Chapter 2

50 2 0
                                    

Chapter 2

Daniel’s P.O.V

Eto ako ngayon, naglalakad papunta sa classroom namin. Hirap hanapin! Naka-post kasi yung list ng names sa mismong labas ng room kung saan ka. Buti nalang hindi pa ako late, first day pa naman.

Pumasok na ako at na-upo sa may likod. Wala pa namang sitting arrangement eh. At hindi ko alam kung uso dito yun. Transferee ako. Lumipat ako ng school kasi may kasunduan kami ni mama na kapag dito ako nag-aral ngayong 4th year highschool, papayagan nila ako ni papa na sa California mag-aral ulit at dun tapusin ang college ko. Gusto ko sana dun mag-aral ng college dahil .. sa maraming dahilan.

Dumami ng dumami ang mga nagpapasukan sa room. Napukaw ng atensyon ko ang isang babaeng di ganoon katangkad at hindi rin ganoon kaliit, hindi chubby at hindi rin payat, sakto lang. Mahaba-haba ang buhok..

Medyo maputi at singkit ang mga mata.

Naghahanap sya ng ma-uupuan at dahil bakante pa ang katabing upuan ko, dito sya pumunta. Ngumiti muna sya sakin at bago ma-upo. Ngumiti nalang rin ako pabalik.

“Hi. I’m Joyce, Joyce Ching, and you are?” naka ngiti nyang bati sakin

“Daniel” mahikling sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kaka-iba sa kanya. Para bang pamilyar sya? Ewan.

Ngumiti nalang sya at bigla nang pumasok ang teacher namin.

Nag-pakilala na isa-isa. At ngayon ako naman dahil ako ang nasa pinaka-dulo. Tumayo ako at pumunta sa harap.

“Daniel John Padilla, turned 16 last April 26.”

Pagkasabi ko non na-upo na agad ako. At dahil last nga ako..

May mga hindi pa ba nakakapagpakilala?” tanong ng teacher namin.

“KAMI PO, MA’AM!” pare-pareho kaming napatingin sa apat na babaeng nasa may pintuan na yan ang sabay-sabay na sabi.

Bigla naman silang napa-yukong apat nung timingin kami sa kanila.

“Sorry ma’am, we’re late.” Sabay sabay na naman sa sabi nila.

Ano yan? Praktisado? Napangiti naman ako dahil para silang quadruplets. Hindi yung literal na quadruplets na magkakadikit at magkaka mukha.

Yung quadruplets na kahit hindi magkakamukha ng itsura, talagang may mga pagkakamukha na sila. Magulo ba? Haha. Basta. Mahahalata mo yun sa mga gamit nila. Tulad nung mga bags nila na magkaka-iba ng kulay pero pare-parehas ng disenyo. Mahahalata mo na matalik silang magkakaibigan.

“Forgiven, first day palang naman. SIge na. You may go inside and take your sits.”

“Thank you, ma’am.” Sabay-sabay na sabi nila at pumasok na sa room.

Yung totoo?! PRAKTISADO BA YAN? -____-

Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko ng may biglang nag-salita sa tabi ko.

“Sila ang   . Yung may Red na bag, yan si Miles, Miles Ocampo. Boyfriend nya si Marco Gumabao, yung nasa kabilang section. Yung may Violet na bag, yan naman si Julia Montes. Maraming manliligaw yan pero tanging si Diego Loyzaga lang yung ine-entertain nya or let’s say formal suitor nya talaga. Yung may Blue na bag, yan naman si Aria Clemente. Lahat ng manliligaw nyan, busted! Skater yan pero fashionista yan!”

“Sino naman yung may yellow na bag?” Actually, yung bag nilang lahat eh may halo na black .

“Ah yan? Yan si Kath, the famous Kathryn Bernardo. Sya pinaka-angat sa kanilang apat. Dati na syang niligawin ni Diego, pero wala, busted.”

Kathryn Bernardo…

“Huh? Eh diba si Diego yung suitor nung Julia? Di ba akward yon?”

“Hindi naman na siguro. Na-realize naman ni Diego na si Julia talaga at hindi si Kath. Okay naman na kay Kath yon. Tapos ngayon, ang tanging nanliligaw kay Kath eh si Derrick. Derrick Monesterio. Nasa kabilang section nga lang sya. Di ko nga alam kung bakit di pa sinasagot ni Kath eh.  Si Derrick kasi yung school heartthrob at basketball team captain. At sya lang rin ang nanliligaw kay Kath dahil takot lang ng iba sa kanya.”

“Ahhh. Teka, bakit mo nga pala sakin kine-kwento yung mga yan?”                     

“Wala lang. Gusto ko lang i-share. Para sakin kasi ang interesting ng buhay nila.”

“Sabagay. Mukha nga. Ang dami mong alam tungkol sa kanila eh.” Natawa naman sya at natawa narin ako.

“Mr. Padilla and Ms. Ching, mind sharing the reason of your laughter in the class?”

Nagulat naman kaming dalawa at napatigila agad sa pag-tawa.

“Oh, sorry ma’am. It’s nothing.” Sabi naman ni Joyce sabay ngumiti sakin

I mouthed her “thank you” then tumahimik na kaming dalawa.

Nag-ring na ang bell, sign of class dismiss. Nag goodbye na kami kay ma’am at nag-silabasan na ang iba. Break time na kasi.

“Daniel, you want to join me for break time?”

“Oh Joyce. Susunod nalang siguro ako. Titignan ko pa kasi sa may basketball court kung kelan schedule ng try-outs.”

“Ah ganun ba. Osige. Kung makaka-sunod ka dun lang ako sa may garden ha. Dun kasi tambayan ko pag break time eh. Kung sakali lang naman na gusto mo pumunta.” Sabi nya sabay ngiti na parang anghel. Natawa nalang ako sa kanya.

“Sige na. Una na ko.” Sabi ko sa kanya at na-una ng lumabas.

Hindi lang naman sa may court ang punta ko eh. Gusto ko rin makapag isip-isipi. Yung mag-isa. Tahimik.

Pagkagaling ko sa court, dun nalang muna ako tumambay sa may play ground ng mga kinder. Wala naman na sila eh.

Umupo ako at nga naman, tanaw na tanaw ko ditto yung babae na yon. I found her really interesting.

Kathryn Bernardo… what’s with you?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happy Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon