Until I Got Over You

157 3 0
                                    


Minsan may mga bagay na inaakala natin na mangyayari. Expectations vs. Reality.

Mga bagay na hawak na natin pero magugulat nalang tayo na wala na pala ito.

Minsan mapapaisip na lang tayo kung bakit pa nangyare to? Bakit may taong itinakda nating makilala, pero hindi itinakda na manatili sa atin. Life is so unfair

"....so I think its settled then? Charity? Are you with us?"

I came back to my senses nung tinawag ako ni Leslie.

Errrr. Why am I daydreaming in the first place?

"Oh yes! I agree, I agree" I nodded para mas convincing na naiintindihan ko sila. Kahit sa totoo lang ay hindi.

"You sure? Is it okay?" Venus asked.

Oh crap! Tungkol saan ba ang topic? Ano ba yon? Ano yung okay?

Ayoko namang itanong sa kanila dahil baka mabatukan pa nila ko. Geez. Hindi na talaga ako huhugot. Ever!

"He-he. Oo naman no? Bakit naman hindi diba? Wala namang masama dun right?"

Tama yan Charity. Pasimple mong itanong pero wag mo ipahalata na clueless ka.

"Great! Ang tagal naman na nun kaya I think its better na magkaroon sila ng closure. Right Charity?" This time, curious na talaga ko ng sobra nung tinanong ako ni Leslie. What the heck are they talking about?

But I found myself nodding. I'm definitely the biggest idiot here. The fudge!

Bakit ba kasi sa gitna pa ng meeting namin ako na-out of the world!

Hinintay ko na mag explain sila tungkol sa sinasabi nila na yon, pero nag change topic sila! I'm doomed.

-------------

"Woah! You came!" Venus exclaimed and ran towards him.

My eyes literally widened. Anong-- anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Paano niya nalaman?

"Oh? Anong reaksyon yan? Informed ka naman diba?" Ibinaling ko ang atensyon ko sa babaeng nasa tabi ko. Leslie.

"I'm not!" sigaw ko na pabulong.

"You agreed to this!" nakataas na kilay na bulyaw nya saken.

"Why the heck I would agree huh?" still pabulong na sigaw na sabi ko.

"Face the consequences sa hindi mo pagbibigay ng atensyon sa meeting natin kahapon." she said grinning. Then, sinalubong na niya ang mga guest. Pati siya.

So ito yon? ITO? Kung alam ko lang na ito pala yung pinag-uusapan nila edi sana tinanong ko na lang sila!
Kaya lang ang stupid ko kase at nag "Oh yes! I agree, I agree" pa ako. Katangahan talaga Charity! Iyan ang laging nagpapahamak sayo mula noon pa. Arrgh

Mabilis pa kay flash na tumakbo ako papuntang rest room at ni-lock ang pinto.

Tiningnan ko ang reflection ko sa mirror at bumuntong hininga.

"Why am I still stuck on you?"

Yan. Yan ang nag-iisang tanong ko sa isip ko. At puso.

5 years. 5 freaking years! But still...
Arrrgh. I'm still not over him.

And memories came flashing back through my mind.

-5 years ago-

"Finally!" Leslie shouted.

"I still can't believe na naka-survive tayo" Venus said.

Until I Got Over You (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon