chapter 2 : New Toy

19 0 0
                                    


Ryan's PoV

Lumabas na ako ng room . Grabe nakakahiya nakita niya akong nakatignin sa kanya. Bumili ako ng egg sandwich at tropicana at Umupo ako sa pangdalawahan na table sa gitna ng canteen wala na kasing vacant kundi ito at yung animan na pangmaramihan . Nang makaupo na ako . Marami akong naririnig na nagbubulungan yung iba nman . Nagpaganda at yung mga boys nman inayos yung mga sarili nila. Bakit? Anong meron? Tanong ko sa sarili ko. Ang gago ko baka naman sumagot yung sarili ko no?!

"parating na sila . Sana ako mapili ni ryei!" tili nung isang babae sa may gilid ng canteen

"syet ! Si april ang hinihintay ko ! Makita ko lng siya okay na ." ulol to ahhh. Aagawan pa ako . Akin lang si april no.

"perlyn lng sapat na " sabi nung boy .

" mas maganda pa rin si charity." mas maganda si april . Hahaha.

" sana maging boyfriend ko si carlo" sino ba yun?

Bakit parang kilala sila? Ang ulaga mo ryan talagang kilala sila. So sikat pala si crush. hehehe . oo crush ko si april hehe. pero wag kayong maiingay ahh. secret lng. pag kayo nagingay mamahalin ko kayo . Dejk. para kay april lng ako hahaha. habang kumakain ako bigla na lng natahimik ang buong paligid. at nakatingin sa pinto na parang nagpipigil ng hiyaw . yung mga naririnig kong bulungan at hiyawan kanina nawala . kaya tumingin ako kung saan sila nakatingin. sa pinto nkita ko si crush. men! mababaliw nanaman ako. dumaretso sila sa animan na table. tumayo ang dalawa nilang kasamang lalaki at bumili . teka hindi ba kakain si crush?

pagbalik nung dalawa . may kasunod na apat na babae na may hawak na tray . wow ! gentleman yung girls. paglapag ng tray nung apat na babae sa mesa nila crush umalis sila ng namumula . anong nangyare ? sinuntok sila?

nagulat na lng ako ng tumayo si crush at kumuha ng tray . papaunta siya sa direction ko . hoy ! ryan . wag kang illusyonado . hindi yan pupunta sayo !!!gumising ka nga nanaginip ka na ata eii. Nakatingin lng ako sa mata niya na sobrang itim . parang may kakaiba sa mata niya . natauhan na lng ako ng magsalita siya.

" pwedeng makiupo?" tanong sakin ni crush. nakatingin ako sa kanya. " d ba pwede?" dugtong niya.

" a-a-ahm pwede . sige upo kana dyan." bakit ganto kinakabahan ako . tanga mo ryan nautal ka pa nakakahiya baka isipin niya na may gusto ako sa kanya . which is totoo nman. kumain kme ng sabay . syet ! kilig to the bones,kigtot my heart , kalabog my lungs. men! magpapacheck up nga ako mamaya baka may sakit na pla ako sa puso ng dahil sa babaeng to. habang kumakain d ko talaga maiwasang di magsalita" ahmn bakit dto ka umupo e. may mga kasama ka nman?" tumingin siya sakin . mali ata yung tanong ko . ang bobo mo Ryan ikaw na ang tanga.

"hahahaha yun ba? akala ko ayaw mo sakin kaya ayaw mong magsalita. kasi magisa ka lng kaya sinasamahan kita. tsaka bago ka pa lng sa school baka mapagtripan ka ." men! ngumiti siya. nakakalusaw ang ngiti niya . heaven! Ang bait pa hahaha swerte ng magiging boyfriend neto . Syempre ako yun no. hahaha spell ASA .R-Y-A-N N-E-L-S-O-N.

April's PoV

naglalakad na kme papuntang canteen . at syempre nakatanga ang mga kutonglupa sa kagandahan nmin . *smirk . Ganyan talaga pagDyosa tulo laway sayo ng mga hampaslupa. habang ibinabalandra ko ang aking kagandahan na naguumapaw at namamayani dto sa buong mundo. May hampaslupang humarang sakin at hinawakan ako .

"april play with me please?" nagmamakaawang pakiusap niya sakin .

"boy. im a goddess player.  pero di lahat pinapatulan ko." *tingin ulo hanggang paa . " tignan mo nga sarili mo mula ulo mo hanggang paa . ewan ko lang kung may ulo ka ? kasi di ko makita !" sabay lampas sa kanya. kala mo nman may itchura mas may itchura pa nga paa ko sa kanya eii.

pagpasok nmin ng canteen nakita ko agad yun toy ko . yes! its playtime . pagkaupo ko ng table umalis sila carlo para kumuha ng pagkain .

" hey girls! see that " (turo ko sa bago naming kaklase gamit ang mata ko) " he's going to be my new toy " sabi ko sa mga dyosa kong katabi.

"may itchurang tao siya . " lahad ni perlyn.

"so pano?" tanong ni charity.

"april. bakit siya pa ? may slight akong gusto sa kanya e."
tutol ni Drea.

"tama ka perlyn mukha siyang tao . haha sorry Drea hanap ka na lng . gusto ko siyang laruin e. at sarte like the oldtimes". tugon ko sa mga tanong nila .

"so ikaw april magkano itataya mo?" tanong ni charity .

"oo nga april . tignan mo kasi parang ayaw niya sa babae. " sabi nman ni Drea.

" Gaano man katigas ang puso niya , pag ako ang trumabaho lalambot at lalambot yan" sagot ko kay drea.

"april magkano nga?" tanong ni perlyn .

"50,000,000 for that toy " sagot ko.

"sige goodluck gorgeous . break a leg." sagot ni perlyn.

pagkatapos kong makipagkwentuhan sa mga dyosa . tumayo ako at kumuha ng tray sabay lapit sa toy ko para laruin .

"pwede bang makiupo ?" panimula ko. " di ba pwede?" ano bang nangyari dto parang pipe . namangha ata sa kagandahan na tinataglay ko. magkakaugat na ata ako ahh.

"a-a-ahm sige upo kana dyan" sagot niya buti nman sumagot din nakakangawit kayang tumayo.

" bakit dto ka na upo ? may mga kasama ka nman ?" syempre para paglaruan ka ano pa ba? ang Good girl ko talaga kaya ako biniyayaan ng dyosang kagandahan .

"ahhh yun lng ba? akala ko kasi ayaw mo sakin kaya ayaw mong magsalita. kasi magisa ka lng. tsaka bago ka pa lng kaya sinamahan na kita baka kasi mapagtripan ka" palusot ko. matalino ako eii. kung di niyo alam nasa top ako no. oh ayan alam niyo na .

hanggang sa matapos na kming kumain . peste! d ako nakascore. baka iniisip niyo kiss ah! d ako ganun . ang iscore para sakin is yung pagnapakilig ko na.

at dahil trying hard tong hinayupak na to .  bibigay rin yan  tandaan mo yan april dyosa ka.*smirk. pagkatapos kong kumain . bumalik na ko sa mga dyosa at tunay na pogi. haayy!

Perlyn's PoV

" mukhang mananalo tayo ngaun kay april ahh" saad ko

"paano mo nasabi?"tanong ni drea

"Di kasi nakascore " sabi nman ni charity. buti na lng sinagot ni charity baka kasi mahirapan ang beauty kong magexplain e.

"may tiwala ako kay april no! d pa siya natalo sa kahit na anong larong pagibig!" sabi ni drea.

" malay mo ngaun siya matalo" saad ni charity.

"oo nga . hindi lahat ng gusto mo makukuha mo"saad ko. totoo nman eii. d lahat ng bagay sasangayon sa kagustuhan mo. pero 50/50 e. statwa nga kayang pagalawin ni laforteza yun pa kaya. pero para kasing walang interest yung lalaki sa kanya eii. d man lng kinakausap si april. kung mapaibig man siya ng dyosa edi masaya may madadagdag ulit sa collection nmin. hahahaha.

ryei's PoV

kung si april tinatamad pumasok ako hindi . bkit? simple lng maraming chikababes . gusto kong ipangalandakan ang gwapo kong pamumukha. hahaha. bago pala tayo magkalimutan . ako nga pala si Ryei Gruta 16 years old nakatira sa mga puso ng mga magagandang binibini.

naglalakad kme papuntang canteen at di maiiwasan na mapatingin sakin ang mga naggagandahang dilag. bakit? Pogi ako e hot pa san ka pa ? edi kay Ryei Gruta na! habang tinitignan ko ang mga nagpapacute na babae sakin . nang biglang tumunog ang cellphone ko *kring kring

from:babe

babe. miss nakita !kita nman tayo oh? pls.

haay! ang pogi ko talaga kaya hinahabol ako ng babae e.

to: babe

sorry babe tapos na ko sayo. sa iba nman . wag kang madamot . i-share mo nman ako sa ibang chikababes ;*

hahaha . Ang mga lumang bagay kaylangan ng itapon.wala akong pakielam kung may itchura pa yan . basta pag tapos na akong maglaro di ko na binabalikan. tska ayaw kong lumabag sa rules no!
ayaw kong iwan ang mga kaibigan ko lalo na ang grupo . magagandang dilag lng ang iniiwan ko pero di ang mga dyosa at pogi kong mga kaibigan.

The Game of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon