TEKA LANG! 2

870 71 14
                                    

Tumigil ka.
Lumingon.
Napakurap.
Sa aking pag-amin,
ika’y napasinghap.
Aking pagkakakapit,
iyong tinanggal.
At saka sinabing,
ako’y matagal mo na ring mahal.

Nagulat.
Napatanga.
Biglang namula.
Hindi inaasahan
reaksiyong nakuha.
Pero ako’y labis na nagalak.
Sumaya.
Sa pag-aakalang ako’y mahal mo ngang talaga.

Akala ko, ikaw na ang tamang tao.
Akala ko, ito na ang tamang panahon.
Pero tila nga ba hanggang ngayon,
Ako pa ri’y pinaglalaruan ni Kupido.

Tama na.
Nagmukha akong tanga.
Kasi,
akala ko,
totoo na.
’Yon pala,
ako’y iyo lang pinaasa.

Ilang buwan ang nakalipas na tayo’y masayang magkasama.
Ilang buwang pinaikot sa salitang akala ko’y totoo na.
’Yon pala,
ako’y napaglalaruan na,
Sa isang larong kay sakit kapag natalo ka.

Mahal mo ako, sabi mo.
Pero bakit nakita kitang kayakap ang dating mahal mo?
Nilapitan kita.
Kinalabit.
Tinitigan.
Umaasang sa ’yo’y may makuhang kasagutan.

Pero ang sakit.
Tanging pagtalikod lang iyong naiganti.
Iniwan mo na naman akong luhaan.
Sugatan.
Habang nakatingin sa inyong likuran.

Umiwas muli ako.
Kasi nasasaktan ako.
Kasi ang sakit ng ginawa mo.
Kasi niloko mo ako.

Pero bakit heto ka at lumalapit na naman?
Bakit narito ka uli, nakikiusap sa aking harapan?
Para ano? Para iyong gamitin na naman?
Mukha ba talaga akong laruan?

Pero dahil mahal kita,
Muli sa ’yo ako’y nagpakatanga.
Umaasang sana’y totoo na,
Dahil sabi mo nga’y ako’y mahal nang talaga.

Hindi ininda ang pagtalikod sa akin noon,
Dahil sabi mo,
ako na ang iyong mahal ngayon.
Ako na ang pinipili mo,
Ako na ang aalagaan mo.

Pero wala,
sablay talaga ang pana ni Kupido.
Hindi niya masapul-sapol ang puso mo para ibigin ako.
Kasi,
’Yan ka na naman,
Sa kaniya’y bumabalik na naman.

Nakita kita.
Naglalakad.
Mag-isa.
Pagkakatao’y kinuha ko na.
Ayoko na.
Sobrang sakit na.

“TEKA LANG!
Akala ko ba,
totoo na?”
sabi ko sa ’yo nang mahawakan kita.
Pero ang sakit.
Ang sakit,
sobra.
Hindi ko na kaya.

“Teka lang, mali ka ng iyong inaakala.
Hindi naman kita mahal talaga.
Ginamit lang kita para maibalik siya.
Patawad.
Pero hanggang kaibigan lang talaga."

Hindi ko na nakaya.
Nasampal kita.
Napaiyak.
Napahikbi.
Hindi sapat ang sampal sa sakit at hapdi.
Hindi sapat ang sampal para muling maibalik ngiti sa aking mga labi.

TEKA LANG! Akala ko ba, totoo na?
Akala ko ba, mahal mo na akong talaga.
’Yon pala, ako’y ginawa mo lang tanga,
Para maibalik ang babaeng mahal mo talaga.



---
I swear. I tried my best to give you the best sequel but I think I failed. I just hope you enjoyed it the same way as you enjoyed the previous one. Thanks for your votes and comments, guys! *hugs! :) -DM

TEKA LANG! 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon