bandang likod na ng building. Sa tindig palang alam ko nang si Calvin iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ng malapit na ako bigla akong napahinto sa pagkakagulat. Calvin. Calvin was torridly kissing a girl. Nakatalikod siya sa akin kaya di niya makikita na nandun ako. Nabigla yung babaeng kahalikan niya ng makita akong nakatayo dun. She stopped and Calvin groaned in frustration dahil sa paghinto ng babae. Nilingon niya ako at dahil sa sobrang gulat naitulak niya yung babaeng kanina'y katukaan niya. Sumigaw yung babae dahilan para makabalik ako sa katinuan. Tumalikod ako at tumakbo. Saktong may padaan na taxi kaya agad kong pinarahan at sumakay. I told the driver my address.

Pagdating ko ng bahay, agad akong umakyat ng kwarto. Naghilamos at nagbihis. Nag-online ako sa Skype baka kasi madatnan kong online yung mga magulang ko, pero offline sila. Sad

Nakahiga na ako sa kama at nakatingala sa kisame. Bakit ako tumakbo? Bakit ko siya iniwan dun? Hindi niya naman ako girlfriend. Wala akong karapatan masaktan. Pero bakit nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko yung nangyari kanina? Siguro nasasaktan lang yung ego ko. Tama. Nasasaktan ako kasi pwede naman siyang magpaalam sa akin na lalabas siya kasi nangangati na yung labi niya at naghahanap na ng makakatukaan. Edi sana hindi ako lumabas para hanapin siya. Kapagod kaya ng ginawa ko. Tsssss

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Seductive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon