Yey, lunch na! Woo party! Hahaha!
Kasama ko pala si Steph ngayon. As usual ang daldal nanaman.
"3 years mo na crush si Zack ah? Tsk! Di mo manlang nilalapitan, tas ni kausapin hindi. May topak karin no." Sermon ni Steph.
"Anoka ba, di naman ako tulad mo. Tsk nakikita ko nga lang siya ang lakas na ng tibok ng puso ko, yung parang aatakihin. Basta nahihiya ako at the same time natatakot"
"Mabait naman si Zack ah? Di siya yung Bad Boy type, hindi play boy. Oo, cool siya sikat at sobrang gwapo. Boy next door ang dating, masarap kasama."
"Eh Bat ka naman mahihiya or matatakot? Nako" Dagdag pa ni Steph.
Hay buti pa si Steph mejo close na si Zack.
Siguro di naf-feel ni Steph yung naf-feel ko.
Iba talaga yung kaba pag nandiyan crush mo diba?
Yung feeling na sarap magtago sa bulsa ng kaibigan mo pag nakikita mo siya, pag dadaan na siya.
Hala palapit na siya samin ni Steph. Omygod. Hala, kasama din niya barkada niya.
"Uy hello steph!" bati ni Zack
"Ehem, may kasama ako oh?"
Transferee si Zack, nakilala niya si Steph nung General Assembly nung first day.
Absent kasi ako nun. Bigti. Haha!
"Ay sorry, hello pala. Uhm, Meygan diba?"
JUICE KO! Binanggit ni Zack pangalan ko! Teka baka panaginip to.
Anoba Meygan hindi panaginip! Totoo!!
*Siniko ako ni Steph* Onga pala ako kinakausap ni Zack!!!
Kakahiya natulala ako!
"Ah-ah, O-oo M-Meygan"
Tas nag-smile siya. Shocks! Pamatay!
"Oh Steph okay na?"
"Ona. Ona, oh bakit ba?"
"Kailangan ng gitarista sa 1st year, pwede bang ikaw pumalit sakin? Nahihiya ko eh"
Grabe ang cute niya! Hahaha ang gwapo gwapo nahihiya :)
"Eh bat ayaw mo? I mean anong nakakahiya don?" Tanong ni Steph
"Sige, na ikaw na! May basketball din kami bukas so di makakatugtog si Zack" Sabat ni Chad. Bestfriend ni Zack.
Gwapo din, mabait at friendly. Sweet daw sobra sabi ng mga kabatch kong babae.
Silang dalawa ni Zack crush ng buong bayan. Haha oa! Hearthrob sila eh.
Ewan ko ba bat naging crush ko si Zack, eh alam ko namang napaka-imposible.
Sikat siya, ako hindi.
Sobrang perfect ng itsura, ako hindi.
Eh, basta alam ko sakanya lang ako tinamaan ng ganito. Ewan.
"Ah sige. Ako na mag gigitara. Wala namang akong gagawin bukas eh" Pumayag si Steph.
"Yun salamat ah! I owe you one! Salamat steph! Woo salamat rin Meygan *sabay ngiti*"
Waaaah! <3 Lord ang bait bait mo po! Hahaha kinikiig tuloy ako.
Yun umalis na sila. Tapos na ata lunch nila. Kami ngayon lang maglulunch.
"Oh buo na araw mo ah. Thanks to me!" Sabay kuha ni Steph sa order namin sa canteen.
"The best ka Steph"
"Ako pa! O tara dun tayo upo"
"Sige! Uy sama ko bukas, panonoorin kita tumugtog sa Freshmen Welcome!"
"If i know panonoorin mo lang si Zack sa Basketball."
"Grabe naman to! Siyempre yun yung main agenda ko"
"Baliw ka talaga hahaha"
"Joke lang siyempre suportahan kita no!"
"Sus Meygan! Haha, ediba magtuturo ka sa elem ng Glee bukas?"
Glee member pala ako, pero pinagtuturo nako ng coach namin.
Angelic kasi boses ko, pero di ako nagperperform sa school.
Sobrang mahiyain ako may stage fright pa! So yun, hanggang sa loob lng ng Glee club talent ko. Haha!
"Oo, edi bibilisan ko nalang! Rap ipakakanta ko sa mga tuturuan ko!"
Hahahaha, nagtawanan lang kami ni Steph buong lunch.
Iba talaga pag kinikilig, di mamaalis yung ngiti. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Undefined Feelings
Teen Fiction"Crush or Infatuation parin kaya o Love na? Hay ang corny. Pero basta alam ko gusto ko siya, pero hindi ako gusto niya.." -Meygan